THIRD PERSON P O V " Bakit ba isang bakol iyang mukha mo!? Ayaw mo yatang nandito ako!? Uuwi na nga lang ako! " nagtatampong sambit naman ni Tin tin sa kaibigan, pinuntahan ulit n'ya kasi ang kaibigan dahil naiinip s'ya sa kanilang bahay. " Hindi ah! Pasensya na, tara kain na tayo. " tanggi naman nito sabay aya sa kan'ya, nag- umpisa na nga itong mag hain, naiba na rin ang hilatsa ng mukha nito. " Bakit nga kasi hindi maipinta ang itsura mo " usisa ulit ni Tin tin sa kaibigan habang kumakain na sila. " Malapit na siguro dumating ang monthly period ko. " palusot na lamang ni Yell, tumango- tango naman si Tin tin habang dire- diretso ang pag- sub0 ng kanin at ulam na pritong isda at nilagang okra at talong na may sawsawang bagoong at suka na nilagyan nila ng sili. May hinihigop din si

