THIRD PERSON P O V Tahimik pa rin sila habang bumibyahe, ilang minuto lang naman at makakarating na sila sa bahay nila Yell. " Hindi ba magagalit ang Senyor at ginabi na itong pagsosoli mo ng sasakyan n'ya? " usisa ng dalaga, para lamang siguro may mapag- kwentuhan sila. Hindi n'ya kasi alam kung bakit tila nagkaruon ng awkwardness sa pagitan nila ng binata kahit na maghapon naman silang magkasama. " Hindi! Malakas ako sa Senyor, don't you worry! " natatawang tugon naman n'ya na tila nagmama laki pa. Pero sa kalsada pa rin naman nakatuon ang kan'yang pansin. " Talaga lang, ha!? " hamon pa n'ya sa binata " Oo nga! One of these days ay ipapa kilala kita sa kanila, madalas nga nilang tanungin kung sino iyong nililigawan ko dahil lagi nga akong nanghihiram nitong sasakyan. Ibinuking

