PAKYAW

1729 Words
YELL'S P O V Maaga akong umalis kinabukasan para humango ng isda sa punduhan, tulog pa ang pamilya ko dahan- dahan lamang ang mga kilos ko. Tsaka ko ititinda sa pwesto sa pelengke, ngunit hindi pa ako nagtatagal na nailatag ang aking mga panindang isda nang magulantang ako sa tumawag sa aking pangalan. Nang pag- angat ko ng paningin ay nakita ko ang Driver ng Senyor sa Mansyon at hindi ko matandaan kung saan ko nakita iyong lalakeng kasama nito. Panay tuloy sulyap ng mga katabi kong tindera sa amin dahil iba bagong mukha kasi ang lalake. " Good morning po, Mang Rhys! Ang aga n'yo naman po!? " magiliw ko namang bati sa tauhan din ng mansyon. " Magandang umaga rin, Yell! Maaga kasi kaming inutusan ni Senyora Zarah, alam mo na! " napapakamot lamang ito sa ulong sambit n'ya, " Ang sipag mo talagang bata ka! Magaling na ba ang Inay mo kaya nagtinda ka na? " turan pa nito na may kasamang tanong. " Opo, Mang Rhys kaya po nakapag tinda na ako. " masayang tugon ko naman, tumango naman ito, " Ahh! Ano po ba ang kailangan n'yo at lilinisin ko na po para hindi na mahirapan si Manang Jane pag- uwi n'yo. " magiliw ko pa tanong, asawa kasi s'ya ang Mayordoma sa Mansyon ng mga Silvestre. " Ano po ba ang gusto mo Sen - . . Ryegunn! Ahm! Ano ang bibilhin natin? " baling naman nito sa katabi, noon ko lamang naaalala na ito nga pala ang naka- tilansik ng putik sa amin kahapon no'ng pauwi na kami galing sa bukid. Kaya pala tila may rigodon na naman sa dibdib ko sa lakas nang t***k nito. " Lahat 'yan! Madalang kasi akong makatikim ng ganyang isda. " prangkang tugon naman ng lalakeng Natulala naman ako sa kan'yang sinambit, hindi ko lang masabing mayroon ba s'yang pambayad? At kung makapag desisyon ay akala mo s'ya ang amo. Kaya napatingin na lamang ako kay Mang Rhys na nagtatanong. " Sige, Ineng, kukunin na namin lahat, magkano ba? " walang gatol din na wika ni Mang Rhys " Ho!? S- Sigurado po kayo!? " nag- aatubiling tanong ko pa, nakarinig tuloy ako nang bulungan sa paligid ko, narinig siguro nila ang tinuran ng mga kausap ko. " Oo nga, Ineng, hindi kami nagbibiro. " naka- ngiting sambit pa ni Manong Rhys. " Ayaw mo yata Yell eh!? Dito na lang kayo Manong para makauwi ako ng maaga. " saad ng nasa kaliwang pwesto ko. Kaya napa- tingin na rin ang ibang katabi naming tindera sa amin. " Salamat na lang! Ito kasi ang gusto ng A- . . nitong si Ryegunn kaya iyon ang masusunod. S'ya kasi ang pinag bilinan ni Senyora Zarah, pinag drive ko lamang s'ya. " mahabang paliwanag naman ng Family Driver ng Senyor " Sayang naman! " reklamo pa nito, " Ayusin mo na Yell iyang paninda mo nang makauwi ka ng maaga! Ang swerte mo ngayon, ha!? " utos na n'ya sa akin, nang makita ko ngang seryoso ang dalawang kaharap ko ay inumpisahan ko nang kiluhin ang mga isda. Bali limang klaseng isda kasi ang tinda ko. May isdang galing sa tabang na tubig at mayruon namang hinuhuli sa dagat. May naririnig pa akong inaalok ang paninda nila na baka magustuhan ng kasama ni Mang Rhys ngunit todo tanggi naman ang lalake. " Naku! Maraming salamat po! Sandali lang po at kikiluhin ko! " bulalas ko namang tugon, nataranta pa tuloy ako sa pagmamadali, dalawang timba rin kasi ang dami nitong paninda ko. " Ito na ba lahat? " seryosong tanong no'ng lalake, inabot ko na kasi sa kanila ni Mang Rhys iyong mga plastic. " Opo! " maikling tugon ko naman at sinabi ko ang halaga no'ng mga binili nila, ito na rin ang nagbayad. " Eh, 'de pauwi ka na n'yan, Yell? Sumabay ka na sa amin pauwi, sa kabilang gate na lamang kami dadaan para maihatid ka namin. " alok naman ni Ryegunn sa akin. Akala mo naman matagal na kaming magka kilala kung tawagin ako sa first name ko. " Oo! Pinakyaw n'yo na ang paninda ko kaya wala na akong ititinda. " tugon ko naman habang nililinis ang mga bilao, timba at mismong pwesto ko para malinis kinabukasan na magtitinda ulit ko. " Iyon naman pala! Kung gayon ay sumabay ka na sa amin pauwi. " wika pa n'ya, napa tingin na lamang ako kay Mang Rhys. Kung makapag- aya kasi ay tila s'ya ang may ari no'ng sasakyan. " S'ya nga naman Yell sumabay ka na sa amin para hindi ka mahirapan sa pag- byahe mo. " sang- ayon naman ni Manong, ayoko namang samantalahin ang kabaitan nila at baka makarating pa sa Senyora ay nakakahiya, pare- pareho lamang kasi kaming mga tauhan sa Hacienda, baka mapagalitan pa sila. " H'wag na po, maraming salamat na lang po. " magalang ko namang tanggi, binitbit ko na ang dadalhin ko at nag- umpisa nang humakbang. Sumunod naman Silang dalawa sa akin, hati sila sa dala- dalang mga plastic na binili nila. " Dalhin ko na iyang ibang bitbit mo. " naka- lahad na ang isang kamay n'ya sa akin " Okay lang! Kaya ko naman. " tugon ko at ipinakita ko talaga sa kan'ya na kaya kong bitbitin ang mga bilao at timba. Ayoko naman kasing mangutangan ng loob sa kan'ya, bago pa lamang s'ya rito kaya nakaka hiya naman. Hindi na nga ito nag pumilit hanggang makalabas kami sa palengke at huminto sa gilid ng kalsada para maghintay ng tricycle na sasakyan ko pauwi sa bahay namin. Noon pa lamang kumakalat ang liwanag sa buong paligid kaya kaunti pa lamang ang mga tricycle driver na namamasada. " Oh!? Bakit hindi pa kayo umuuwi Mang Rhys? May bibilhin pa po ba kayo? " takang tanong ko, nasa tabi ko pa kasi sila na tila naghihintay rin ng dadaan na tricycle. " Hintayin ka na namin na masakay, baka matagalan ka pa kasi. " tugon naman ni Mang Rhys " Naku! H'wag na po! Baka po hanapin naman kayo sa Hacienda! Okay lang po ako rito. " bulalas ko namang sagot, ngunit hindi naman sila tuminag sa pagkakatayo sa tabi ko. " Tara na! Inabutan na tayo ng liwanag eh kanina madilim pa no'ng nag- aabang ka ng tricycle. " aya ni Ryegunn, atubili pa nga ako ngunit namalayan ko na lamang na hinablot n'ya sa kamay ko ang hawak kong bilao at timba tsaka n'ya tinungo ang sasakyan nilang naka- park lamang sa hindi kalayuan. " Ano ba!? " gigil kong tawag sa kan'ya, masyado kasing paki- alamero. " Akin na nga 'yan! " akmang aagawin ko pa ang mga dalahin ko ay ipinasok na n'ya ito sa likuran ng sasakyan. Kaya wala akong nagawa. " Sakay na! Para maaga kang makapag pahinga. " utos n'ya at ibunukas pa ang pinto para makasakay ako. Dahil pinag- titinginan naman kami ng mga tao ay sumakay na rin ako. Tilas kasi hindi tumatanggap ng sagot na 'no' itong hambog na lalakeng ito. Kung maka- asta kasi ay parang s'ya ang amo. Sumunod naman s'yang sumakay kaya nagkatabi kami, umusog naman ako ng bahagya palayo sa kan'ya. Baka kasi maamoy n'ya ang malansa kong katawan o damit. Sumakay na rin si Mang Rhys sa pwesto ng Driver's seat at tsaka n'ya ini- on ang engine. Ilang sandali pa ay patahak na ang sinasakyan naming kotse patungo sa aming bahay. Mabuti na lamang at tahimik lamang ang dalawang kasama ko buong byahe, hanggang makarating sa tapat ng aming bahay. " Pasok po muna kayo para makapag- kape. " kiming aya ko naman, baka kasi sabihin ay pagkatapos akong tulungan ay hindi ko man lang alukin kahit kape. " Sige! " seryoso tugon naman ni Ryegunn kahit si Mang Rhys ang inaaya ko. Kaya bumaba na ako sa gawi ng pinto ko tsaka ko hinintay ang ibaba n'yang bilao at timba ko. " Tara po! " aya ko pa sabay pasok sa kawayan naming tarangkahan, s'yang paglabas naman ng pamilya ko galing sa loob ng bahay. " Maaga ka yata, Yell? Sino 'yang kasama mo? " bungad na bati ni Itay, nasa likuran n'ya si Inay at dalawang kapatid kong parehong nasa High School pa. " Si Mang Rhys po tsaka si Ryegunn, ang bago pong Hardinero sa Mansyon ng mga Silvestre. " magalang ko namang tugon at pakilala na rin sa dalawang lalake na papasok na sa aming bakuran. " Pinakyaw po kasi nila ang paninda kong isda kaya maaga po akong naka- ubos, eh, wala pong dumadaan na tricycle kaya nihatid na po nila ako rito. " paliwanag ko pa dahil sigurado namang magtatanong din sila kung bakit kami magkakasama. " Papasok na po kami, Itay, Inay at Ate. " paalam naman ng mga kapatid ko. " Sige! Mag- iingat kayo! " bilin naman ni Itay " Ingat! Mag- aral mabuti! " wika ko rin at sumaludo lamang silang dalawa sa akin. At dire- diretso na ang labas, maglalakad pa kasi sila hanggang sa kanto tsaka sasakay ng tricycle. " Magandang umaga po! " bati ni Ryegunn sa mga magulang ko " Magandang umaga naman! Makapag- kape muna tayo, total ay maaga pa naman. " wika ni Itay, at tinungo Nila ang ilalim ng puno ng mangga na may upuan at lamesang kawayan. " Tulungan mo ako sa kusina, Yell. " ayae ni Inay, kaya tumalikod na agad ako dahil ka- kwentuhan na ni Itay ang dalawang naghatid sa akin. " Hinatid ka lang ba talaga n'yang Ryegunn na 'yan!? Baka kung ano na 'yan, Yell Marie! " usig ni Inay habang nagsasalang ng takure sa kalang de kahoy. " Alam mong naka- tarato ka na kay Mr. Thiago! " dugtong pa n'yang wika at alam kong galit na dahil tinawag n'ya ako sa buo kong pangalan. " Oo nga po, Inay! " tugon ko namang nangingilid ang mga luha ko, akala ko naman kasi ay huminto na s'ya sa pag- push kay Thiago dahil pinagalitan na s'ya ni Itay no'ng isang araw, hindi pa pala. Kaya masama ang loob kong dinala ang kapale kila Itay, hindi naman sila nagtagal at pagka- ubos ay umalis din sila ng sabay- sabay. Isinakay na rin nila Mang Rhys ang mga magulang ko patungo sa bukid. Kaya ang aming mga kapitbahay ay nagkakanda haba ang mga leeg sa pag- usyoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD