YELL'S P O V
" I'm sorry mga Binibini, nagmamadali kasi kami at baka magalit ang Senyor kapag tinanghali kami ng dating sa Mansion. " bungad nitong hingi ng paumanhin
" Ah! Eh! O- Okay lang, maliligo na lang kami pagdating sa bahay. " tili kinikiting binudburan naman ng asin na sambit naman ni Tin tin
" Oo nga! " sang- ayon naman ni Nosgel, sabay pakilala pa nilang dalawa sa lalakeng naka basa sa amin.
Napag- alaman kong Ryegunn daw ang kan'yang pangalan at bagong Hardinero sa Mansion. Iyo siguro ang tinutukoy ni Tin tin kanina nang maglinis s'ya sa Mansion.
" Pipi ba itong kaibigan n'yo? " natatawang tanong pa n'ya kaya nainis naman ako sa kan'yang pagka- presko.
Gwapo nga mayabang naman! Kung makipag- kwentuhan sa mga kaibigan ko ay tila matagal na silang magkaka kilala.
" Naku, hindi! " bulalas namang wika ni Nosgel na nagpipigil na matawa. " S'ya si Yell, kaibigan namin, Yell si Ryegunn daw, bagong Hardinero ng Senyor at Senyora. " pakilala pa sa amin, tumango lamang ako ngunit ang preskong lalake ay inilahad pa ang kanang kamay n'ya sa akin.
" Nice to meet, Yell. " sambit nito, napa- tingin na lamang ako sa palad n'yang nasa harapan ko. Tsaka ako napa- kunot ang noo, tila kasi hindi iyon kamay ng isang Hardinero, mas maganda pa ngang tingnan ang mga daliri nito kaysa sa akin.
" Ahm! O- Oo! Ako si Yell! " gulantang kong tugon sabay abot ng kamay no'ng lalake, siniko kasi ako ni Nosgel kaya nagulat ako.
Napa- igtad naman ako ng may maramdaman akong tila maliliit na kuryenteng nanulay sa aking buong kalamnan. Naka- ngisi lamang ang hambog na lalakeng ito sa akin. Kaya mas lalo naman akong nainis. Kaya naman binawi ko agad ang aking kamay na puro kulubot dahil nababad sa tubig sa maghapon naming pagtatanim ng palay.
" Tara na! Gusto ko nang magpahinga! " medyo inis kong aya sa mga kaibigan ko, tila kasi wala pa silang balak umuwi.
" Oo! Tara na! Bye, Ryegunn! " nagpa- alam pa silang dalawa kaya naiiling na lamang ako sa kanila,
" Bye! " tugon naman no'ng lalake na naka- ngiti nakita ko tuloy ang magagandang set n'ya ng ngipin na mapuputi.
Nauna na kasi akong naglakad, ngunit napahawak naman ako sa tapat ng aking dibdib dahil sa lakas pa rin nang t***k nito. Tila may nag- uunahan na kabayo sa loob nito. Kaya naka- ilang buntong hininga ako para kumalma ang aking pakiramdam.
" Nasosobrahan na yata ako sa kape kaya dumadalas ang pag kabog ng aking dibdib. " bulong ko naman sa sarili ko.
" Ang gwapo n'ya! " mahinang tili ni Nosgel kaya nabalik lamang sa kasalukuyan ang isip ko.
" Oo nga, kaya lang Hardinero, paano tayo n'ya maiaahon sa kagipitan eh, pare- pareho lang din tayong nangangamuhan? " himutok naman ni Tin tin.
" Kaya nga! Hindi naman n'ya tayo mapapakain ng maganda n'yang mukha, matangos na ilong, mahahabang pilik mata at malapad na dibdib. " reklamo rin ni Nosgel pero nag-compliment naman sa lalake, " Pero I'm sure, malaki ang kan'yang pipino, ma- umbok kasi sa harapan n'ya, parang masarap tikman! " dugtong pa nitong puri kay Ryegunn
" Oo nga, napansin ko rin! " wika naman ni Tin tin at mahinang tumili pa ang dalawa na magkahawak pa ang mga kamay.
Dire- diretso naman ako sa paglalakad na naiiling na lamang sa dalawa kong kaibigan na tila may sayad ang mga utak.
" Uuwi na ko, ingat kayong dalawa! " sambit ko na lamang sa kanila nang makarating ako sa tapat ng bahay namin. Pagkalabas lamang kasi ng gate ng Hacienda ang aming bahay.
" Sige! Hindi ka na nga pala magtatanim bukas, 'no!? " wika naman ni Nosgel na tila nalungkot.
" Malalaman pa rin, kapag maganda na ang pakiramdam ni Inay ay magtitinda na ako ng isda. " pahayag ko naman
Kumaway na ako sa kanila at ganoon din naman sila sa akin kaya pumasok na ako sa tarangkahan naming kawayan tsaka dumiretso sa likod bahay para maligo bago pumasok sa loob ng bahay namin.
" Kumain na po ba kayo, Inay!? " tanong ko nang makita kong nagtitimpla na s'ya ng kape sa aming maliit na sala.
Nakabihis na ako at balak ko lamang na uminom ng tubig sa tapayan naming lalagyanan. Malamig kasi kapag doon galing ang tubig kaya hindi na namin kailangan na bumili ng yelo.
" Nasaan ang iyong Itay? " usisa nito sabay upo sa animan naming dining table, may kaharap na s'yang tasa ng umuusok na kape.
" Kila Mang Tasyo raw po s'ya sasabay, nag - merienda po muna kasi kami, may dala pong maruya si Tin tin, bago kami umuwi. " magalang ko namang tugon
" Saan naman kaya nasuot ang iyong Itay? " malumanay naman nitong tanong.
" Baka po maya- maya ay nand'yan na, nagpa tulong lang po siguro si Mang Tasyo sa bahay nila. " tugon ko naman, " Magaling na po ba kayo? " usisa ko naman habang naka- sandal sa lababo para maka harap ko ang aking Ina.
" Oo! Pinag- pawisan naman na ako kaya medyo guminhawa na ang aking pakiramdam. "
" Baka po mabinat naman kayo? Sa isang araw na lang po kaya kayo magtanim ng palay. " pag- aalalang wika ko naman
" Hindi na! Mas lalo lamang akong nanghihina rito kung matagal akong mapapa hinga, isa pa ng hindi na mabawasan ang pambayad natin sa bangko nila Mr. Thiago. " tugon naman nitong tila nagpapa- rinig. Kaya iniyuko ko na lamang ang aking ulo.
" Ano na naman iyang sinasabi mo sa anak mo, Gwen? " bungad na sambit ni Tatay sa kusina, sa harapan na pinto s'ya dumaan.
" Wala naman ah! Para sinabi ko lang na lulusong na ako bukas para magtanim at nang makabayad tayo agad kila Mr. Thiago. " tila inis pang wika ni Inay
" Tigilan mo na iyang panganay natin, Gwen! Ginagawa naman lahat ng anak mo ang kaya n'yang gawin, makatulong lamang sa atin. Tapos ibubuulyo mo pa roon sa hambog na lalakeng iyon!? " pagalit na ring saad ni Itay
" Kaya lumalaki ang ulo n'yang anak mo, kasi kinukunsinti mo! " sigaw ni Inay na mas malakas pa ang boses n'ya kaysa kay Itay.
" Tigil- tigilan mo iyang si Yell, sinasabi ko sa'yo, Gwen! Hayaan mo s'ya kung sino ang gusto n'yang maging kabiyak! " tumaas na rin ang timbre ng boses ng aking Ama, " Tayo ang may obligasyon na bayaran iyon hindi s'ya, kaya kahit doon na tayo tumanda sa Hacienda ay wala tayong magagawa. Hindi iyon dapat bayaran ng mga anak mo bagkus ay tayo ang magbabayad kahit hukluban na tayo! " pagtatapos pa nito sa kan'yang pahayag, tapos dali- daling lumabas sa likod bahay para maligo siguro sa banyo.
Kaya naman naiwanan kami ni Nanay na tila hindi s'ya makapaniwalang pag- sasabihan s'ya ng kan'yang asawa. Maya- maya lamang ay nagulat na ako nang padaskol s'yang tumayo at iniwanan na ako sa kusina. Dire- diretsong lumabas hanggang sa labas ng aming bahay, kinuha ko naman ang tasang pinag- inuman n'ya tsaka ko hinugasan sa lababo at itinaob sa dish drainer.
" Saan nagpunta ang Inay mo? " tanong ni Itay nang pagpasok ulit n'ya sa kusina ng hindi makita ang aming ilaw ng tahanan.
" Sa labas po baka po nasa ilalim ng puno ng mangga. " magalang ko namang tugon.
" Sige! Basta h'wag mong pansinin ang iyong Inay, kung ano ang gusto mo ay s'ya mong sundin. Kami ang bahala sa utang namin kila Mr. Thiago. " masuyong sambit naman ni Itay
" Salamat po! " kiming saad ko naman lumapit pa ito at akmang yayakapin ako kaya yumapos na rin ako sa kan'ya tsaka n'ya tinapik- tapik ang aking likod. " Ako ang bahala sa iyong Inay. " tumango lamang ako bilang tugon.
Nang magbitiw kami ay pumasok na s'ya sa kanilang silid ni Inay, kahit naman maliit at payak ang aming tahanan ay tatlo naman ang silid nito. Naka bukod kami ng kwarto ng mga kapatid ko, sa kabila sila at sa mga magulang nga namin. Kahit na sawaling ding ding lamang ang mga pagitan.
Tinungo ko na rin ang likod bahay para ayusin ang dadalhin kong timba at bilao bukas sa pagtitinda ng isda. Madaling araw kasi akong humahango, tulog pa silang lahat kapag umaalis ako ng bahay kaya ni- re- ready ko na para hindi magambala ang tulog nila sa umaga.
Pagkatapos ay pumasok na ulit ako sa loob ng bahay, wala pa ring tao sa sala kaya dumiretso ako sa silid ko para magpa- hinga sa maghapong pagtatanim ng palay sa bukid. Dahil bukas ay panibagong pakiki- baka na naman sa buhay.