MAGKAKAIBIGAN

1400 Words
THIRD PERSON P O V " Oh!? Bakit hindi naman maipinta iyang mukha mo!? Kanina ko pa napapansin!? " usisa ni Nosgel sa kaibigan habang kumakain sila ng baon nilang kanin at ulam na pritong daing na may nilagang okra at talong tsaka sawsawang bagoong at sili. Humugot lamang ng malalim na buntong hininga si Yell at pinag patuloy ang kanilang pagkain. Baka nga naman kasi mawalan s'ya ng ganang kumain kung sasabihin agad sa kaibigan. Mainam na iyong tapos na sila para kung mainis man at magalit sila ay busog naman ang mga t'yan nila. Nagkasakit ang Inay ni Yell kaya s'ya muna ang pumalit dito na magtanim ng palay. Hindi na muna s'ya nagtinda ng isda sa palengke para hindi mapuyat. Si Nosgel ay kaibigan nila ni Tin tin, nagtatanim din ito ng palay at gumagapas din, wala na s'yang Ama kaya tinutulungan ang Ina sa pagpapa laki sa mga anak. " Ano!? Grabe naman si Tita Gwen, at nagawa sa'yo 'yon!? Ano sabi ni Tito Hades? " bulalas na sambit ni Nosgel nang i- kwento nga lahat- lahat ni Yell ang kan'yang pino- problema. Tapos na silang kumain at nagpapahinga sa lilim ng puno ng mangga, dalawa lamang sila dahil nasa kabilang puno ang matatanda. May kalahating oras pa sila para umpisahan ulit ang trabaho kaya nakapag kwentuhan pa sila. Tito at Tita ang tawag nila sa mga magulang ng bawat isa. Mga bata pa lamang kasi sila at magkakaibigan na. Kaya iyon ang naka- sanayan na nila. " Kaya nga eh! Wala naman akong pwedeng utangan ng malaki para ipambayad sa bangko nila Thiago para abswelto na kami sa kan'ya. " malungkot namang wika ni Yell " Kung mayroon lang sanang naghahanap dito ng magiging asawa na mayaman, ireto na kita para nga ma- solve na iyang problema mo, Kaya lang pare- pareho lang din tayong kapos palad na mga nakatira rito. Pupunta ka dapat sa kabilang kanto at papasok sa mga bar para maka- kilala ka nang medyo may kaya sa buhay. " mahabang payo at pakikipa- simpatya naman ni Nosgel " Waring mauubusan naman ako ng lalake kung gagawain ko 'yon o kaya naman ay tila itinitinda ko na ang sarili ko. " naka- ngiwing sambit naman ni Yell " Eh, ano naman!? Basta ba maiaahon nila tayo sa kagipitan at kaharapan! Go lang ako! Kapag nga kapag naka- ipon ako ng pambili ng alak. Aayain ko roon si Tin tin, baka maka- bingwit kami ng mayaman! " tila kinikiliti ang tingg!l na wika nito, " Nakaka- sawa na kaya ang ganitong buhay natin, kaya lang h'wag naman riyan kay Thiago, sa pinag- kasundo sa'yo ng mga magulang mo. Balita ko kasi masama ang ugali niyan. " dugtong pang wika ni Nosgel " Ikaw! Bahala kayo ni Tin tin, basta ang gusto ko Pinoy pa rin kahit mahirap, pwede naman kaming mag- sumikap na dalawa. Nasa tao naman kasi 'yan, kung malaki nga ang sweldo, kung waldas naman at hindi nag- iipon, 'de useless lang din. " explain pa ni Yell " Kung sabagay! Hayst! Ang hirap maging mahirap 'no!? Kung nakaka luwag luwag lang kami, papautangin na lang sana kita. " nakiki- simpatyang saad ulit ni Nosgel " Salamat! Alam ko naman iyon, tama na nga iyang pagda- drama natin! Tara na! Mag- trabaho na ulit tayo! " wika naman ni Yell, kaya tumayo na sila para tunguhin ang pinitak para magtanim ulit. Nagtanim na nga sila ng palay hanggang sa umabot ang tapos ng kanilang trabaho ng alas tres ng hapon. Saktong pag- ahon nila mula sa putikan ay humahangos na dumating naman ang isa pa nilang kaibigan na si Tin tin. S'yempre, kung maglakad ay tila nasa rampa at nagpa- fashion show. Habang may bitbit ng basket sa kaliwang kaliwang kamay. " Mabuti at na abutan ko kayo mga Sisteret! May dala akong maruya, dalhin ko lang ito kila Nanay at Tatay at babalikan ko kayo. " bati nito sabay bilin na rin. " Sige! " maikling tugon naman nila ni Nosgel at naglinis lamang Sila ng katawan sa patubig na nadaanan. Hindi naman nagtagal ay nakabalik naman agad si Tin tin. At binigyan sila nito ng piniriting saging at soft drinks. " Aba! May pa- coke pa! " natatawang biro naman ni Nosgel sa kaibigan, kinuha na nila ang binibigay nito tsaka kinain habang paikot silang tatlo na naka- upo sa damuhang pilapil na taniman. " Naglinis kasi ako sa malaking bahay, kaya nagkaroon ako ng extra. " paliwanag nito kahit hindi naman nila tinatanong Ang malaking bahay tinutukoy ni Tin Tin ay iyong mansion ng may ari nitong Hacienda. " Aahh! Mabuti at naalala mo kami!? Akala ko pa naman may ibabalita ka na naman sa aming bagong video ng favorite mong p0rn star sa p0rn hvb eh! " pabirong sambit naman ni Nosgel, kaya natawa na lamang si Yell. " Sus! Kunwari pa s'ya! Samantalang nakiki- nood din naman! " paingos pang sambit ni Tin tin sa kaibigan. " S'yempre! Alangan namang ikaw lang ang matuto kung paano kumain, sumub0 at dumilat ng . . . ice cream. " natatawang sambit pa n'ya, ini- irapan kasi sila ni Yell kaya iniba na lamang ang sinabi ni Nosgel sa dulo. " Sorry! Mayroon nga pala tayong Maria Clara ritong kasama. " patuyang wika naman ni Nosgel kaya mas lalong nainis sa kanila si Yell. " Bakit nga pala nagpa linis, may darating bang bisita ang Senyor? " tanong naman ni Nosgel na puno ang bibig nang kinakain na maruya para maiba lamang ang kanilang topic. Mamaya na lamang siguro sila mag- uusap kapag wala na si Yell. Mauuna naman kasing datnan ang bahay nila kaysa sa kanilang dalawa. " Oo! Kaya lang iyong likod ang pinalinis ng Senyor, parang Hardinero raw yata ang darating eh sabi ni Manang. " tugon n'ya sabay tsismis na rin sa Amo ng mga magulang namin. " Sayang! Akala ko pa naman apo ng Senyor at Senyora ang darating, may pag- asa na sana tayong may makilalang mayaman na binata. " himutok naman ni Nosgel " Tara, 'gel! Dayo tayo sa kabilang bayan, baka may bagong salta! " excited namang aya ni Tin tin sa kaibigan. " Sige! Sige! Mamayang gabi ba!? " sang- ayon naman ni Nosgel " Oo! Malaki rin kasi ang ibinayad sa akin ni Senyora at nasiyahan sa paglilinis ko. " galak na gala namang sambit ni Tin tin. " Ikaw Yell, tara! Sama tayo! " aya naman ni Nosgel sa kan'ya. " Ayoko! Maaga na lang akong matutulog mamaya, baka kasi bukas ay kaya na ni Nanay na magtanim kaya balik na ako sa pagtitinda sa palengke. " tanggi naman n'ya sabay paliwanag na rin. " Hay naku! Baka naman tumandang dalaga ka na n'yan!? Trabaho, bahay, bahay, trabaho lamang kasi ang araw- araw mong ginagawa. " may kaunting inis na rin sa boses ni Tin tin dahil sa pagka- killjoy ng kaibigan. " Doon kasie ako masaya, " tugon na lamang ni Yell, hindi na lamang sumagot ang dalawa na naiiling na lamang ang mga ulo. Itinuloy na nila ang pag merienda hanggang sa maubos nila ang dalang maruya ni Tin tin. Kaya sabay- sabay na ulit silang naglakad pauwi sa kani- kanilang mga bahay. Iniiwasan naman no'ng dalawa na pag- usapan ang tungkol sa gagawin nilang pag dayo sa kabilang bayan. Respeto na nga naman nila kay Yell. Dahil busy sa pakikipag kwentuhan ay hindi nila napansin ang sasakyan na paparating kaya nagulat na lamang sila ng may tumalsik sa kanilang tubig. " Aaaayyyy! . . Ano ba 'yan!? Hindi man lang tumitingin sa dinaraanan! " galit na sambit naman ni Tin tin. Nabasa kasi silang tatlo ng tubig na kulay gatas. Kaya basa ang suot nilang damit ng hanggang sa tapat ng kanilang t'yan. Huminto naman ang sasakyan, may nakita silang bumaba mula roon, tsaka sila pinuntahan, " Ipag- paumanhin n'yo mga Binibini, nagmamadali lamang kasi kami at baka mahuli kami sa aming mga trabaho ay pagalitan pa kami ng aming mga Amo. " hinging paumanhin naman no'ng lalake. Hindi naman nakahuma ang tatlong magkakaibigan. Pare- pareho kasi silang napa- tulala sa poging Adonis na nasa kanilang harapan. Hindi na nga nila naintindihan ang sinasabi no'ng lalake. Gwapo kasi ito, matipuno ang katawan, matangkad, moreno ang kulay ng balat na halatang bilad sa araw. At siguradong may abs ito dahil walang kataba- taba ang t'yan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD