UNANG PAGTATAGPO

1618 Words
YELL'S P O V " Oh! Mabuti at dumating ka na, Yell! " sambit ni Inay nang makapasok ako sa aming payak na sala. Wala man lang kasing kahit anong appliances mayroon kami. Simpleng radyo nga lang ang mayroon kami, kahit may kuryente. Naibenta rin kasi iyong iba nang magkasakit nga si Inay. " Opo, Mano po, Inay, Itay. " tugon ko sabay kuhay ng kanilang mga kamay at dinala sa aking noo. " Kaawaan ka ng Diyos! " wika ni Inay samantalang tahimik lamang si Itay, iniwanan ko na sa labas ang ginamit konh bilao at timba sa pagtitinda ng isda sa palengke. " Kumain ka na at maligo mayroon tayong bisita maya- maya. " utos naman ni Inay na tila s'ya excited, iniyuko lamang ni Itay ang kan'yang ulo nang tingnan ko. Kapag ganoon kasi ang asta ng aming Ama ay ayaw na lamang makialam sa desisyon ng kan'yang Ina. " Opo! " tugon ko na lamang tsaka ako humugot ng malalim na buntong hininga. " Eto nga po pala ang napag- bentahan ko. " sabay abot ng perang naka- bilot na may tali ng goma. Kinuha naman agad ng aking Ina. Itinatabi ko na ang puhunan para sa pamimili ko kinabukasan at kaunting pera na itinatago ko sa kanila para kung mayroon akong gustong bilhin para sa sarili ko. Tinungo ko nga ang kusina, sinigang sa bayabas na isdang dagat ang aming ulam. Iyong natira ko kahapon, kung ano kasi ang matitira sa tinda ko at inuuwi ko na at niluluto ni Inay. Linggo kasi ngayon kaya maaga akong naka ubos ng paninda. Kaya rin nandito sa bahay ang mga magulang ko dahil pahinga nila ang araw na ito. Mag- isa na lamang ako kumain at hindi inisip iyong sinasabi ng aking Ina. Baka naman may kamag- anak kaming darating kaya s'ya excited. Pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa maliit na kwarto ko para kumuha ng damit na pamalit. Dahil amoy isda ako kaya kailangan kong maligo bago matulog sana. Dahil nagbilin nga si Inay ay hindi na naman iyon pwedeng baliin. Susunduin na lamang kami kahit labag sa aming kalooban para hindi na lamang s'ya magalit. Pagkakuha ko ng damit ay lumabas na ulit ako diretso sa pinto ng kusina. Nasa labas kasi ang aming banyo. Katabi naman nito ang poso na kailangan pang bombahin para makakuha kami ng tubig. Mayroon namang malaking drum sa loob ng banyo kaya hindi ko na kailangan na mag- igib. Kapag ganitong walang pasok sa school ang dalawang kapatid kong lalake at tumutulong sila sa gawaing bahay. Ngunit kapag weekdays ay ako lamang lahat ang gumagawa dahil wala sila rito. Ilang sandali pa ay nasa maliit na sala na kami na may upuang kawayan. " Iidlip muna po ako, mamaya pa po yata darating iyong sinasabi n'yong bisita. " magalang ko namang paalam, hindi ko na kasi talaga kaya ang pag pikit ng mga mata ko. Dahil sa puyat ng nagdaang magdamag. " Sige! Sige! Basta gigisingin ka namin kapag dumating sila? " pag payag naman nito at nag bilin pa. " Opo! " tugon ko na lamang at mabilis na akong tumayo para tunguhin ang silid ko. Bungalow itong bahay namin, tatlong kwarto, Isa para sa mga magulang ko, Isa nga sa akin at iyong natitira ay para sa mga kapatid kong in lalake. Kahit naman hindi mo sabihin ay siguradong magigising ka dahil kurtina nga lamang ang tabing ng aking kwarto at ilang hakbang lamang naman ang pagitan. Pagka lapat na pagka lapat ng aking likod ay ilang sandali lamang ay dinalaw na ako ng antok. Kaya wala na akong paki- alam sa paligid ko. Nagising nga lamang ako nang yugyugin ako sa balikat ng kapatid kong sumunod sa akin. " Pina palabas ka na ni Inay sa sala. " sambit ng kapatid kong bunso " Hmmm! Sige lalabas na ko. " paos ang boses na tugon ko naman, lumabas na ito at sandali muna akong nagmumi- muni habang nakaupo. Nang makarinig ako ng ingay sa labas ay dali- dali naman akong tumingin sa salamin kung may muta ba ako. Paglabas ko kasi ng kwarto ko ay sala na, nakakahiya naman na hindi man lang ako makapag hilamos at toothbrush man lang. Naglagay na lamang ako ng polbo sa aking mukha at ng alam Kong maayos na ang suot kong leggings t-shirt ay lumabas na ako ng aking silid. Curious kasi ko kung sino ang aming bisita. hindi ko kasi kilala ang boses kaya nagtataka ako kung sino sila. " Anak! Mabuti at gising ka na. " magiliw na sambit ni Inay nang makita n'ya akong lumabas ng kwarto. " M- Magandang tanghali! P- Punta lang po ako saglit sa b- banyo. " bati ko naman at hingi na rin ng pahintulot, naiihi na rin kasi ako kaya hindi ko na nahintay ang tugon ng aking mga magulang at nagmamadali ko nang tinungo ang aming kusina. Medyo natagalan naman ako dahil simantala ko na para mag hilamos at toothbrush pagkatapos magbawas ng tubig sa katawan. Tsaka laman ako bumalik sa loob ng bahay ng makatapos sa aking paglilinis ng mukha. " Anak, Yell, dito ka maupo sa tabi namin ng iyong Itay. " utos ni Inay nang makalapit ako sa kanila. Nasa tatluhang upuan kami ng kawayan naming upuan. Kaharap na namin ang sinasabi nilang bisita dahil nakaupo naman ito sa isa sa solohang bangko. Hindi ko s'ya kilala kaya nangunot ang aking noo. Lalake, maputi at hindi nalalayo ang edad sa akin. Kami lamang apat ang nandito, nasa loob siguro ng silid nila ang mga kapatid ko. Ngunit, may nakikita pa akong tao sa labas dahil naka bukas ang aming pinto at bintana. Baka kasama nitong lalakeng kaharap namin? " Mr. Thiago si Yell ang aming anak na dalaga, s'ya po ang sinasabi namin sa inyo. " pakilala ni Inay sa aming dalawa, ngumisi naman ito sa akin at inilabas nito ang dila tsaka pina- ikot sa kan'yang buong labi na tila natatakam. Nakaramdam naman ako ng kilabot sa kan'yang ginawa, hindi iyong nararamdaman ng dalawang opposite s3x kapag nagka dikit ang kanilang katawan kung hindi takot. Tila kasi ito kontrabida sa movie kung maka- ngisi. Although, gwapo naman s'ya at halata sa kan'yang kutis na mayaman s'ya. " Hindi nga ako nagkamali na s'ya ang nakita ko sa pelengke no'ng isang araw. " tugon naman nito kaya mas lalong dumami ang gitla sa aking makinis na noo. " Well, hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa. Nasabi ko naman na sa inyo ang aking pakay, Hades at Gwen? " prangkang sambit naman nito na hindi man lang nagbigay galang sa mga magulang ko nang banggitin n'ya ang mga pangalan nila. " O- Opo! Mr. Thiago - . . . " " S- Sandali po! Ano po iyong pinag- uusapan n'yo? " singit ko na sa usapan nila, tila naman tungkol sa akin ang pinag uusapan nila dahil sa akin naka titig itong Mr. Thiago raw na ito at ano iyong sinasabi n'yang nakita na n'ya ako sa palengke? " Ahm! A- Anak, n- nagugustuhan ka kasi ni Mr. Thiago k- kaya ikaw ang h- hiningi n'yang kapalit sa mga u- utang natin sa kanilang b- bangko. " hindi naman mapakapag salita si Inay ng diretso " Ho!? Pambayad utang!? Ano ho ako collateral!? Nagbabayad naman kami weekly sa bangko n'yo! Bakit ako ang gagawing pambayad utang!? " tumaas tuloy ang timbre ng boses ko sa aking narinig, naramdaman ko na lamang na hinawakan ako ng aking Ama sa kaliwang braso na tila pinipigilan ako sa iba ko pang sasabihin. " Hindi n'yo pa yata napapag- sabihan itong dalaga n'yo, Hades at Gwen? Aalis na muna ako at nang makapag usap kayo. Babalik na lamang ako sa ibang araw. " malaki pa rin ang ngising sambit nito sabay tayo " P- Pasensya na po, Mr. Thiago, sige po, kakausapin po namin ng masinsinan ang aming anak. " hinging paumanhin pa ng aking Ina Ngunit ang preskong lalake ay dire- diretso lamang na naglakad palabas ng aming bahay. Sumunod naman agad ang mga tauhan at pinag bukas pa nga s'ya ng pinto ng sasakyan no'ng isa sa bandang likod. Iba rin ang sumakay sa may Driver's seat at sa katabi nitong passenger seat naupo iyong nagbukas ng pinto sa kan'ya. " Anak! Bakit naman ganoon ang isinagot mo kay Mr. Thiago!? Nawawalan ka na ng pag- galang sa tao! " singhal naman ni Inay ng kami na lamang tatlo ang naiwan sa sala. " Bakit n'yo naman po kasi ako gagawing collateral!? Nagbabayad naman po tayo ng utang!? " mangiyak- ngiyak ko pang tugon na patanong sa kan'ya " Nakakabayad eh pare- pareho naman tayong mga kuba at pagod na pagod sa kaka- trabaho!? Kailan pa tayo makaka bayad sa bangko nila!? Kontodo tipid na rin ang ginagawa natin sa pagkain para lang magkasya ang kinikita mo sa pagtitinda!? Samantalang dito sa ina- alok ni Mr. Thiago ay bayad agad ang utang natin, magiging maganda pa ang kinabukasan mo pati na rin mga kapatid mo ay pwede mong pag- aaralin! Nang makatikim naman kami ng maginhawang buha ng inyong Ama bago kami mawala sa mundo! " nang- gagalaiti nitong pahayag, litaw na nga ang ugat sa leeg sa sobrang galit. Tsaka ito tumalikod sa amin ng aming Ama at tinungo ang kusina. " Ate! " Napa- iyak na lamang ako nang yakapin ako ng mga kapatid ko. Hindi ko napansin na naka- lapit na pala sila sa amin ni Itay sa bangkong kawayan. Tila pipi naman ang aming Ama, kahit isang salita kasi ay wala man lang itong na sambit. Kung payag ba sa nais ng aming ilaw ng tahanan o labag sa kan'yang kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD