THIRD PERSON P O V Naulit pa ang pag punta ni Thiago sa bahay nila Yell na may dalang mga appliances at groceries. Kahit ayaw tanggapin ng Ama at mga kapatid ni Yell ay hindi naman sila umubra sa nais ng kanilang ilaw ng tahanan. Kaya pumasok na lamang ulit sila sa loob ng kanilang mga silid para hindi makita si Thiago. No choice naman si Yell kung hindi i- entertain ang binata dahil malalagot naman s'ya sa ina kapag na bastos n'ya ito. Ngunit mas madalas pang mag- usap silang dalawa kaysa kay Yell at Thiago. Na ipinag- pasalamat naman ng dalaga, wala kasi s'yang time na makipag- plastikan sa binatang Banker. Hanggang sa magpa- alam itong uuwi ay nangungulit pa rin sa kan'ya kung kailan n'ya ito sasagutin sa pagpapa kasal. Kung kasintahan man lang sana baka pumayag s'ya, hindi eh! Kas

