YELL'S P O V " Ang lungkot mo naman? Dapat nagsasaya tayo, sambakol pa rin iyang mukha mo! " pansin ni Ryegunn sa akin, kaya malungkot naman akong napa ngiti sa kan'ya. " Pasensya na! May naalala lang ako. " pilit ang ngiting tugon ko. Magkatabi kami ngayong naka upo sa bench, hindi kalayuan sa arcade kung saan naglalaro sila Tin tin at Nosgel ng bumping car. Katatapos lamang namin ni Ryegunn kaya umupo muna kami. Kapag hindi okupado ng ibang bagay ang isip ko ay hindi ko maiwasang bumalik sa aking ala- ala ang kina- kaharap naming problema ng pamilya ko. " Kaya nga tayo nandirito para makalimutan ang problema pansamantala. " wika pa n'ya, hindi ako nakasagot bagkus ay iniyuko ko lamang ang aking ulo. Alam ko kasing guilty ako sa kan'yang binanggit. " Pasensya na ha! Na- curious k

