THIRD PERSON P O V Kinabukasan nga ay busy na sila sa pagliligpit ng kanilang pinag kainan nang makarinig sila nang tumatawag sa labas ng kanilang bakuran. Madilim kaya hindi nila alam kung sino iyong nagtatawag. " Ako na ang titingin. " prisinta naman ng kanilang Padre de pamilya, lumabas nga ito, naghintay naman sila Yell sa sala kung sino iyong kanilang bisita. Ang dalawang binatilyo kasi ang abala sa paglilinis ng kusina. " Tara! Pasok ka! " dinig nilang boses ni Mang Hades kaya napa lingon silang mag- ina sa pinto, busy kasi sila sa panonood ng palabas sa TV. " Ryegunn! " gulat na tawag ni Yell sa pangalan ng binata " Magandang gabi po! " kiming bati naman nito sa Ina ng dalaga " Magandang gabi rin naman! " taas ang kilay na tugong bati naman nito " Maupo ka at ikukuha

