YELL'S P O V Kahit nagtitinda na ako sa palengke ay hindi pa rin nawawala sa balintataw ko ang pangako ni Ryegunn. Hindi nga ako masyadong naka tulog kakaisip ko roon. Kahit alam ko kasing suntok sa buwan ang kan'yang pina pangako ay hindi pa rin ako nawawala ng pag- asa na tutuparin n'ya ang kan'yang pinag- mamalaki. Nalibang lamang ako nang sunod- sunod ang mga customer na dumarating. Kaya nawaglit iyong alalahanin ko dahil sa kanila. Sakto namang naglilinis na ako ng aking pwesto dahil maaga rin naman akong naka- ubos ng mga isda nang humahangos na dumarating si Itay at bigla ko na namang naalala ang gumugulo sa aking isipan nang makita ko kung sino ang kasama n'ya. " Itay! Napa sugod po kayo!? May problema po ba!? " bigla naman akong kinabahan, baka kasi may emergency sa bahay kay

