THIRD PERSON P O V " Pvnyet@! Bakit pinayagan n'yo!? Tinawagan n'yo muna sana ako bago kayo pumayag! " galit na galit na sigaw ni Thiago sa kausap n'ya sa cellphone. " Sino ang Teller!? Dapat diyan ay i- fire, hindi marunong umintindi ng kan'yang assignment! " dugtong pa nitong sambit sa kausap. " Bvllsh!t talaga! " pabagsak n'yang ibinaba ang aparato sa kan'yang office table at bubulong- bulong. " I- ready ang sasakyan at uuwi tayo sa Sta. Elena! " padaskol pa itong tumayo kaya lumikha ng ingay ang paa ng kan'yang swivel chair " Hindi pa po tayo pwedeng lumabas, Boss. Mainit pa ang parak sa atin. " tugon naman ng isa n'yang tauhan. " Sh!t! Sh!t! " pinag- sisipa pa nito ang mga silyang nadaanan, nag sindi s'ya ng sigarilyo tsaka dumungaw sa bintana ng silid na kanilang kinaroroonan.

