THIRD PERSON P O V Wala namang binabanggit na anuman si Ryegunn, patuloy pa rin s'ya sa panliligaw sa dalagang si Yell. Ngunit, ang Ina naman ng dalaga ay tila wala pa ring kibo kapag nagpupunta roon ang binata. Hindi mo tuloy mawari kung ayaw talaga kay Ryegunn o nahihiya sa inasal n'ya ng gabing bago makahiram ang binata ng tseke kay Senyor Azrael? Ganoon pa rin naman ang routine nila, magtitinda si Yell sa palengke ng isda. Kapag papakyawin ni Ryegunn ay ihahatid na s'ya muna nito sa kanila bago umuwi sa Hacienda. Hindi na rin naman nagtatanim s'ya sa bukid kapag hindi pwede ang kanilang mga magulang dahil wala naman na silang kailangang bayaran na utang sa bangko. Sa Senyor na lamang at payag namang ibawas ang sweldo nila roon. Ngunit hindi na nga s'ya obligadong magtanim. Kaya pi

