YELL'S P O V " Saan ba tayo pupunta? " usisa ko habang nakasakay ako sa kotse ni Senyor na hiniram na naman n'ya. " Basta, malapit na tayo. " matamis ang ngiting tugon nman ni Ryegunn. " Hindi ba nakaka hiya, lagi mo na lang hinihiram itong sasakyan ni Senyor? " balik tanong ko naman para lamang may mapag- usapan kami. " Malakas ako kay Senyor! " pabirong wika naman n'ya kaya inirapan ko lamang s'ya kaya napa tingin ako sa labas ng bintana sa gawi ko, katabi n'ya kasi ako sa harapan. Pinag- paalam n'ya ako sa mga magulang ko no'ng isang araw, may pupuntahan daw kami after kong mag tinda sa palengke, kaya hindi pa ako nakaka- ubos ng paninda ay nandoon na s'ya para sunduin ako. Nasanay na rin naman ang mga kasamahan kong Vendor na laging pumupunta roon si Ryegunn kahit hindi bibili

