YELL'S P O V " Hindi mo naman kailangan na magdala ng mga iyan, sanay naman kami sa payak na pamumuhay. " malumanay na saad ko kay Thiago, para hindi naman s'ya ma- offend kung aking tatarayan. " Okay lang 'yan! Gusto ko lang naman na maging comfortable ka at hindi nahihirapan. " malaki ang ngiting tugon n'ya, naka sandal na s'ya sa sandalan ng sofa at naka- patong sa ibabaw niyon ang magkabilang braso n'ya. Kaya feeling s'ya ang may ari nitong bahay. Palihim tuloy akong napa- ismid, tila kasi s'ya walang galang dahil sa kan'yang pwesto. Kahit kasi ayaw naming mag- aama sa mga furniture na dinala n'ya ay wala naman kaming nagawa. Kagustuhan din kasi ng aming Ina ang mga iyon kaya katulong ni Inay ang Driver ni Thiago na magpalit ng sofa. Inilabas na ang dati naming kawayan na upuan ka

