YELL'S P O V " Magandang umaga, Yell! " magiliw na bati ng kung sino sa harapan ko kaya naman nag taas ako ng ulo mula sa pag- aayos ng aking panindang isda. " Oh! M- Magandang umaga rin naman! " gulat ganting bati ko sa binata, hindi ko kasi s'ya ina- asahan na magkikita kami ngayon dahil kaka- pakyaw lamang ulit n'ya ng mga tindang isda ko no'ng isang araw. Kaya ang alam kong balik n'ya ay sa ikalawang araw pa mula ngayon. " Uuyyy! Swerte talaga nitong si Yell, maaga na namang makakauwi! Mukhang papakyawin ulit ni pogi ang kan'yang mga paninda! " kantyaw ng katabi n'ya sa kaliwa na Tindera, kaya kiming ngumiti lamang ako. " D- Dinalhan nga pala kita ng kape at pandesal. " turan nito sabay taas ng dalawang kamay na may hawak nga no'ng kan'yang tinutukoy. " Nag- abala ka pa naman!

