"I'm accepting your offer."
Isang oras matapos makapasok ni Ezekiel sa loob ng kanyang opisina ay kumatok ako sa pinto. Ngayon nga ay malawak na naka ngiti ang kanyang labi habang nakatingin sa aking mukha.
"That's a good news! Why did you change your mind?" He said.
"It's none of your business. Now give me the contract. Pipirmahan ko."
Kinuha niya ang isang brown envelop sa loob ng drawer niya pagkatapos ay iniabot iyon sa akin.
Binuksan ko ang envelop at inilabas ang mga documento.
"I just want to clarify something. Gusto ko sana na ngayong araw mismo madeposito mo sa bank account na ibibigay ko ang dalawang milyon, ang 7 million ay kailangan ko din ngayong araw. Ang sobrang isang milyon ay sa pangalawang bank account na ibibigay ko mo edi-deposito. May mahalagang pupuntahan din ako bukas may kailangan akong asikasuhin kaya hindi ako makakapasok. Pagkatapos ay pwede mo nang gawin ang gusto mo at plano mong gawin sa akin."
"Deal." Seryosong sagot ni Ezekiel.
"Give me a pen." Inabot niya ang ballpen na hawak, agad ko naman iyong kinuha nangpiperma na ako ay muli siyang nagsalita
"Aren't you going to read it first?" he asked.
I didn't listen to him. Sa halip ay agad kong pinirmahan ang kontrata, Dalawang kopya iyon, matapos ko itong permahan ay isinilid ko ang dokumento sa envelop at muling inabot iyon sa kanya.
"Okay. I'll give you two days to do whatever you want, then after that you're mine."
Ezekiel handed me the money before lunch. The moment I receive it I immediately contact the bank to save our house from disclosure. Agad naman akong insikaso sa banko at wala pang alas dos ng hapon ay tapos na ako. Na deposito na din ang pera sa mga bank account na sinabi ko. Kahapon ay isang araw akong prinoblema ng mga dapat kong bayaran, ngayon sa isang iglap ay bayad ko nang lahat. Good thing man ay siguradong bad thing ang resulta nito. Isang taon kong pagtitiisang makasama si Zeke dahil anu mang araw mula ngayon ay magiging asawa niya na ako.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa Cafébella para bumili ng pinaka paborito kong frappe at cake. Alas kwatro ako nang hapon naka uwi sa bahay, ang tanging gusto ko lang ngayon ay mag muni-muni. I want to relax myself dahil siguradong stress ang aabutin ko sa loob ng isang taon.
The next day ay hindi ako pumasok. Nasa cafebella ulit ako at inaantay si Pia.
"Are you out of your mind?" gulat niyang tugon matapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa kontrata
"Well I guess I am."
"Hindi ko naman inakala na aabot ka sa pagpapakasal sa kanya para lang makaganti."
"Just think of it Pia, I'm hitting two birds in one stone, makakaganti na ako, mababayaran ko pa yung utang ni na lola sa banko."
"But paano kung hindi umayon sa plano mo yung mangyayari?
"It's only for a year Pia. Mabilis lang ang isang taon." I defended.
"Paano kung mainlove ka sa kanya?"
Napa halakhak ako dahil sa sinabi niya.
"Ako? Maiinlove sa kanya? What a joke! Eh paano kung siya ang magkagusto sa akin? Edi mabuti para mas masakit sa part niya. Kapag nagkagusto siya sa akin siguradong mas masakit ang bagsak niya."
"Maraming pwedeng mangyari sa isang taon Krystaleen Eve. We'll never know. I don't want you to end up getting hurt."
"Don't worry. That will never happen. Because he is the last person I could ever like."
Nagbonding lang kami ni Pia for the whole day nagshopping kaming dalawa, ang sabi niya nga "We will pamper ourselves today." kasi baka kapag ikinasal na ako ay hindi na daw kami masyadong magkita kasi I will be busy being a housewife daw which I beg to disagree, wala naman ata sa napag usapan namin ni Ezekiel ang maging taong bahay ako pagkatapos naming ikasal.
I will still work as his secretary sa loob nang company, ayoko din maging taong bahay dahil nakakabored iyon, wala akong plano na humingi sa kanya ng pera lalo na at peke lang naman ang kasal na ito. At matatapos lang din pagkatapos ng isang mabilis na taon.
Easy Pissy. Mabilis lang ang isang taon and I will make sure na kapag nawala na ako sa buhay niya wala na din siyang ganang mabuhay pa.
Nasa isang boutique kami at namimili ng damit ni Pia, maya-maya ay may isang babaeng kakapasok lang, balingkinitan ang katawan at hapit na hapit sa katawan nito ang kulay pulay spaghetti strap dress na abot hanggang sa ibabaw kanyang tuhod. The sales lady approaches her and ask her what is she looking for.
"Yes ma'am, anything I can help?"
"Hmm I'm looking for a dress. Something sexy."
Nakataas ang kilay nito nang makipag usap sa sales lady, aligaga naman ang huli at hinanap agad ang sinasabi ng babae.
"Taray! Mukha namang retokada." Pia said using a low tone voice.
"Shhh marinig ka niyan makahanap pa tayo nang away."
"Totoo naman, tingnan mo nga yung ilong mukhang isang sapak ko lang tatabingi na agad."
Todo bulong si Pia sa akin nang biglang nagawi sa amin ang tingin ng babae, agad ako nitong tinaasan ng kilay. She even rolled her eyes at me.
" Ang pangit-pangit ng ugali, lamang lang ng puti sa iyo yan eh."
Muli pa siyang nag komento tungkol sa babae. Habang kunwari namimili sa mga damit sa harapan niya. Iniiwas ko ang aking tinging sa babae at hindi nalang pinansin ang pagtataray niya. Mukhang nairita siya sa ginawa ko kaya hindi na lang din kami pinansin. Nang muli ko siyang matingnan ay tapos na siyang magbayad sa cashier. Papalabalas na siya sa store nang biglang may tumatakbong bata na papunta sa babae. The little girl bump at her. Nagkataon pang may hawak itong shake kaya nabuhos ang laman ng inumin ng bata sa damit ng mataray na babae.
"s**t! What the fu ck!"
Napasalampak sa sahig ang bata at nagsimulang umiyak. Galit na galit ang babae at walang nakasunod na nanay sa bata, agad akong nagtungo sa kanilang direksyon.
"Makulit na bata! Do you know how much is this? s**t!"
"Ayos ka lang ba baby girl?" napaupo ako para alalayan ang bata.
May pa sinok-sinok pa siya habang umiiyak. Siguro nasa 6 years old siya.
"S-orry po a-ate."
The little girl tries to apologize but the b***h keeps on nagging about her dress.
"Bakit maibabalik ba ng sorry mo ang nasira kong damit?"
"Ang Oa mo naman pwede pa naman labhan yan." mataray na sabat ko.
"What are you saying? This cost 10000 pesos. Gusto mo bang papalitan ko sa iyo itong damit ko?" Galit niyang untag habang namumula ang mukhang nakatingin sa akin.
"Sa mahal ng damit na suot mo. Yung ugali mo hindi mabebenta ng sampung piso." I am very irritated. Masyado niyang maldita.
"Poor useless b***h!" she spat.
"Stop talking to yourself girl."
Kulang ang salitang galit nang magmartsa siya paalis sa harapan ko. Hindi naman kalaunan ay tumigil na sa kakaiyak ang bata at dumating na rin ang nanny nito. Tumakas pala ito sa kanyang yaya dahil sa sobrang kakulitan.
"Bye po Tita Krys!"
"Good bye Jenny. Be a good girl ka lagi hah!" I waved at her and bid my goodbye.
"Ang bait naman talaga ng kaibigan kong sinasaway ako kanina, may pa stop talking to yourself kapang nalalaman eh. Maldita ka rin naman pala."
"Kailan ba ako naging anghel sa paningin mo hah? I'm good but I'm not a saint, Pia."
____***_____
Kakapasok ko lang sa elevator ng tumunog ang cellphone ko. Zeke is calling. Mabilis kong sinagot ang tawag bago pa mawala ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko.
"Good morning Sir!"
"Are you going to work today?" he asks from the other line using his low baritone voice.
"Yes. May bilin po ba kayo?"
"Cancel my schedule for tomorrow."
"Noted sir. Meron pa po ba?"
"Wala na. Bye!"
As I arrive at the office nag-ayos agad ako ng mga gagawin matapos echeck ang opisina ni Zeke kung may problema bumalik na ako sa table ko. He arrives same as the usual.
"Good morning Sir."
"Good morning, What's my schedule for today?"
Matapos kong basahin ang schedule niya naglakad ako palabas ng pinto papunta ako sa pantry para ipag-timpla siya ng kape.
"Eve. Make sure walang makakapasok ngayon na walang appointment sa akin. I will be busy." he said before I could leave his office.
"Noted sir."
I've been working for hours nang makita kong lumabas si Ezekiel sa pintuan ng opisina niya. He handed me a paper bag.
Nagtataka man inabot ko naman iyon.
"Snacks."
"Thank you."
Nang muli siyang pumasok sa kanyang opisina ay kinain ko ang pastry ma binigay niya. Katatapos ko lang uminom ng tubig sa pantry nang pagbalik ko ay may babae nang naghihintay sa sofa, naka fitted black tube dress ito na hapit na hapit sa kanyang katawan ang kanyang damit, hindi ko pa nakikita ang mukha ng babae since nakatalikod ito sa akin.
"Yes ma'am? Ano pong kailangan niyo?” I politely approach her bago pa siya humarap sa akin.
Nang matama ang aming paningin ay agad nangunot ang kanyang noo. May sasabihin pa ata siya pero hindi niya na itinuloy sa halip ay hinanap niya si Zeke.
"Tell Ezekiel that I'm here."
"Do you have an appointment po? Mr. Delos Santos is busy right now. Ibilinin niya po na wag siyang iistorbohin kung walang appointment sa kanya."
I remember her now. Yung bruha kahapon na pumapatol sa bata. Hindi ko naman alam na close pala sila ni Ezekiel.
"I don't need an appointment kapag dumadalaw ako dito!"
"I'm sorry ma'am hindi po talaga pwede."
"Hindi ka lang pala boba, tanga ka rin pala."
Mabilis siyang nag lakad papunta sa pintuan ng opisina ni Ezekiel at agad ko naman siyang pinigilan. Bigla niya akong tinulak kaya nawalan ako ng balanse dahilan para mabilis niyang mabuksan ang pintuan. Swerte lang at hindi ako napasalampak sa sahig.
Nagtama ang mata namin ni Ezekiel at agarang nag dugtong ang kilay niya, lumipat ang tingin niya sa bruha nang tawagin siya nito.
"Honey! Oh I miss you so much."
"Sir pasensya na po ayaw niya po talagang papigil eh." Sabat ko bago pa sila mag laplapan sa harap ko.
Masyadong linta ang bruhang ito. Kung wala lang ako sa trabaho ay iningudngud ko na ang mukha nito sa semento.
"It's ok Eve."
Tinaasan ko muna siya ng kilay bago isinara ang pinto. May girlfriend naman pala siya bakit siya nag hahanap nang pekeng mapapangasawa. Tarantado talaga! Nag-alok pa ng pekeng kasal sa akin hindi nalang sa hitad na kasama niya ngayon!
Iratado akong padabog na pinindut ang bawat key ng keyboard ng computer ko. Nang mag-lunch ay nauna na akong kumain sa cafeteria at hindi na ako nag-aya pa sa kanila. Pagbalik ko ay wala na ang dalawa sa loob nakasara ang pinto tahimik kong kinastigo ang aking sarili. Ano naman paki alam ko sa kanila.
"Pakialam ko ba kung sabay silang nagpunta sa impyerno."
~Jemaria