Ezekiel handed me a brown folder, which gives me so much confusion. Hindi ko naman agad iyon inabot, nakalutang pa ito sa ere habang pinagmamasdan ko.
“What is that?” I asked before I sip on my coffee.
Dahil sa hindi ko pagtanggap ng envelope at ibinaba niya iyon sa ibabaw ng mesa saka itunulak patungo sa gawi ko.
“A contract.” Sagot niya habang papa upo sa sofa na nasa harap ko.
“A contract? What contract?” Napa kunot ang aking noo dahil sa salitang kanyang sinabi, muling nadagdagan ang aking pagtataka.
Ano bang klaseng kontrata itong nasa harap ko? Bahay at lupa? Imposible naman na bigyan niya ako ng bahay at lupa.
Muli kong pinagmasdan ang dokumento. Nagdadalawang isip man ay Inabot ko na lang iyon upang tingnan. Ano ang gagawin ko dito?
“Open it.”
I open the envelope. As I read the heading of the documents, biglang nanlaki ang aking mga mata.
“One-year marriage Agreement? What is this Ezekiel? Magpapakasal ka? A marriage? For a year? What’s the purpose of this? At isa pa kanino?”
“Remember when I told you about my mother looking for her best friend’s daughter?” he said.
“Yes. So what’s about that?” I frowned then asked.
There is one time na nag-uusap kami at nabanggit niya nga na pinapa hanap nang mama niya ang anak nang bestfriend nito, he said na ang gusto niya, na ito ang mapapangasawa ni Ezekiel. Maliban na lang kung makaka girlfriend ang anak niya at gugustuhin pakasalan ang girlfriend nito.
“As you can see. She’s on the hospital. She has to undergo into an operation, pero ayaw niyang magpaopera because the chance is low. She said, magpapa opera lang siya kung nagpakasal na ako. Gusto niyang makita muna akong magkapamilya bago niya i take ang risk ng operasyon. The doctor discussed these two months ago. Kailangan niya ng magpaopera. Pangatlong buwan na ngayon simula nang magkapag usap kami ng doctor ni Mama at dapat magpaopera na siya as soon as possible.”
“So? Kailangan kitang hanapan ng mapapangasawa asap? Only for a year?” sabat ko matapos niyang maglitanya.
“No.” he uttered.
“No?” taka kong tanong.
“Yes no. You don’t have to do that. Nakahanap na ako.” Siguradong sabat niya.
“N-nakahanap ka na? Sino?”
“You.”
“Y-you? Y-you mean m-me? Ako? Are you crazy? Nababaliw ka na ba?” I said. In disbelief.
“We both can benefit from this Eve, in exchange for marrying me, 10 million pesos will be deposited to your account.”
“Mukha ba akong pera sa paningin mo?” galit na asik ko sa kanya. Ikinuyom ko ang aking palad napaka walang hiya! Lumalabas na talaga ang tunay na ugali ng demonyong ito.
“It’s not like that. I’ll give you time to decide, tell me your answer in 3 days.”
“I will never marry you! Isaksak mo na lang ang 10 million mo sa baga mo.” Galit kong sagot sa kanya matapos ibagsak ang kontrata sa mesa na nasa kanyang harapan.
I walk out of his condo very angry. When I’m finally outside of the building, mabilis akong pumara ng taxi para magpa hatid sa bahay. I don’t have any plans of going back to the company, bad trip na bad trip ako kay Zeke dahil sa nangyari.
“Do I look like a gold digger to him? Kamukha ko na ba si Ninoy Aquino? At naisipan niya na ma gagawa niya ang gusto niya dahil sa pamumudmudan niya ako ng pera niya?” inis na litanya ng sarili kong utak.
“Demonyong Prinsipe!” sambit ko habang naka sakay sa backseat nang taxi. Sa lalim ng iniisip ko ay boses na lang ni manong driver ang nagpa balik ng utak ko sa mundo.
“Nandito na po tayo Maam.”
Nagabot ako nang bayad kay manong driver matapos kong bumaba sa sasakyan. Mabilis akong pumasok sa loob nang bahay, diretso ang bawat paghakbang ng aking mga paa patungo sa kwarto. Nang makapasok ako sa loob nang aking kwarto ay pasalampak akong humiga sa malambot kong kama. Na drain ata utak ko today. Una si Daisy, tapos yung kasal, at panghuli yung 10 million.
“Shutanginanggiliw talaga.”
It’s been two days simula nang mawala si Ezekiel sa opisina, ngayon naman ay maaga akong gumayak upang pumasok sa trabaho. I can’t be absent dahil wala pa rin ngayon si Ezekiel. Tatlong araw siyang nakaleave kaya dapat ay nasa opisina ako para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin. Palabas na ako nang bahay nang may nakita akong tao sa labas ng gate.
“Maam dito po ba nakatira si Hilda Delgado Juezan?”
“Bakit po?” balik tanong ko habang naglalakad papalapit sa gate.
“May sulat po para sa kanya. Paki receive na lang po maam.”
Inabot ng lalaki ang sobre at kinuha ko naman agad. Para saan naman kaya itong sulat? Sinong tangang susulat sa isang taong patay na?
ADS Bank ang nakasulat sa sobre. Puno ng pagtataka kong binuksan ang sobreng nasa kamay ko.Ng masipat iyon ay pagkunot nang mukha ko ang naging resulta kasunod noon ay pangamba at sunod sunod na paglunok
.
It’s a notice from the bank. It states there that there is a payment default due to months of missed payments. The bank is giving us 30 days to remedy the past due payments before they formally start the foreclosure process.
Malakas akong napasinghap nang mabasa ang nasa sulat. Hindi ko alam na naka sangla pala itong bahay ni na lola sa bangko. 7 Million pesos ang utang at simula ng maisangla ito ay hindi pa nasisimulan bayaran. Tapos ngayon kukunin na ng bangko ang bahay. Importante ang bahay na ito para sa akin at lalo na para kay mama kaya hindi ko to pwedeng hayaang makuha ng Bangko. Hindi pa ako nakaka pasok sa trabaho ay sumakit na ang ulo ko. I need to ask Papa about this. Matapos ma stress ay nagmadali na akong maghanap ng masasakyan dahil malapit na akong malate sa trabaho. Mamayang gabi ko na lang tatawagan si Papa.
I was in the office for the whole day, pinilit kong magpakalunod sa trabaho para maiwasang maisip ang bahay naming mareremata na nang bangko, Lahat na ata ng dapat gawin ay nagawa ko na pati iyong mga dapat eretype na documents ay na typed ko na din. Lumagpas na ata ang lunch time bago ko mapansin kumakalam na ang sikmura ko. Maya maya ay may dumating na taga maintenance department, naghatid ito nang pagkain para sa akin may nagpa deliver daw at na receive na nila kaya ipina hatid na lang dito sa itaas. When I saw the container galing ito sa isa sa mga paburito kong restaurant dito sa aming lugar.
There’s a sticky note na nakadikit sa takip ng isa sa mga container nang buksan ko ang supot. May nakasulat na.
“Eat up. Don’t skip your meal.” – Zeke.
Imbis na kiligin ay nanayo ang balahibo ko sa katawan, napa ikot ang tingin ko sa buong paligid, isa-isang kong tinitingnan ang bawat sulok ng kwarto kung may cctv ba o hidden camera na nakatago sa paligid ko.
That man is creepy. How did he know na hindi ako kumain ng lunch? O baka naman coincidence lang. Nagpapa good shot ganun.
May lahi talagang maligno ang isang iyon eh, saktong sakto ang bansag ko sa kanyang “Evil Prince”.
Because I don’t have any choice isa-isa ko nalang binuksan ang tatlong container na may laman na pagkain. Bago ako sumubo at nagsimulang kumain ay lihim kong ipinagdasal na sana walang gayuma ang pagkain sa harapan ko, o kung meron mang kung anong gayuma ang pagkain na ito ay mawawalan ng bisa dahil sa dasal ko. Tahimik akong kumain at nagbunyi sa lasa ng paboritong ulam. Matapos akong kumain ay busog na busog ako, ilang minute pa ang dumaan ng ipinag patuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa matapos ang shift ko.
Madilim na nang makauwi ako ng bahay. Sa sobrang pagod ay pinili ko nalang ang cup noodles sa hapunan. Katatapos ko lang maligo at naka upo na ako sa gilid ng kama sa loob nang aking silid, inabot ko ang cellphone ko at tinutukan ito. I want to call Papa and ask him about the notice, ngunit bago ko pa man na dial ang kanyang numero ay biglang nag appear ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. He is calling. Without any hesitation mabilis kong sinagot ang tawag para maitanong ang tungkol sa bahay.
“Hello Papa?”
It’s been 5 months mula noong huling kausap ko sa kanya.
“Hello My Princess?” Si Kyle nakakatanda kong kapatid.
I smile upon hearing his voice.
“Kuya. How are you? Where is Papa?”
“Im fine My Princess. Ikaw kamusta ka na?”
“Ayos lang ako kuya. May trabaho na ako.”
“Well that’s a good news!”
“Where is Papa pala kuya, I have something to ask him sana.”
“He can’t talk to you right now My little princess.”
“Hah? Bakit? Busy ba siya?”
“No. Na stroke si Papa My little princess. Nasa ospital siya ngayon dahil under monitoring pa ang vital signs niya, I’ve been calling you since last week pero hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. Kapag naging maayos na si Papa baka ilabas na naming siya sa ospital at sa bahay na siya tuluyang magpagamot. I need to hire his personal nurse since hindi na niya kayang gumalaw. Maswerte siya at hindi na untog ang ulo niya sa kung saan nang inatake siya, if ever that happened baka wala na ngayon si papa.”
The call ended. I was crying the whole time after kuya told me what happened kahit naman kasi galit ako kay papa ay papa ko pa rin siya. Hindi ko na tinuloy ang pagtatanong tungkol sa bahay dahil ayaw ko nang dumagdag pa sa problema. Kahit anong paraan gagawin ko makatulong lang kay kuya.
Nakatulog ako sa kakaiyak kagabi kaya nagmugto ang mga mata ko ngayon. Nagdadalawang isip man nakakita na ako ng solusyon sa mga problema ko. Bali-baliktarin ko man ang mundo at ibenta ko man lahat nang internal organs ko, hindi ko kayang solusyonan ang problema ko ngayon. But at least I have an option. Since I am hitting two birds in one stone in this situation I will grab the opportunity he gave me.
It may not be a good idea but I am looking at it, the other way around.
~JeMaria