"Enjoy your honeymoon mga anak" wika ng mommy ni Zach sa kanila. Sumama nga pala ito sa airport upang ihatid sila dahil mamimiss daw nito si Shan.
" Mamimiss kita Shan, pero para naman sa inaasam kung apo ang pag alis niyo kaya okay lang" maiiyak iyak naman ng turan nito na para bang ilang taon silang mawawala.
"I will miss you too mom. You should take care of yourself too while we're away" pagpapakalma niya naman dito
"Mom, we're just a month there. Tsaka ako ba hindi mo mamimiss?" tinig naman ni Zach
" Tse,,, mas concern ako kay Shan" pagbibiro naman nito sa anak
"You should go son" anunsyo naman ng ama niya habang marahang hinatak ang mommy niya paalis kay Shan.
"Bye dad and mom" paalam nila sa mga ito
Gaya ng nakagawian sa private plane sila ng mga Memdez sumakay. Pagkapasok sa loob ng eroplano ay agad siyang iginiya ni Zach sa isang cabin. Namangha pa siya sa sobrang ganda nito sobrang modern ng design para ka lang nasa isang hotel.
"You can rest first, matagal ang byahe natin" utos nito sa kanya
Nahiga na si Shan sa kama habang si Zach ay tinawagan ang kanilang caretaker sa rest house nila in Greece para makapaghanda sa pagdating nila though alam naman niyang nasabihan na ito ng mommy niya but gusto niya parin itong paalalahanan. Pagkatapos niyang patayin ang phone niya ay binalingan niya ng tingin ang asawang natutulog. Sobrang payapa nito kapag tulog kabaliktaran sa tuwing gising ito na animoy tigreng anumang oras ay mananakmal.
Nagising naman si Shan sa marahang tapik ni Zach sa pisngi niya.
"Wake up sleepy head" gising ng asawa niya sa kanya
"Hmmmm,,,,nandito na ba tayo? tanong niya naman dito
"We just landed at Greece International Airport" anunsyo naman nito sa kanya
Pagkababa nila ng eroplano may sumalubong sa kanilang isang may edad na lalaki sa hinuha niya ay ito ang butler ng pamilya nila Zach batay na rin sa kasuotan nito
"Welcome po sa Greece" bati nito sa kanila ni Zach. Pilipino rin pala ito dahil mukhang matatas magtagalog
" Butler John, it's been a while" baling naman ni Zach sa lalaki habang ang mga kamay ng asawa ay nakapulupot sa bewang ni Shan.
"Ang tagal na rin ng huling nagbakasyon kayo dito nila Don" kwento naman ng butler
"By the way this is Shan, my wife. Shan this is our trusted butler" pakilala naman nito sa kanya
"Hi" kiming bati niya naman dito
"Naku matutuwa nito ang asawa ko na malamang nag asawa na ang nag iisang anak ni Don na minsang inalagaan niya" magiliw na tugon ni Butler John kay Shan.
Halos kalahating oras din ang ginugol nila papunta sa vacation house ni Zach pero hindi siya nakaramdam manlang ng pagkabagot dahil nawili siya sa kakatanaw sa nadadaanan nilang mga tanawin.
" After two days of rest we can explore Greece" anunsyo ng asawa niya
"Really?" gulat na tanong naman niya dito na mahihimigan ng excitement
"Yes, I know you're looking forward to it" sagot naman nito sa kanya
Matapos marining iyon sa asawa ay nag scroll siya sa google ng mga lugar na magandang puntahan though alam naman niyang maraming alam na lugar si Zach sa Greece na magandang puntahan but still want to do her own research. Habang busy siya sa kakatingin ng magandang pasyalan sa internet ay biglang naagaw ang atensyon niya ng pumasok ang kanilang sinasakyan sa isang malaking gate kaya napabaling ang kanyang mata sa two-storey house na nasa harapan nila. Halos mag animoy puso ang mata niya sa sibrang ganda ng bahay napaka modern ng design, nakadagdag din sa ganda nito ang mga halaman na nanghihitik sa bulaklak halatang inaalagaan. Sobrang presko ng hangin at napakalawak ng bakuran. Mayroon ding fountain sa gitna at may sculpture ng angel na may hawak na banga kung saan umaagos ang tubig sa fountain. Sobrang siyang na starstruck sa ganda ng desinyo ng bahay kaya hindi niya na namalayan na silang dalawa nalang ang naiwan ni Zach sa labas dahil ang mga katulong ang ipinasok na ang mga gamit nila. Hindi niya nga napansin ang pagbati ng mga ito sa kanya dahil masyadong nakatuon ang buong pagkatao niya sa magandang tanawing nasa harapan niya.
"Do you like it?" agaw ni Zach sa atensyon
"Hindi lang gusto, sobrang gusto. Grabe ang ganda ng bahay niyo" namamanghang tugon niya naman.
" I'm glad that you like it" tinig naman ni Zach
"Pwedeng bang maglibot ako dito mamaya? tanong niya sa asawa
"Of course, but for now we should go inside first. I know we're both tired" paalala aman ni Zach sa kanya
Hinawakan siya ni Zach at iginiya na papasok ng bahay.
"Manang, we're here" anunsyo ni Zach sa mayordoma nila
"Ay, naku ang laki laki mo na talaga mula ng huling dalaw niyo dito. At may asawa ka na rin ngayon. Parang kailan lang binubuhat at hinahabol habol pa kita para paliguan" maiyak-iyak na turan ng matanda na sa hinuha ni Shan ito ang asawa ni butler John.
"Time flies so fast manang, by the way this is my wife Shan, Shan this is Manang Lucille wife of butler John" pakilala naman ni Zach sa matanda
"Hello, manang kumusta po?" magalang na bati niya naman dito
"Naku, ito na ba ang asawa mo? Eh kay gandang babae naman pala. At mukha pang mabait. Naku señorita ako ang nag alaga sa batang iyan ng maliit pa bago sila bumalik ng Pilipinas. Natutuwa akong makilala ka señorita." kwento naman nito kay Shan
"Lucille, mamaya mo na kausapin ang mga bata pakainin mo muna at ng makapag pahinga na sila pagod ang mga iyan sa byahe" sigaw naman ni Butler John mula sa kusina
"Ay, oo nga nakalimutan ko, kumain muna kayo. Mylin ipaghain mo na ang señorito at ang asawa niya" utos naman ni Manang Lucille sa kasambahay na agad ding lumapit para akayin sila sa dinning.
Nagsimula na silang kumain ng tahimik habang ang mga kasambahay naman ay hindi magkamayaw sa pag aasikaso sa kanila pakiwari niya ay grabe ang respeto ng mga ito kay Zach.
Pagkatapos kumain ay inaya na siya ni Zach na umakyat para makapagpahinga na gusto pa sana niya tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan nila dahil nahihiya siya sa mga kasama nila sa bahay pero pinigilan na siya ni Manang Lucille at sinabing ang mga katulong na ang bahala sa bagay na iyon kaya wala rin siyang nagawa kundi sumunod kay Zach paakyat ng kwarto nito.
"This is my room and we will be staying here while we are in Greece"imporma naman nito sa kanya bago buksan ang pinto at hilahin siya sa loob. Nandoon na sa loob ang mga maleta nila na dala mula sa Pilipinas. Agad na pumasok sa CR si Zach at mukhang maglilinis ito ng katawan bago mag pahinga. Siya naman ay naghanap na ng maisusuot niya. Naupo muna siya sa sofa na nasa loob ng kwarto ng asawa niya habang inaantay na matapos si Zach.
Napalingon siya ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Zach na nakatopless lang tuwalya at tinutuyo ang buhok. Napako ang tingin niya dito.