"Let us welcome the new married couple, Mr. and Mrs. Zachary Ashton Mendez" anunsyo ng host sa reception nila bago sila bumasok sa bulwagan ng reception
Sobrang ganda ng pagkakadesign ng reception halatang ginastusan ng malaki at pinaghandaan. Nawala ang atensyon ni Shan sa kay Zach at sa mga bisita nila dahil nawili na siya sa ayos ng lugar kaya hinawakan siya ni Zach sa bewang at iginiya sa harap kung saan sila uupo. Nabaling naman ang tingin ni Shan sa asawa dahil sa ginawa nito.
"Yowww! brad, before anything else. Ako nga pala si Micheal Angelo, ang pinaka pogi sa barkada ng groom" pagpapakilala ni M.A sa mga bisita
"What!" sigaw naman ni Hunter na halatang hindi sang-ayon.
"Ang kapal mo!" tutol naman ni Damien na kanina niya lang nakilala
Napangiti nalang si Shan sa kakulitan ng mga ito habang si Zach ay madilim na nakatitig kay M.A. na kung nakakamatay lang ang masamang tingin nito sa kaibigan malamang kanina pa ito nakabulagta. Pagkababa ni M.A. sumunod naman si Damien.
"Hi, congratulations to the newly wedded couple. By the way Shan I know that we just met each other now but I just want you to know that if Zach do something that would hurt you just let me know, ako na bahala magturo ng lesson sa kanya" seryosong saad naman ni Damien na mukhang di man lang marunong ngumiti bagay talaga silang magkaibigan ni Zach.
"Asshole" bulong naman ni Zach kaya tiningnan siya ng masama ni Shan. Agad namang ibinaling ni Zach ang tingin sa ibang direksyon na agad naman napansin ni Hunter dahil malapit lang ang table nila sa mga kaibigan ni Zach.
"Grabe isang malaking himala talaga ang nangyari ngayon. Malaking balita ito sa mundo ng Business at sa buong Pilipinas maging sa Asya" natatawang sabi naman ni Hunter sa harap ng mikropono. Kaya nakitawa na rin ang mga bisita at si Shan pero as usual si Zach expressionless parin parang pinaglihi sa sama ng loob samantalang masayahin naman ang mama nito except sa daddy ni Zach na seryoso rin sa buhay doon talaga naman ni Zach ang ugali sa ama.
"Imagine ang isang Zach Mendez nagpasakal na I mean nagpakasal na pala. Nagawa mong itago sa amin si Shan. Kaya pala ayaw mong mag entertain ng manliligaw mo na mga babae kasi may Shan ka na pala" kantyaw naman ni Hunter.
"Congrats mga anak, I'm so happy that at last natupad na rin yung pangarap ko na magkaroon ng anak na babae. Remember to respect each other. Zach you're a husband now your priority should be your wife" maiyak iyak naman na wika ng mommy ni Shan na mommy narin ang tawag niya ngayon.
"Zach love Shan with all your might. Make her cry in happiness and avoid to cause her a pain" advice naman ng Daddy ni Zach
"Shan kung may hindi kayo pagkakaintindihan ni Zach mag usapan niyong maigi bago pa humantong sa hiwalayan" nakangiti naman saad ng mama ni Shan, kaya napaluha siya kahit naman masama ang loob niya dito ay mahal niya parin naman ito.
"Anak, sobrang proud si papa sayo. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo para sa pamilya mo. Panahon na siguro para sarili mo naman ang pagtuunan mo ng pansin. Maging masaya kayo sa bubuuin niyong pasensya" ani naman ng papa ni Shan habang mataman na nakatingin sa kanya. Hindi na napigilan ni Shan ang pag buhos ng luha niya dahil sa sinabi ng ama. Papa's girl kasi siya at papa niya ang laging kakampi niya sa tuwing pinapagalitan siya ng mama, ito rin ang kumukontra kapag dinidiktahan siya ng mama niya. Agad siyang inabutan ng panyo ni Zach at hinimas ang likod upang pakalmahin ito.
Ito na nga siguro ang simula ng bagong yugto ng buhay niya. Isa na siya ganap na asawa at magban
bago na rin ang mga nakasanayan niya. Pagkatapos mag message ng lahat ng mga malalapit sa kanila ay pumunta na sila sa gitna para sumayaw. Naiilang pa siya ng pumalibot ang kamay ni Zach sa bewang niya. Ipinatong naman niya ang mga kamay sa dibdib ng asawa at marahan silang sumayaw sa saliw ng musika. Matapos ang sayaw ay kumain na ang lahat, nilagyan siya ni Zach ng pagkain sa pinggan niya kaya nagsimula na siya kumain na tahimik ganun din ang asawa. After ng reception ay nagkanya kanyang uwian na rin ang mga bisita ang pamilya ni Zach at kanyang mga magulang ang huling umalis ng venue. Sa bahay nila Zach sila tumuloy dahil bukas ay lilipad na sila papuntang Greece para sa kanilang honeymoon.
"Zach, umakyat na kayo sa kwarto mo para makapagpahinga na kayo alam naming pagod kayo pareho" utos ng mommy ni Zach
"Yes, mom same with you dad you should rest already"baling naman ng asawa sa mga magulang nito
Umakyat na sila sa ikalawang palapag ng mansyon nila Zach. Akmang bubuksan na ni Zach ang pinto ng hawakan siya ni Shan sa braso
"Why?" tanong nito sa kanya
"Kailangan ba talaga magkasama tayo sa iisang kwarto. Pwede bang sa guest room na alng ako?" nakayukong tinig niya sa asawa
"Of course not. We're already married, we should stay in one room" malamig na sagot naman nito sa kanya.
Wala naman siyang pagpipilian dahil inaantok na rin siya kaya kaya sumunod na lang siya sa asawa. Umupo siya sa gilid ng king size bed ng asawa pagkapasok nila at inilibot ang paningin sa loob ng kwarto nito. Sobrang manly ng theme ng kwarto. Kulay Gray and black ang interior ng kwarto nito. Sobrang linis din and organize kaya lang mukhang malungkot ang kulay dahil madilim sa mata kaya naman mau naisip siya idea that she will transform it into a warm haven, dahil sa nakatuon siya sa pag usisa ng disenyo ng kwarto hindi niya namalayan ang paglapit ni Zach king hindi pa ito tumikhim hindi pa niya ito mapapansin.
"Ahmmm" tikhim ni Zach
"Ha? Do you need anything" baling niya naman dito
"You're spacing out. Kanina pa ako nagsasalita sayo"matabang na sagot naman ng asawa sa kanya
"Sorry, may iniisip lang" hinging-paumanhin niya naman
"I said, you should take a shower now, so you can rest. It's getting late" sabi naman nito habang inaabot ang roba sa kanya. Dahil sa pagkapahiya ay dali dali siyang pumasok sa banyo kahit hindi naman niya alam kung saan ito matatagpuan dahil sa lawak ng kwarto nito.
"The bathroom is that door on the left side" turo naman ni Zach sa kanya.
Isinuot na niya ang bathe robe sa katawan at nagpapatuyo na siya ng buhok ng maalala niya wala pala siyang dalang damit dahil kaya pabalik balik siya na naglakad sa loob ng banyo at nag isip ng paraan kung ano ang gagawin niya. Nahihiya naman siyang magsabi kay Zach.
Sa kabilang banda napansin naman ni Zach na halos kalahating oras ng nasa loob ng banyo ang asawa kaya kinatok na niya ito.
"Shan, are your okay? You're been there for about one and half hour? tanong niya sa asawa
"Oo, okay lang ako" sagot naman niya dito
"Lumabas ka na diyan. Para makapagpahinga ka na maaga ang flight natin bukas" paalala namana nito sa kanya
"Lalabas na, kaya lang......." hindi niya matuloy ang sasabihin
"Why?" tanong naman nito pabalik
"Ahm...." balik na tinig naman niya dito
"Just say it so I can help you" nauubusang pasensya na saad naman ng lalaki
"Wala kasi akong dala ng damit" mahinang tugon naman nito
"Nakahanda na ang damit mo sa walk in closet" imporma naman nito sa kanya. Kaya lumabas na si Shan na nakaroba lang at iginiya naman siya ng asawa niya sa walk in closet niya.
"You can use my clothes first since according to your mom, ihahatid nalang bukas yung mga gamit mo bago ang flight natin" paliwanag naman nito nahalata yatang nakatitig lang siya sa mga damit na nasa harapan niya.
"Okay, labas ka na para makapagbihis na ako" nahihiyang taboy niya naman dito
"Why are you shy? Sooner or later makikita ko rin naman yan" nakangising tugon naman nito sa kanya kaya itinulak niya nalang palabas ng walk in closet. Pagkalabas ng asawa ay agad siyang nagbihis dahil kanina pa din siya nilalamig.