Natuloy ang kasal ni Zach at Shan. Hindi umobra ang mga plano niya to stop it. Kaya ngayon nakaharap siya sa salamin habang inaayusan. At ang nagpapagulo pa sa isip niya is kung paano nagawan ng mga magulang nila Zach ang wedding gown niya dahil hindi naman siya umattend sa appointment nila with the wedding organizer.
"Tadaannnnn!!! ang ganda niyo po mukha kayong diwata madam" exaggerated na sigaw ng nag aayos sa kanya.
"Huwag mo na kong bolahin hindi parin kita bibigyan ng tip"nakabusangot na saad naman niya
"Ewan ko ba sa tanang buhay ko sa pag aayos nang mga bride ngayon lang ako naka encounter ng ikakasal na nakabusangot at parang labag sa loob na ikasal. Yung iba nga naiiyak sa tuwa ikaw naman mukhang isinumpa" pranka sa kanya nito na ayon sa pagpapakilala nito kanina siya si Marcy.
Well, tama naman ito na labag talaga sa kalooban niya ang pagpapakasal sa lalaking magiging asawa. Mainit talaga ang dugo niya sa lalaki at pakiramdam niya ay magkakaroon ng World War III kapag nagkasama sila sa isang lugar. Mapalapit pa nga lang dito ay para na siyang sasabog sa inis how much more kung titira pa sila sa iisang bubong.
Nakatayo na siya ngayon sa harap ng simbahan kung saan magdadaos ng kanilang church wedding kung siya ang tatanungin mas gusto niya civil nalang kaysa magbonggang celebration pa, pero as usual ang magulang na naman niya ang nasunod sa kadahilanang gusto rin ng parent ni Zach na magkaroon sila ng malaking selebrasyon dahil kaisa isa daw nilang anak si Zach.
Labis ang kaba niya habang inaantay na bumukas ang pintong nakasara ng simbahan. Ng tuluyan itong bumukas napaluha siya hindi sa saya kundi sa paghihinagpis dahil ito na ang oras ng pagsisimula ng kanyang kalbaryo sa piling ni Zach. Nakailang hakbang siya ng marating niya ang kinatatayuan ng mga magulang na pawang may matamis na ngiti sa labi. Paglapit niya sa mga ito agad siyang hinawakan ng ama at ina upang ihatid kay Zach na nakatayo naman sa harap ng altar, hindi naman maipagkakailang napakagwapo nito sa suot na white tuxedo, kung siguro mahal niya ito ay kikiligin pa siya pero hindi eh, galit ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Mabigat rin ang kanyang paghakbang parang gusto niyang huwag nalang lumakad a manatili sa kinaroroonan pero ayaw naman niya mapahiya sa mga bisita kaya tuloy tuloy siyang lumapit dito kasabay ang mga magulang.
"Ipinagkakatiwala ko na sayo si Shan, Zach. Mahalin mo siya at respetuhin"bilin naman ng ama niya sa lalaki
"Makakaasa po kayo tito"tugon naman nito na may pagka slang pa halatang di sanay magtagalog
"Simula ngayon papa at mama na ang itawag mo sa amin dahil asawa ka na ni Shan pagkatapos nito"singit naman ng mama ni Shan
Inabot na ng papa niya ang kanyang kamay kay Zach na tinanggap naman nitong may ngiti. Inalalayan siya nito sa pagharap sa altar at pari.
"We gather here to day to witness the marriage of Zachary Ashton Mendez and Shannica Dela Cruz. Kung sino man po ang tutol at gustong tumutol sa kasalang ito ay magsalita na ngayon.
Sa mga oras na yun ay napadasal si Shan sa isipan na sana ay may biglang tumutol pero makalipas ang ilang minuto tanging katahimikan lamang ang namayani sa loob ng simbahan.
"Ituloy na natin ang kasal"basag ng pari sa katahimikan.
Zachary do you take Shannica as your lawfully wedded husband?" tanong ng pari kay Zach
"I do" sagot naman ni Zach kaya lalong nagngitngit ang kanyang kalooban
"Shannica, do you take Zachary as your lawfully wedded husband" baling naman nito sa kanya.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa lugar maging ang mga umattend pigil ang hininga dahil sa hindi pa pagsagot ni Shan
"I-I-I do father" nanginginig na usal niya kaya napahinga si Zach na animoy nabunotan ng tinik sa dibdib.
"Repeat after me" ayon kay father
"I" panimula nito
"I" magkasabay na bigkas naman ni Shan at Zach
"Say your name" utos naman nito sa kanila
"Zachary Ashton Mendez/Shannica Dela Cruz" dugtong naman nila habang magkaharap sa isa't isa
"take you to be my lawful husband or wife, for richer and poorer, in sickness and in health, in bad bad times and in good times, till death do us part." sambit nila habang nakatingin sa bawat isa
"With the power vested in me I now pronounce you husband and wife you may now kiss your bride" anunsyo ng pari hudyat na kailangan na nilang silyuhan ang kanilang kasal sa pamamagitan ng isang halik. Ipinulupot ni Zach ang dalawang kamay sa bewang ni Shan at marahan itong kinabig upang halikan. Malakas na palakpakan at sigawan ang pumutol sa halik nilang dalawa na kung di pa umingay ang mga kaibigan ng lalaki na pawang hindi niya naman kilala dahil ngayon niya lang ito na meet ay mukhang wala pang balak si Zach na pakawalan ang kanyang labi.
"Mamaya niyo na ituloy sa honeymoon niyo. Reception muna tayo nagugutom na kami Zach" Sigaw ni M.A.
Agad naman silang nilapitan ng kanilang mga magulang at binati
"Congrats mga anak, finally I had now a daughter"masayang bati ng mommy ni Zach habang na di mawala ang ngiti sa labi
"Thanks tita"pasalamat naman ni Shan kahit sa kaloob-looban niya ay gusto niya ng wasakin ang pagmumukha ni Zach. Kinuha lang naman nito ang first kiss niya since kahit naman artista siya ay hindi siya kumukuha ng mga daring na rin pati kissing scene nagpapadouble siya dahil nangako siyang ibibigay lamang ito sa mapapangasawa at lalaking mahal niya. Natupad naman na asawa niya nga ang nakakuha but hindi niya mahal.
Nabalik siya sa realidad ng biglang magsalita ang mommy ni Zach
"OMG, honey stop calling me tita since you are now my daughter in law you should have call me tita na" magiliw na payo naman nito sa kanya.
"Attention po, picture taking na po tayo. Yung married couple muna then next with the parents and after grooms men and brides maid naman okay!" agaw ng event organizer sa kanilang atensyon. Kaya wala nagsimula na ang pagkuha ng litrato pilit na ngumiti si Shan, ayaw niya namang pumangit sa picture niya habang si Zach ay seryoso lang na nakatingin sa camera pero gayun pa man ang gwapo parin nito sa mga kuha niya at mukha lang fierce na modelo. Maganda ang mga kuhang litrato nila kahit pa sobrang gulo ng mga kaibigan ni Zach na panay ang kantyaw sa lalaki.
"Woahhhh!!!sa wakas kainan na." sigaw naman ni Hunter isa sa mga kaibigan ni Zach kaya naman napuno ng tawanan ang buong simbahan kahit si Shan ay napangiti sa lalaki na napansin naman ni Zach kaya sumama ang timpla nito.
Naglakad na palabas ng simbahan silang dalawa habang nagsasaboy naman ng mga petals ng bulaklak ang mga bisita nila. Agad silang sumakay sa bridal car papuntang reception habang nakasunod naman ang mga magulang, abay, ninong at ninang nila. Inalalayan siya ni Zach pababa ng sasakyan hanggang sa makarating sila sa parang stage na ginawa upang magsilbi nilang upuan dahil may program pa na gaganapin sa reception kung saan magmimessage ang kanilang mga magulang at malalapit na kaibigang invited.