Ng sumunod na mga linggo pa ay panay magkasama ang nanay ni Zach at Shan para ayusin ang nalalapit nilang kasal. Kaya naman todo kumbinsi din siya kay Zach na gumawa ng hakbang para pigilan ito. Ang hindi lang niya maintindihan alam naman niyang walang nararamdaman sa kanya si Zach pero hinahayaan nito ang mga magulang nila na ituloy ang binabalak.
"Mr. Mendez, nalalapit na ang araw ng itinakdang kasal natin pero still wala ka paring ginagawa to hinder it." nangagalaiting kausap niya sa lalaki.
"It's your idea, bakit hindi ikaw ang kumausap sa parents natin" kibit balikat lamang na sagot nito sa kanya
"Hindi ko pwedeng gawin yun" mariing tutol niya naman dito
"Then, if you are not brave enough to stop it. I think I should welcome you future Mrs. Mendez in my life after few weeks" nakangising baling nito sa kanya.
Padabog siyang tumayo sa visitor chair ng opisina ni Zach. Talagang sinandya niya pa itong puntahan sa company ng pamilya Mendez na pinamamahalaan na ngayon ni Zach since his dad decided to rest at their home nalang.
Umuwi man siyang bigo pero hindi pa rin siya susuko. Siguro naman may girlfriend si Zach. Maraming nalilink na babae sa lalaki kadalasan mga model at anak ng mga business partner ng Mendez Group of Company pero wala namang kinonfirm ang binata. Pero malakas ang kutob niya na hindi lang nito inaamin sa publiko ang kasintahan maybe to protect it's identify and private life.
"Blessie, tulungan mo nga akong mag research if Zach had a current girlfriend" utos niya sa kay Blessie
"Ay, bonggayshows binabakuran agad ang future asawa maam ah" pang aalaska naman nito sa kanya
"Tigilan mo nga ako, I just think na makakatulong na matigil ang kasal namin if ieksena ang gf niya ngayon" paliwanag niya naman dito
"Ay gusto ko yan mag-aala detective Cunan akes" pabiro naman nitong sabi sa kanya habang kinakalikot na ang phone mukhang nagri-research na ito. Habang siya nagchicheck ng mga kitchen utensils. Isa pala sa hidden hobby niya ang pagluluto kaya nga gusto niya talagang mag aral ng culinary pero hindi afford ng kanyang mga magulang na suportahan siya sa kolehiyo kaya napaaga ang pakikipagsapalaran niya sa industriya ng pag akting. Ngayon naman na may pera na sila ay kailangan niya namang pag aralin ang mga kapatid at naging sunud sunuran na siya sa gusto ng ina.
"Kyaaahhhhhh, ang gwapo pala talaga ni fafa Zach maam" sigaw ni Blessie kaya naman halos mapatalon siya sa kinauupuan
"Ang sabi ko alamin mo ang girlfriend niya hindi pagnasaan siya" masungit na tugon niya naman dito
"OMG deserve niya ang pagnanasa ko maam, pero sad to say walang info o kahit manlang news regarding sa gf niya. May mga rumored pero di naman niya kiniconfirm" kinikilig na pahayag naman sa kanya ni Blessie
"Hindi ako titigil, kailangang di matuloy ang kasal namin."bulong naman niya
"Pero I think bagay kayong dalawa, gwapo si fafa Zach tapos ikaw maganda baka nga destined for each other kayo eh" pahayag naman nito
"Pardon? at huwag mo siyang tawaging fafa ang sagwa" masungit naman na tugon niya dito
"Sorry na ito naman di na mabiro" hinging paumanhin naman nito sa kanya pero di nawawala ang ngiti sa labi.
Humilig nalang siya sa may bintana ng sasakyan at tumingin sa mga tanawing nadadaanan nila habang parang pinapatay sa isip niya si Zach.