Chapter 5

766 Words
Mugto ang mata ni Shan kinabukasan dahil sa sobrang pag iyak. Pumasok siya sa trabaho na hindi maganda ang pakiramdam but because she's a public figure then she need to show to everyone her best smile kahit deep inside she is not really happy. "Hi, naku Miss Shan bakit namamaga ang mata niyo. Mahihirapan tayo nitong itago sa fans mo eh" reklamo ng kanyang make up artist na si Aika "Gawan mo nalang ng paraan" matamlay na sagot naman niya "Haysss.....ano pa nga ba. Dont yah worry. Gagamitin ko nalang lahat ng pawerssss ko dito" tumatawang saad naman nito sa kanya. "Blessie, ihanda mo na yung susuoting dress ni Ms. Shan for the photo shot 5 sets yun diba para palit nalang ng palit."utos ng kanyang stylist sa P.A. niya na agad naman nito sinunod. May photoshot siya sa isang sikat na brand for endorsement. Nagpakabusy siya sa trabaho for the whole week hindi rin sila nagkikibuan ng kanyang mga magulang. Tanging mga kapatid lang niya ang madalas niyang kausap pag uuwi siya ng bahay nila. "Hi ate, may field trip po pala kami next month sa National Museum para sa history class namin" bungad sa kanya ng kapatid na kumakain sa dinning "Ako rin ate need ko bumili ng book sa Pol-Sci" sabat naman ng isa niya pang kapatid. "Okay, sige. Mamaya ko ibigay ang budget niyo. Puntahan niyo nalang ako sa kwarto."tugon naman niya Nasa ganoon silang pag uusap ng pumasok ang kanilang ina. "May dinner date ka with Zach mamaya" boses ng ina sa kanya. Since tapos ng kumain ang mga kapatid ay nagpulasan na ito pa akyat ng kani-kanilang silid para maghanda sa pagpasok. "Hindi po ako pupunta" tutol niya naman dito. "Kailangan mong pumunta, huwag mo kaming ipahiya sa pamilya Mendez" matigas na pahayag ng ina niya "Bakit po ba hindi niyo maintindihan na ayoko po sa ideya niyong yan" naiinis na tanong niya sa ina. "Bakit ba hindi mo rin maintindihan na ginagawa namin to para sayo rin"paliwanag naman ng ina "Susunduin ka ni Zach dito mamaya bago mag alas-sais" ani ng ina niya bago umalis ng kusina. Napabuntong hininga nalang siya at nawalan na ng gana na kumain. Magkukulong nalang siya sa kwarto habang pinapalipas ang oras bago ang takdang pagkikita nila ng lalaking yun. Nagbibihis na siya ng katukin ng kasambahay. "Shan, nasa baba na si Sir Zach"imporma nito sa kanya "Sige po, susunod po ako" sigaw naman niya mula sa loob. Simpleng dress lang ang suot niya dahil labag naman sa kalooban niya ang pumunta sa dinner date na inarrange ng mga magulang niya.Pagkababa niya nabutan niya si Zach na prenteng nakaupo sa sofa nila kausap ang kanyang ina. "Nandito na pala si Shan, magiingat kayo" paalala naman ng ina niya na matamis ang ngiti kay Zach "Thanks tita, lets go?"baling nito kay Shan Pinagbuksan ni Zach ng pinto si Shan na tahimik lamang na pumasok sa kotse. Katahimikan ang namayani sa buong duration ng byahe nila bukod sa wala naman silang topic, wala din siyang lakas ng loob na magbukas ng conversation. Nasa isang mamahaling restaurant sila ni Zach ngayon at talagang pinareserve ang buong restaurant dahil mukhang sila lang ang tao sa loob. Nag order na sila at habang inaantay ang pagkain nagbukas si Zach ng topic. "I know that you're against with this marriage thing but may I know your reason?"panimula ni Zach "Common sense naman diba, sino ang taong may gusto na maikasal sa taong hindi niya naman kilala"sabat niya naman dito "But you agree to be with me right now?" tanong nito habang mariin na nakatingin sa kanya "As if may choice ako"pagsusungit niya dito "I think mali ang sabi ng mama ko that you are kind" sabi naman nito "Yes, tama ka. And FYI masungit ako at mahirap pakisamahan kaya ngayon palang umatras ka na sa kasal" nakangising turan naman niya. "Well, I dont want to hurt my mom. She is expecting this marriage thing. How about ikaw nalang ang umatras"tinig nito habang magkasalikop ang kamay sa ibabaw ng mesa. "No way, ayokong masira ang image ko" salungat niya naman dito "Then, that's explain everything. Mukhang may magaganap na kasalan sa pagitan natin after one month"cold na saad nito Magsasalita pa sana siya ng biglang lumapit na ang waiter dala dala ang kanilang order. Kaya nagsimula na silang kumain ng tahimik at walang kibuan. Marami agam agam ang naglalakabay sa isip niya. Habang si Zach naman ay lihim na napapangiti sa isip niya. Tama nga ang ina ni Shan may angking kasungitan ang dalaga pero mahahalata mo parin na mabait ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD