Chapter 4

792 Words
Kinabukasan as usual maaga siyang nagtungo sa taping sites. "Cut! okay good take. Wrap up"sigaw ng kanilang director "Congratulations" bati ng mga crew since it's another achievement for them. "Miss Shan, papicture po" ani ng isang fans sa kanya "Sure" malugod na pagpayag naman niya. "Maam, bihis na po kayo, after daw po dito deritso na tayo sa restaurant para sa after party" paalala sa kanya ng kanyang P.A. Napuno ng tawanan ang buong restaurant. Panay ang kwento ng kanyang mga ka-co-actors habang siya ay mataman lamang na nakikinig. Well, aside sa tahimik siyang tao wala rin naman siyang magandang maikikwento. Maya-maya ay nilapitan siya ng kanyang P.A na nakaupo sa kabilang mesa kasama ang iba pang crew. "Maam, tumawag po yung mama niyo, kailangan niyo daw pong umuwi ng maaga kasi may bisita daw po kayong darating" bulong ng kanyang P.A. "Sino daw" tanong niya naman dito "Hindi po sinabi eh" sagot naman nito. Kaya naman hindi na niya pinatapos ang party at nagpaalam na siya sa kanilang director. Nahiya pa nga siya kasi siya pa ang mauunang umuwi sa lahat. "Oh, nandyan ka na pala, maghanda ka na kasi darating yung kaibigan ko kasama yung pamilya dito sila magdi-dinner" balita naman sa kanya ng kanyang ina " Okay po" sagot naman niya at dumeritso na sa kanyang kwarto. Napapantastikuhan siya sa kilos na ina dahil ito ang unang beses na nag invite ito ng bisita sa bahay nila mukhang special ang taong darating. "Shan, baba ka na daw sabi ng mama mo" katok ng kanilang kasambahay sa kwarto niya "Opo, bababa na po after ko mag ayos ng buhok" tugon naman niya. Habang pababa ng hagdan ay naririnig na niya ang iba't ibang boses na nanggagaling sa kanilang sala. "Wow, you had a beautiful house hah" tinig ng isang babae habang papalapit si Shan sa kanyang ina na may kausap na babae, pakiwari niya ito ang kaibigan ng kanyang ina. "Salamat, ito nga pala ang panganay ko si Shan isa na siya Artista ngayon"pakilala sa kanya ng ina sa kausap nito "Hello po, nice meeting you po" bati niya naman dito "Oh, hi, you're so pretty" puri naman nito sa kanya. " Halika, kain na tayo. Doon na lang natin ituloy ang kwentuhan sa hapag mukhang nandoon na ang mga na sila" yaya naman ng kanyang ina Pagpasok niya ng kusina naabutan niyo doon ang isang may edad na lalaki at isang bata na nakaupo na, mukhang inaantay nalang sila. Gusto man niyang magtanong sa ina pero hindi na niya binalak, mag aantay nalang siya na magkusa ang ina na ipakilala ang mga ito. "By the way, Shan this is my husband Anton and my only child Zachary Ashton"pakilala ng ginang sa mga kasama dito "Hi iha, it's nice to meet you" bati naman sa kanya ng asawa nito na ginantihan niya naman ng ngiti at bahagyang pag yuko ng ulo, habang yung anak nito ay deadma lang na nakatingin sa kanya. "Upo na tayong lahat" ani naman ng kanyang ina Umupo siya sa harap ni Zachary at nagsimula ng kumain ng tahimik habang ang kanilang mga magulang ay panay ang kwentuhan ng mga ganap sa buhay nila. Pakiwari ni Shan ay hindi maingay na tao si Zachary. Nagpatuloy siya sa pagkain ng bigla siyang mabulunan dahil sa isiniwalat ng ama ni Zachary. "Kailan nga pala ang balak niyong date para sa kasal ni Shan at Zach?" pagpapalit topic ng ama ni Zach na si Mr. Anton "What? Ano pong kasal?" hindi na niya napigilang sumabat "Anak, napag usapan namin noong nakaraan na maging mag asawa kayo ni Zach dahil iyan ang nagpagkasunduan ng inyong mga ina noong nag aaral pa lang sila sa highschool" sagot naman ng kanyang Ama na si Mr. Nestor "Pa, naman hindi po ba dapat ako nagdedecide sa bagay na yan?"pagtutol niya naman "Pinal na ang desisyon namin, at wala ka ng magagawa doon"sabat naman ng ina niya "No, ayoko! I am not yet ready to settle down. 20 years old lang po ako" pahayag niya naman. Nag walk out siya after niya sabihin yun. Sumusobra na ang mga magulang niya sa panghihimasok sa buhay niya. Ayaw niyang makasal sa taong kakakilala niya pa lamang, sa isang Zachary Ashton pa na sa kalkula niya palang kanina ay hindi madaling pakisamahan. Dumeritso siya ng kwarto at nagkulong. Doon niya ibinuhos ang galit at frustration niya. "It seems that mahihirapan tayong na mapapayag siya" putol naman ng ina ni Zach sa kagahimikang bumalot dahil sa ginawa ni Shan. "Pasensya na balae at Zach nabigla lang si Shan. Kakausapin ulit namin siya sa susunod na mga araw." hinging paumanhin naman ng ina ni Shan sa pamilya Mendez "I understand tita" assure naman ng binata sa ina ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD