Chapter 3

430 Words
"Good morning to all our supporters out there!" masiglang bati ng host sa reality show kung saan sila ang guest. "Woah!!!!" sigawan ng mga audience "Its another sabado night with you, welcome sa ating show, Pinky Share with Ate Pinky Villa" ani ng magiliw na si Miss Pinky na siyang host sa reality show na nabanggit. " Ngayon kasama natin ang mga paborito niyong artista na bubuo sa ating inaabangang pelikula na bibida na naman sa inyong mga puso ang The rise of a new star, guys imbitahan niyo na ang ating mga kapinky share" anyaya ng host sa kanila Masigabong palakpakan naman ang ibinigay ng mga nasa audience. "Yes, thank you Miss Pinky for having us tonight. Mga kapinky share iniimbitahan po namin kayong manood ng aming pelikula sa darating na December" panimula ni Alexa, isa sa character na gaganap sa pelikula. "Samahan niyo po kaming umiyak, mainis at mainspire sa kwento ng The Rise of a New Star sa ating mga sinehan." segunda naman ni Matteo isa ring artista sa pelikula " Kasama po namin dyan ang ilan sa magagaling na aktor at aktress sa industriya. Gaya nila Ms. Alexa, Matteo Santos, Ms. Olivia, Mr. Arthur, my leading lady Ms. Shan and yours truly" pahayag naman ni Anthony Garcia "Ofcourse it is directed by Direct Judy Perez" pagtutuloy naman ni Shan sa sinabi ng kanyang kapartner sa movie "Ayan, suportahan po natin sila sa darating na pasada-pelikula ngayong December, magbabalik po ang ating programang Pinky-Share"ayon naman sa host na si Miss Pinky After ng guesting nila ay dumeritso na si Shan pauwi kailangan niya magpahinga ng maaga dahil bukas ang last taping nila sa pelikula. "Kuya Natoy deritso na po tayo sa bahay" utos niya sa kanyang driver na si Mang Natoy "Sige po maam" tugon naman nito Naglagay siya ng earphone at naghanap ng magandang tugtog sa spotify pagkatapos ay humilig sa upuan at natulog na. "Maam nandito na po tayo" mahinang tapik ni Blessie kay Shan upang magising ito na agad din naman nagdilat ng mata. "Thanks, pakidala nalang ng mga gamit sa room kung saan inilalagay ang mga gamit ko sa taping" pupungas pungas niya sabi sa P.A. niya "Yes, maam ako na pong bahala dito" pagsang-ayon naman nito sa kanya. Agad siya umakyat ng kanyang silid para makapagpahinga. Kailangan niya ng lakas sa huling araw ng taping sure siyang may celebration na naman after nito since nakagawian na nila ang ganun na tuwing may natatapos na pelikula ay nagsicelebrate sila kasama ang lahat ng staff and crew na naging bahagi sa paggawa ng storya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD