"Good morning Miss Shan" bati sa kanya ng kanyang P.A. pagkababa niya ng sala nila.
"Good morning too" balik na bati naman niya dito
Nakita niya nakahanda na lahat ng gagamitin nila para sa taping niya sa araw na iyon. Sa beach ang scene nila ngayon kaya need nilang umalis ng maaga since sa isang beach sa Batangas ang kanilang location. Habang binabagtas nila ang papuntang Batangas ay nagbabasa naman siya at kinakabisado ang kanyang lines sa script. Ganyan ang laging ginagawa niya para pagdating sa taping sites ready na siya at less hussle din sa director and fellow actress and actor niya.
Since maaga silang dumating sa location ay naglakad-lakad muna siya sa dalampasigan ng beach. Maganda ang napiling site ng kanilang location manager halatang nagresearch ito. Anyway, wala pang masyadong tao dito aside sa mga crew. Ng mapagod siya ay bumalik na siya sa nakahandang tent para sa kanya, standby na siya to get ready ng biglang pumasok ang kanilang director at mukhang may sasabihin sa kanya.
"Bilib talaga ako punctuality mo miss Shan, you always come early."puri na kanilang director sa kanya
"I do believe that time is precious" maikling tugon na lang niya dito.
"Sana lahat ng artista kagaya mo, tiyak madaling matatapos ang taping, by the way I just came to check you. Did you memorize your lines?" tanong nito sa kanya.
"Yes direct" sagot naman niya
"Good, balik na ako sa labas. I need to have a briefing with the staff" paalam nito sa kanya na tinanguan na lamang niya at binalik ang atensyon sa kanyang cellphone.
Hindi rin nagtanggal at nag start na yung scene niya.
"Ow, what a small world you're here Samantha" litanya ng kanyang kaeksena
" Yes, what really a small world, tama ngang maraming hipon sa dagat" bato naman niya ng kanyang linya dito
" Anyway hindi ka parin nagbabago you're still the same Samantha during our highschool days. Hindi mo parin ako matalo when it comes sa pagandahan ng katawan maybe thats's the reason why you're afraid to wear bikinis?" pangungutya nito sa kanya
"Yes, but look kahit hindi ko ibalandra ang kaluluwa ko, we cannot hide the fact that I'm more gorgeous than you" tugon niya dito sabay smirk na nagpapatulala sa kaeksena niyang babae.
"CUT! okay good take, retouch tayo for the next scene" sigaw ng kanilang director.
Nagngitian naman sila ng kanyang kapwa artista bago bumalik sa kanya kanyang tent.
Gabi na ng matapos ang kanilang tapung kaya sa halip na bumyahe pa pauwi ay napagdesisyonan nalang nila na mag overnight sa isa sa mga hotel sa nasabing beach resort. Pagod ang lahat ng crew maging silang mga artista, maraming scenes din ang ginawa nila kaya nakakadrain talaga ng energy. Bukas na lamang sila babalik ng Maynila tutal naman ay wala silang schedule for taping since mayroon silang guesting sa isang reality show to promotes their upcoming movie. Sa hapon pa naman iyon kaya may oras pa sila to go back.
Pagkatapos maglinis ng katawan ay nahiga na si Shan na agad ding ginupo ng antok dahil sa sobrang pagod.