Maaga pa ay dumaan na si Tess sa condo niya upang sabay na sila pupunta sa Turtle beach. Isang oras rin ang byahe papunta sa naturang resort kaya natulog na muna siya sa habang nasa byahe sila. "Hoy gurl, gising na andito na tayo!" Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata. Namangha siya sa ganda ng beach. The different rock formations caught her attention. Dahil sabado ngayong araw ay marami rin ang naroon sa beach. Ang pinakamalaking cottage sa beach ang nirentahan nila. " Jam c'mon let's change. I can't wait to swim!" saad ni Tess. Hinila na siya nito patungo sa comfort room. Excited din naman siya kaya hindi na siya tumanggi rito. Napakasexy ni Tess dahil hinandaan talaga nito ang Team building nila ngayong araw. Black two piece ang suot nito at tila mas lumabas ang kaputian n

