Maaga siyang naghanda kinabukasan dahil isasama raw siya ni Luke sa airport. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nila doon. He is her boss kaya she needs to adhere without any questions. Narinig niya ang busina ng kotse nito kaya madali siyang lumapit at sumakay sa likod. Nagtaka siya dahil nakasakay sa frontseat si Carla. "Hi goodmorning boss, goodmorning ma'am Carla!" bati niya sa dalawa. Binati rin siya ng mga ito. Napasimangot siya nang makitang magkahawak kamay ang dalawa. At nakasandal pa ang ulo ng babae sa balikat ni Luke. "Bad Morning!" wika niya sa sarili. "I will miss you Luke!" narinig niyang malambing na sambit nito kay Luke. Parang naramdaman niyang biglang uminit ang mukha niya sa narinig. Aalis pala si Carla pero bakit isinama pa talaga siya ni Luke. Para saktan s

