"Manong driver, sa St. Ignacious church po tayo. Ibalik n'yo po ang sasakyan, sa may kanan po tayo lumiko!" saad niya sa driver nang mapansin na ibang daan ang tinatahak nila. Ngunit patuloy paa rin ito sa pagmamaneho. Hindi na niya maiwasang kabahan. "Manong! Manong naririnig niyo ba'ko?" Hinawakan niya ito sa balikat. Itinigil naman nito ang bridal car. "Adrian?" naibigkas niya nang makilala ang driver. "I'm so sorry Jamilla?" Naramdaman niyang may pumasok sa kotse at may inilagay itong puting panyo sa ilong niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. -------------- Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata nang maramdamang may humahaplos sa kanyang mukha. Pakiramdam niya'y matagal na panahon siyang nakatulog. "Chase?" tanong niya nang makita ang maamong mukha ng binata n

