Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil gusto niyang tumulong kay Manang Lorna na mamitas ng mga sariwang gulay sa hardin. Tumayo siya at nakitang nakahimbing pa rin si Chase. Sa bawat titig niya sa mukha nito ay hindi niya maiwasan na isipin ang mga anak. Parang pinagbiyak na bunga ang mukha ng mag-aama. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. "Kung hindi lang masalimuot ang sitwasyon natin Chase, baka magiging masayang pamilya na tayo ngayon. Pero hindi bato ang puso ko . Alam ko ang pinagdaanan ni Luke para makuha ako." Nang mahismasan ay pumanhik na siya sa baba at nakita na handa na rin si Aling Lorna. Hindi na muna siya naligo dahil alam niyang mababasa rin lang siya ng pawis mamaya. Siya na nagbuhat ng basket habang ang matanda ay binubuhat ang pagkain ng mga m

