Eyes that finally met

4477 Words
Dark night, with shining moon .. Drystan is still walking on the side of the road to find the man who now owns his heart. Even though it was getting cold he still continued to walk.  "Kung maliit lang ako, baka kalahati na ng lugar na ito ang nalibot 'ko. Tss" Paano ba naman, he had no money or anything. He will not be able to ride even a taxi or tricycle. Pupuntahan niya kasi ang plant shop kung saan niya nakita ang lalaking pinangakuan niya. Si Caelum.  Na sa kaparehong oras ay mahimbing na natutulog kayakap ang unan nito. Hindi siya sigurado kung siya nga ang kailangan niya hanapin ngunit pakiramdam niya, siya talaga ito. Lalo na nang makaramdam siya ng kakaiba ng tignan niya ito. Ngunit sa kasawiang palad, hindi niya na maalala ang pangalang itinawag sa lalaking iyon. At hindi niya na tanda ang mukha nito masiyado. All he remembered was, it was just the right height. Pretty long hair that is up to his eyebrows, intense eyes, straight nose, and shaped lips. "Ang alam 'ko, kakanan ata eh. Kasi nung binuhat ako ng mga bulaklak, kumanan ata 'yun? Ahh ewan."  He went to the right and walked again. Dumadami na ang buildings na nakikita ni Drystan kaya pakiramdam niya, tama ang tinahak niyang daan.  Tuwang tuwa itong pumunta sa harapan ng plant sop ngunit patay na ang mga ilaw at sarado na.  "Okay.. what the hell?" Drystan sighed. This is the only place where he hopes he can find the man his heart is looking for.  Ayaw lumayo ni Drystan, baka kapag umalis siya sa shop na ito ay lalong tatagal ang paghahanap niya kay Caelum. Kaya tinitigan niya lang ang shop at nag iisip kung anong gagawin niya ngayon na sarado ito.  Saktong may duman na lalaki, agad niya itong kinausap. "Ah.. ano, hello.. alam mo ba kung kanino ang shop na'to?" Tumaas ang kilay ng lalaki sa pagtataka pero agad din niya itong sinagot. "'Yung plant shop? Oo.. kilala 'ko 'yung may-ari niyan. Bibili ka ba?" Hindi alam ni Drystan ang isasagot. "Uhm, o-oo sana" "Eh bakit sa gabi ka pumunta?Well, kakilala 'ko lang ang may ari ng shop. I don't know her a lot but I think she close her shop ten in the evening. Pero hindi 'ko sure kung kailan nag bubukas, i-try mo bukas. Mga after lunch" tumango si Drystan. Her.. kung ganoon tama nga siya ng pinuntahan, dahil babae rin ang kumuha sa kaniya nang mapunta siya dito. "Alright, thank you.." "No problem" the man smiled, umalis na ito.   And that man is Vito. On his way home to his dorm. If only Drystan knows... Again, Drystan took a deep breath. He didn't know what to do, so he just sat in front of the shop.  Pinaglalaruan niya ang mga langgam na katabi niya lang. Pinalutang lutang niya ito at hinilo. Ang mga langgam naman na may dalang pagkain ay tinatanggal ni Drystan sa uluhan ng langgam.  As he sat there for over an hour, teenagers that pushing a kariton passed by and looked at him. Drystan wonders why the young traders and the old man with them are staring at him.  Kumunot ang noo ni Drystan nang lapitan siya ng mga batang nangangalakal.  "Eto kuya.." inabutan siya ng karton ng isang batang lalaki. "Ah.. a-ano 'yan?" "Higaan ho, malamig ang sahig. Para hindi kayo matulog ng naka-upo" sabi nito. Tumaas lang ang kilay ni Drystan. Sa isip niya, nagmumukha na pala siyang pulubi sa pag-upo niya sa harap ng plant shop.  Ngunit tinanggap niya rin ang karton na binigay nito. "Anong pangalan mo?" "Pato ho" "Salamat Pato" tumango lang ang bata tsaka bumalik sa tinutulak na kariton at umalis na. "Damn.." Inilatag niya ang karton at umupo doon, hindi namamalayang nakapikit na at natutulog. Walang kamalay-malay na nakahiga na siya sa harap ng plant shop. MORNING CAME, Caelum woke up and prepared for his entry into his work. He had breakfast first and then took a bath and got dressed. He tidied up for a while and left his dormitory, of course, he's with Vito. They always come in and come home from work at the same time.  "A-absent sana ako, pero minumulto ako ng pera. Huwag daw ako tatamad tamad" tumawa si Caelum sa sinabi ni Vito.  "Kung puwede lang talaga humiga-higa nalang tapos pag tayo mo may pera kana agad noh? Agh, wala eh. Pawis muna bago money" tumango si Vito. "May pointless ka" "Tss" Nakarating na sila sa cafe at sinimulan na ang trabaho palang. Dahil umaga pa lang, konti palang ang costumer nila. Ngunit nang pumatak ang alas-dose ay dumami nanaman ang kanilang costumer. Hindi na sila nagkaroon ng pahinga dahil hanggang hapon ay labas pasok ang mga tao sa cafe.  NOONG UMAGA,  Ginising ng isang babae si Drystan na mahimbing na natutulog sa tapat ng plant shop. "Ano ba!"  "Uhm, excuse me lang po sir.. Magbubukas na po kasi ako ng shop 'ko?" Biglang napadilat si Drystan sa narinig at napa-upo. "Ah- eh.. p-pasensya na" hiyang hiya ito sa babaeng nasa harap nito. Kinuha niya ang karton at lumayo sa harap ng shop. Naka tingin lang ito sa babaeng binubuksan ang shop at nag aayos. Ilang minuto ring nakatulala si Drystan sa harap ng shop. Hindi siya nagkamali ng pinuntahan, eto nga iyon. Dahil kaparehong babae ang kaniyang nakita noong nakita niya ang lalaking responsibilidad niya ngayong protektahan at bantayan.  'Murder ba ang babaeng ito? Bakit ang dami niyang halaman sa lugar na ito? Pati bulaklka narin. Kidnapper na, murder pa. Hindi ba namamatay ang mga halaman at bulaklak dito? Ganito pala itsura nya sa malapitan.' Ilang oras lang ay pinagpasyahan ni Drystan na kauspain ang babaeng nagmamay-ari ng plant shop na ito. Pinagpagan niya ang sarili at nag ayos bago pumasok. Naka ngiti lang ang babae nang makita siyang pumasok. "Uhm, hi, hello. Gusto 'ko lang sana mag tanong" "Oh, okay, sure" sagot ng babae na si Grace. "Noong nakaraang araw ay parang may bumili dito na isang grupo? Kakilala mo ata? Napadaan lang ako no'n nakita 'ko lang hehe" hindi niya alam paano itatanong kung taga saan ang lalaking hinahanap niya na si Caelum. "Oh.. right, they're my ex-workmate. They're my friends, so.. anong meron sa kanila?" tanong ni Grace. "Uhm, may isa doon na kailangan 'ko makita? I really need to meet him. I don't know his name, place or anything. Kaya nandito ako dahil dito 'ko siya naalalang nakita, I'm hoping to know his place from you" "Ah, sige pero why? It's dangerous na this days to give someone's place"  "Ano ako.. related ako sa lalaki na iyon, ayon. Related ako sa kaniya" Drystan doesn't know if he is lying that he's related to Caelum or not because they are connected. "Alright, how come?" "Ano.." naiinis na si Drystan sa dami ng tanong ni Grace. "Second cousin, kailangan 'ko lang talaga siya makita so please?" "Okay, sino ba sa mga kaibigan 'ko na 'yun?" "'Yung pinaka tahimik, diba tatlo silang lalaki? isa ang madaldal tapos ang isa naman ay ang bumili ng halaman sayo? 'Yung isa doon na tahimik lang"  That's right. The three men that Drystan refers to were Vito, Jorge, and Caelum. Vito was the talkative and Jorge are the one that bought a plant from Grace. "Okay, I think that's Cae- oh no. Are you sure you're related to him? Baka you gonna hurt him ha" "What? Why are you thinking that?" "Caelum just encounter a holdaper last three days. Baka you gonna-" "Caelum? Caelum is his name?" napa takip bibig naman si Grace. "Ugh, stupid" "Someone tries to hurt Caelum?" Grace nodded "Oo, I feel sorry for him." "Tell me his place." kumunot ang noo ni Grace. "Are you sure na you're not a bad person?" "Y-yeah" "Okay.. I don't know his place" tumaas ang kilay ni Drystan. "Ha? Ano?! Kaibigan mo hindi mo alam ang bahay?" Drystan sighed disappointedly. "Well, mister. He and my other friend moved so I don't know already. But I will give you the information, he's working in a cafe. The cafe's open until eleven or twelve in the evening. You can ask them about Caelum" Hindi makapaniwala si Drystan na Caelum ang pangalan ng lalaking nag mamay-ari ng puso niya. Sa tuwing naririnig niya ang pangalan na 'yun ay parang kinikiliti ang kaniyang tiyan.  "Where's that cafe?" "Sa Ganimeda, tapos diba may mga building doon marami kang makikitang restaurant pero sila ang nag iisang cafe. You knows na 'yun" ngumiti lang si Grace. Gutso tuktukan ni Drystan ang babae, anong alam niya sa lugar ng mga humans? "Ah ganon? Saan ba 'yun? Bago lang ako sa lugar na ito." "May makikita kang sign, Diba Callisto 'to? Pag labas mo ng Callisto may makikita kang banner ng Ganimeda at malaking statue pagka pasok mo doon. Hindi naman kalayuan kaya mahahanap mo rin ang Cafe" tumango si Drystan kahit walang naintindihan. "Anong pangalan ng cafe?" "Aroma Mocha Cafe" napakunot si Drystan."Eh? For real?" "Yeah, why?" "Wala naman, sige miss alis na ako. Thank you sa information" Lumabas na kaagad si Drystan at hinanap ang labas ng Callisto. Mabuti nalnag at may sign ang bawat daanan. Naka tingin siya ngayon sa isang sign na may nakalagay na Fifteen minutes to go Ganimeda  "Aghhh, ang sarap mag mura" bulong nito at ipinaikot ang ulo sa sobrang pagod mag lakad. Ilang minuto siyang naglakad papunta sa Ganimeda at nabuhayan nang makita niya na ang banner at ang statue. Pupunta kasi sa isang city na walang pera, si Drystan lang ata makakagawa no'n. May kapangyarihan nga, wala namang pera.  Tuloy tuloy lang siyang naglalakad. "Pwede namang lumaki nalang ako kapag kinakailangan na ako ni Caelum diba? What the hell universe" He went to Ganineda with mad eyes and frowned forehead but it disappeared as he saw a cafe with Aroma Mocha sign in it. Dali dali siyang tumakbo at muntik mabangga sa sobrang pag mamadali. Nakikisama ang mga bulaklak sa paligid sa kasiyahan ni Drystan. Sinalubong siya ng guard "Good afternoon sir" "Yeah" Pumasok na ito sa magandang cafe, maraming quotes sa paligid. Ayos na ayos at medyo tahimik kahit maraming tao. Umupo siya sa isang table. May lumapit na isang waiter sa kaniya. "Good afternoon sir, can we take your order?" "Caelum" nagtaka naman ang waiter nang sabihin ni Drystan ang kapangalan ng katrabaho niya. "Po?" "I mean I'm here for Caelum, uhm.. do you know where is he?" "Sorry sir but this is a café, if you're looking for staff then you can wait later or just message the staff to be exact... Caelum" Drystan frowned. "Sorry I don't have any contact with Caelum, I just really need to see him. Why do I have to wait for later?" "Sorry again sir, but we're working. Caelum just left, he will come back anytime. So I'll leave you here sir" napailing si Drystan lalo na nang makita niya ang sign na. Only costumer can seat "Edi wow" Lumabas nalang siya at napagdesisyunan na sa labas nalang hintayin si Caelum. Kinakabahan siya, ilang metro lang ang layo niya sa lalaking kailangan niyang protektahan. Malapit na sila magkita. Saktong paglabas niya ay nakasalubong niya ang isang lalaking naka jacket at sumbrero. Being a stranger, they didn't look at each other. Lumampas na si Drystan sa lalaking iyon at tumayo katabi ng isang halaman sa harap ng café. Walang kaalam alam ang flower fairy na nadaanan niya na ang hinahanap niya. "May naghahanap sayo" sabi ng katrabaho ni Caelum. Tinanggal ng binata ang jacket at sumbrero upang makapag trabaho ulit. "Ha? Sino naman?" Hindi alam ni Caelum kung sino iyon, aside sa mga ka-trabaho niya.. wala na siyang ibang kakilala na pwedeng hanapin siya. "Hindi 'ko alam eh, kakalabas lang. Baka nagkasalisi kayo" "I don't have any idea who is it" "Wala daw siyang contact sa'yo eh, mamaya mo na isipin 'yun. Ang daming tao, kailangan ka na" tumango si Caelum at bumalik sa pag ta-trabaho. Habang si Drystan naman ay nasa labas parin ng café. Hinihintay ang lalaking kanina pa nakapasok. "Damn, saan kaya pumunta ang batang 'yun? Ang tagal naman bumalik" Naiinip na itong nakatayo. Sumapit na ang hapon at wala parin siyang nakikitang Caelum na pumasok. "Ano ba 'tong anak niyo Celena.." bulong nito at nag lakad lakad nalang muna sa sobrang kainipan. HOURS LATER, Napagpasyahan niya nang bumalik sa Café dahil baka bumalik na si Caelum. Bago makabalik ay may nakabangga siyang magkakaibigan. "Ay hala sorry po" sabi ng babae. "She's familiar" Drystan thought. Napatingin siya sa mga lalaking kasama nito na nanghihingi rin ng pasensya. "Ah, okay lang. Sorry din" "Sorry po talaga" "Alright alright" yumuko nalang sila at linagpasan ang isa't isa. Tsaka bumalik si Drystan sa café. Nakita nitong konti nalang ang tao dahil hapon na. Lumapit siya ulit sa lalaking waiter na lumapit sa kaniya kanina. "Ah bumalik na ba si Caelum?" "Hay nako sir, saktong pag alis niyo kanina ang pagbalik ni Caelum. Ngayon kaka-alis lang nila kasama ang ibang staff ng cafe na ito. May I know who you are? Para masabi 'ko if every dumating na sila?" "Uhmm, I can't tell you.." "Shuta naman, nag kasalisi kami ni Caelum. The heck, deities? Pinag lalaruan mo ba ako?" "Ah pwede ko ba malaman kung saan sila pumunta?" "I don't po sir eh, free time po nila ngayon. Nag miryenda siguro sila, baka po sa mga fastfood sila pumunta" tumango si Drystan. "Thanks" Nagmadali siyang lumabas ng Café. "Tulungan niyo ako hanapin si Caelum" bulong niya sa hangin at nagsi liparan ang nga bulaklak at halaman. "Ay nako ano ba 'yan ang lakas ng hangin" "Uulan ba?" "Teka napuwing ako!" "Ang daming dahon na lumilipad!" Tumakbo si Drystan para tignan lahat ng fastfood na katabi ng Café ngunit wala siyang naramdamang kakaiba sa puso niya. Inaasahan nitong kapag nakita niya si Caelum ay mararamdaman ito ng puso niya gaya ng unang lag kikita nila. Noong maliit na nilalang palang si Drystan. Sinusundan niya bawat bulaklak na lumalapit sa kaniya. Habang dumadaan siya kada fastfood ay kusang bumubukas ang pinto upang matignan ni Drystan kung nandoon ang nag mamay-ari ng puso niya. Ngunit wala talaga. Inabot na siya ng ilang oras sa paghahanap kay Caelum. Naiinis na siya. Muli niyang nakita ang mga magkakaibigan na nakabangga niya kanina. "Hey.. uhmm." "Oh ikaw ulit? Hi!" sabi ng babae, siniko siya ng kasamahan niyang lalaki. "Helllo—" "Kilala niyo ba si Caelum?" "Uhm opo?" sagot ng isang lalaki. "Do you know where he is?" "Kasama po namin siya kanina pero may bibilhin pa daw siya sa palengke—" Hindi pa natatapos ang babae ay tumakbo na kaagad si Drystan patungo sa palengke. "Bastos 'yun ah, alam niya ba kung saang part ng palengke?" "Kaano-ano naman siya ni Cae?" Humingi ng tulong si Drystan sa nga insekto sa paligid upang mahanap si Caelum. Sinundan ni Drystan ang isang bubuyog. Hindi siya nagtitiwala sa bubuyog na iyon pero kailangan niya na mahanap si Caelum. Unti unti na siyang nagtitiwala sa bubuyog nang makakita na siya ng maraming tao at iba ibang tindahan. Sa isip ni Drystan, ito na ata ang palengke. Sinundan ni Drystan ang bubuyog na pumunta sa tindahan ng mga gulay. Tumigil sandali si Drystan, sa tingin niya ay nandito si Caelum. Siyang tunay, nandoon nga si Caelum. Ngunit mapaglarong tadhana, si Drystan ay linilibot ang paligid habang si Caelum ay nakasakay na ng tricycle. Lumapit ang bubuyog kay Drystan. "What? What did you said?" Drystan frowned when he heard the bee. "Are you saying that— what the hell!!" Nalaman niyang naka alis na si Caelum kaya dali dali siyang bumalik sa Ganimeda. Pawis na pawis na ang flower fairy na dumating sa Ganimeda at ngayon ay naglalakad papunta sa café. Hingal na hingal itong naglakakad, hindi siya masiyadong malakas ngayon dahil wala pa siyang kain mula ng gumising ito "You know what deities, I'm willing to fulfill my promises. But you're making fun of me, saya kayo diyan?" Napailing ito, thinking that deities are making fun of him just like how he made fun of every insect in the forest he lives in. It's sunset when he arrived. He saw the cafe turning its light on. For the last time, he asked the waiter again. "Is... Is Caelum here?" "Have a sit first sir, Parang isang suntok nalang mahihimatay na kayo" sabi ng lalaki. "Are you saying that I'm weak?" "Wala ho akong sinasabing ganiyan, eto pagkain drinks. Rest muna sir" "Wala akong pera pambayad, take it off" "No need, my treat sir. Sahod po kasi namin hihi—" "I don't care, All I need to see is Caelum." The waiter sat infront of Drystan. "Sir, kain muna kayo bago 'ko sabihin" Tinaasan ni Drystan ng kilay ang lalaking waiter na 'yun. "Hindi ako pumapatol sa lalaki." "Grabe ka naman sir, may girlfriend po ako" "Better to be sure" the waiter chuckled and Drystan ate the food that the waiter gave. "I'm Mike po, friends ni Caelum. Kaano ano ba kayo ni Caelum at parang gustong gusto niyo na siya makita? Tatay niya po ba kayo?" "Excuse me?! Sa guwapo 'kong 'to?" "Nag bibiro lang po ako, mukha kayong college student kaya hindi kayo mapagkakamalang tatay ni Cae. Don't worry, so kaano ano niya nga kayo?" "Friend too" "So sir, umuwi na po si Caelum kanina pa" Drystan eyes widened. "WHAT?! BAKIT HINDI MO SINABI AGAD?!" "Pasensya na sir, before you leave again pahinga muna kayo. Parang ayaw ng mundo pagtagpuin kayo eh. Kanina mo pa siya hinahanap pero para kang tinatakasan ni Cae" Mike chukled. "Where can I find Caelum? Saan siya nakatira?" "Hindi po namin alam 'yan sir, 'yung ka-dorm mate niya lang po may alam" Drystan rolled his eyes. "Siyempre dorm mate nga diba, magulat ka dorm mate niya hindi parin alam kung saan nakatira" Mike laughed. "Wait niyo nalang po 'yung dorm mate niya, si Vito" Drystan nodded and continue to eat. Habang kumakain si Drystan ay nakita niya ang patong-patong na babasaging plato. Mahuhulog na sana ito at mababasag ngunit gumalaw ang daliri niya at aksidenteng nagamit ang kapangyarihan. "Hayst.." bulong ni Drystan at ibinalik sa dati ang mga plato ngunit sa mas maayos na puwesto upang hindi mahulog at mabasag. MINUTES AFTER, Dumating ang isang lalaki na may dalang bag. "Mike! Uwi na ako!" "Sige— ay wait!" lumapit si Mike kay Drystan. "Vito! Isama mo si sir! Kanina pa niya hinahanap si Cae, kaso laging di nag kikita" Vito and Drystan frowned as they saw each other. "Ikaw?!" gulat na sabi ni Drystan. "Kilala mo si Vito, sir?" "Hindi, pero nakita 'ko na 'yan! Sa ano, sa.. kagabi! Sa—" "Plant shop ni Grace!" dugtong ni Vito. "Ay buti pa kayo pinagtagpo, si sir at Cae hindi parin eh" "Kung alam 'ko lang kagabi edi sinama na kita, dahil pauwi na ako sa dorm no'n. Nagkita sana kayo ni Caelum" Drystan tsked. "I can't with you, deities. Having fun playing with our fate?" he whispered. "Tara na, para makita mo na si Caelum" Sumama naman kaagad si Drystan kay Vito patungo sa dormitoryo nila. They ride a jeep. "Tinio, manong" sabi ni Vito. "Sa kanto?" "Opo." Tahimik kang si Vito at Drystan na nakasakay sa jeep. "I'm Vito, you know? Haha, anong pangalan mo?" "Drys.." Drystan can't trust humans. But it's just a name so.. "Drys?" "Drystan." "Ah, ang ganda ah. Kaano ano ka ni Caelum?" "Friend, common friend" Vito nodded. A.K.W.A.R.D Gabi na nang makarating sila sa dormitoryo nila Vito at Caelum. It's not that big but it's not that small either. Papasok palang si Drystan sa dormitoryo ay may nakita na kaagad siya. "There's a ghost" "A-ano?" narinig ito ni Vito. "In this dorm, there's a ghost" Normal na ito kay Drystan dahil kakaibang nilalang din siya, may mga kaibigan nga siyang kapre at duwende eh. He can also interact to ghost and spirits too as they're protecting forest from bad spirits. "T-totoo? nagbibiro ka ba?" Drystan looked at Vito. "Do I looked like joking?" "Do.. you have.. the third eye?" "What's that?" "Third eye, 'yung nakakakita ka ng mga multo?" Drystan chukled. If only Vito know. "I can see everything" "What?" "Nothing" Dumeretso nalang sila at umakyat sa taas. Nakatingin lang sa paligid si Drystan. He can see something that humans can't see. But there's nothing to be scared of, the ghost that he can see is kind. It's like a guard to the dormitory. And it's amusing, the ghost smiled at Drystan. The ghost knows that Drystan isn't human, how satisfying. May nararamdaman nanamang kakaiba si Drystan habang umaakyat sa isang palalag. "There it is" Dumeretso sila sa isang pinto, ang mabigat na pakiramdam ay nararamdaman parin ni Drystan. Parang kakaiba talaga eh, he can't explain what it is. But.. something not nice. Kumatok sa isang pinto si Vito. "Cae? Caeluuuuum! May kasama ako buksan mo pinto" "Caee!" Ilang minuto silang naghintay ngunit walang Caelum ang nagbukas ng pinto. Lalong kinabahan si Drystan lalo't may kakaiba siyang nararamdaman ngayon sa katawan. "Tulog ata o ano.." Kumatok muli si Vito. "Caelum—" "He's not there" "Ano?" "Caelum's not there.." kumunot ang noo ni Vito kay Drystan. Hindi na nag-isip pa ng kung ano si Drystan, agad na siyang tumakbo pababa. Palabas nang dorm na ito. Nang hindi na siya kita ni Vito ay binilisan niya ang kilos niya, unordinary speed. Pagkalabas niya ay bulong agad ng hangin ang sumalubong sa kaniya. He went to an empty street and start to run faster again. Tumalon si Drystan sa bubong at doon tumakbo upang makita niya ng kabuoan ang mga street. May kaba sa nararamdaman ni Drystan, nararamdaman niya iyon dahil nararamdaman ito ng lalaking takda niyang protektahan. "Caelum.." bulong nito tsaka nakita ang maraming lalaki sa isang street. Lumapit nang konti doon si Drystan at nakita niya ang mga kalalakihan na may kinakaharap na isa pang lalaki. Naramdaman muli ni Drystan ang pakiramdam noong una niyang nakita ang anak ni Rowan at Celena. 'Yung pakiramdam na parang magka-konekta kayo. Kakaiba, hindi ma explain. Now, he knows who's the man in front of the group of boys. "Caelum.." Nakita niya si Caelum na may dugo sa labi na parang sinuntok. Nakita niya rin ang isang lalaki mula sa apat na lalaking kaharap ni Caelum. May pasa ito sa mukha, mukhang lumaban si Caelum. Mukhang bumibigat ang laban dahil sunod sunod na inaatake ng grupo na iyon si Caelum. Nakita ni Drystan na may nilabas na kutsilyo ang lalaking nasa gilid ni Caelum. "No way." NAKATINGIN lamang si Caelum sa mga lalaking humarang kanina sa kaniya sa daan noong pauwi na siya. Apat ito, ang isa ay sinuntok siya ng hindi kalakasan ngunit hindi ito pinalampas ni Caelum kaya binigyan niya ito ng pasa. Kaso ginantihan siya ng kasamahan nito ng malakas na suntok. Mukhang mga adik ang ito at naghahamon ng away. "Oh ano?! Bading ka pala eh! Lumaban ka ano?!" "Laban!" Napailing si Caelum. "Ano bang kailangan niyo?" "Ano daw kailangan natin?" tumawa ang apat. "Paano kung sabihin naming pera?" "Mga tao nanamang handang manakit para sa pera" bulong ni Caelum. "May sinasabi ka?" "Oo, may sinasabi ako" "Anong sinasabi mo?" Caelum chukled. "Sabi 'ko mukha kayong pera, hindi niyo ba kaya kumita?" "Napaka yabang mo ha!" "Wala kang pake kung mayabang ako" sabi ni Caelum. Mukhang nainis doon ang mga lalaki at inatake siya. Ngayon ay kinakabahan na si Caelum. Sinipa siya ng isang lalaki bago pa siya maka laban, natamaan ni Caelum ang katabi nitong lalaki ng suntok pero na tulak agad ito ng lalaki sa likod niya at sinipa nang nakaluhod na ito. Tumayo si Caelum ngunit nasuntok siya ulit nang lalaki sa harap niya at sinikmuraan. Ngayon ay namimilipit si Caelum sa sakit. "Ahh.." "Puruhan mo na!" "Huwag mo na 'yan buhayin ah!" "Tignan mo 'yung bag, uy may pera marami!" "AKIN NA 'YAN!!" "Waaaah! HAHAHHAHAH!" Nakita ni Caelum ang lalaki sa gilid niya na may kinuha sa likod nito at kinutuban siya ng masama dito. Kabadong kabado na si Caelum at hindi na makapagsalita. Doon naman nagtawanan ang mag kasamahan nito "Mayabang ka ha.." sabi nito at itinaas na ang kamay para saksakin si Caelum gamit ang malaking kutsilyo. Napapikit si Caelum at hinihintay na masaktan siya sa saksak ng lalaking iyon. Laking pagtataka niya nang wala itong naramdaman na kahit ano. "Mayabang din ako, tayo nalang maglaban?" Napadilat siya sa narinig na boses. Lahat ay nagtataka sa lalaking dumating. "MAYABANG KA NGA!" susuntukin sana ng isang lalaki si Drystan nang mahawakan ni Drystan ang kamay ng lalaki at baliin ito tsaka sinipa. Sa sipa ni Drystan ay nakarating sa pader ang lalaking iyon. Gulat na gulat ang tatlong lalaki sa nakita, kahit si Caelum. Iniisip nito kung tao ba ang nasa harap niya? "At kayong tatlo?" Sinugod ng isang lalaki si Drystan ngunit agad niya itong naiwasan at tinulak sa isa pang lalaking kasamahan nito. Ang lalaki naman sa likod niya ay sinakal ni Drystan at tinapon din sa pader kasama ang kasamahan niyang lalaki na wala nang malay. Lumapit si Drystan sa dalawang lalaki at sinuntok ang dalawa hanggang sa mawalan na ito ng malay. Gulat na gulat si Caelum sa nakita. Parang hindi ito totoong lahat. Naglaho ang dugo sa kamay ni Drystan at tumayo mula sa pagkakaluhod. Pinagpagan nito ang sarili niya tsaka tumigil panandalian. Ngayon, si Caelum naman ang nakakaramdam ng mga nararamdaman noon ni Drystan. Kakaiba, hindi masabi kung ano. Bumibilis ang t***k ng puso niya kahit hindi pa tumitingin si Drystan sa kaniya. Pakiramdam ng, parang konektado kayo sa isa't isa? Nararamdaman iyon ngayon ni Caelum. "S-sino ka?" Doon ay napangiti si Drystan at tumingin kay Caelum habang nakangiti. "Hi?" tinaas niya ang kamay niya at kumaway. He chuckled. Humarap ito kay Caelum. "Ang dami 'kong ginawa para lang makita ka, pero napaka mapaglaro nila" tinuro ni Drystan ang langit. Naguguluhan si Caelum sa sinabi ng kaharap niya. "S-sino ka sabi? At bakit mo ako.. linigtas?" Unti unting lumapit si Drystan kay Caelum. "Me? I'm Drystan. And saving you is my job, I'm your protector. And you can't do anything about that, because we are.." Lumapit ito lalo kay Caelum. "Connected, we're connected by hearts" They're too close. Caelum don't know who's this man in front of them and where it from. But it saves his life. Caelum doesn't want to believe what Drystan is saying but one thing he believed. They're connected. Drystan smiles as Caelum looks so confused. He's now thinking, How could he tell Caelum that his parents had left him to Drystan? How can Drystan say he’s not human? How would he explain everything to Caelum? But one thing he loves right now, Drystan loves the way... Their eyes finally met... Drystan and Caelum's eyes finally met.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD