Alice
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata habang ramdam ko ang sakit ng aking katawan.
Bakit parang pakiramdam ko ay sinagasaan ako ng pison? Parang nilamas ang buong katawan ko.
Bigla akong natigilan ng may maalala. “May iba na bang lumamas nito?”
Totoo ba yon? Napahawak ako sa aking ulo sabay sabunot ng buhok.
Bumangon ako at nanatiling nakaupo habang pilit inaalala ang nangyari ng nagdaang gabi.
“f**k, you're a virgin?” naalala kong gulat na tanong ng lalaki ng bigla na lang akong mapaaray dahil sa marahas niyang pagpasok sa akin.
Shiiiittt… kasalanan ito ng demonyo naming manager.
“You're awake.” Napadilat ako sabay angat ng mukha, doon ko nakita ang isang lalaking kakalabas lang ng bathroom. Nakatapis lang ng tuwalya habang may tumutulo pang tubig sa kanyang katawan mula sa kanyang buhok.
Napalunok ako ng sundan ko ng tingin ang bawat patak ng tubig na bumabaybay pababa, ng pababa, ng pababa.
“Like what you see? Don't tell me nabitin ka pa sa ginawa natin kagabi.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
“How dare you!” sigaw ko sabay bato ng unan na hindi niya naiwasan. Agad iyong tumama sa mukha niya at kung hindi lang dahil sa hita at galit sa demonyo kong manager ay malamang na natakot na ako sa tingin na binibigay siya sa akin.
“You took advantage of me last night and you have the nerve to say that?” Kumunot nag noo ng lalaki habang naniningkit pa rin ang mga mata na papalapit sa akin.
Bigla, nakadama ako ng kaba. Hindi ko siya kilala at walang nakakaalam na nandito ako. Paano kung bigla na lang niya akong patayin?
Wala sa sarili akong napaurong. “Now you're scared? Pagkatapos mo akong batuhin ng unan at paratangan ng kung ano-ano?” sabi niyang nakangisi.
“You know I was drugged pero–” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya iyon.
“You're wearing a uniform. Siguro naman ay alam mo kung anong klaseng lugar ito at kung ano ang mga nangyayari dito.” Hindi ako nakapagsalita dahil totoo yon. “And how would I know? Hindi mo naman sinabi sa akin.”
“Paano ko pang masabi bigla kang nanghalik!” Biglang nag-init ang pisngi ko.
Wala siyang sinabi basta naglakad papunta sa may tokador at nagsimulang magbihis.
Nagulat na lang ako ng bigla nyang tanggalin ang towel na nakatakip sa kanya.
“Bastos!” sigaw ko sabay bato pa ng unan and that made me earn another glare from him.
Tumayo na ako at gamit ang comforter ay tinakpan ko ang aking katawan habang nagsimula na akong hanapin ang aking damit na natagpuan kong nakatupi ng maayos sa upuan na malapit sa kanya.
Problema pa ngayon, lalapit ba ako para kunin yon o hihintayin ko siyang matapos?
“Ano pang hinihintay mo? Gusto mong bihisan pa kita?”
“Tse!” angil ko sabay lakad palapit sa upuan tsaka mabilis kong dinampot ang aking mga damit.
Agad akong nagpunta sa bathroom para magbihis at lalabas na ako ng bigla niya akong pigilan.
“What?” mataray kong tanong habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya.
“Here.” Napatingin ako sa kamay niyang lumusot sa bulsa ng aking uniform at may nilagay doon. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla siyang nagsalita ulit. “I had a good time last night kaya may tip ka.”
Tip daw? Ano ako bayarang babae?
Mabilis kong dinukot ang nilagay niya at nalaman kong ATM pala yon at binato sa kanya.
“Bayad for taking advantage of me?” taas ang kilay kong tanong.
“You know that's not it. And how many times do I need to tell you, I didn't know.” May halong iritasyon ang sinabi niya pero wapakels na ako don.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at pabalik sa kanyang mukha. He's devilishly handsome, no doubt about that. But I can tell that he's way older than me.
“Hindi ka mukhang ignorante, para nga yata kitang tiyuhin eh. I'm sure na marami na rin babae ang nagdaan sa mga kamay mo at ang s*x ay wala lang para sayo. Tapos sasabihin mong hindi mo alam? Keep your money, I don't need it.”
Pagkasabi ko non ay nauna na akong lumabas, iniwan siyang tulala. Ang akala ba niya ay madadaan niya ako sa pera niya?
Oo na, sige na. Gwapo siya, maganda ang katawan at mukhang mayaman. Isama pa na nasarapan ako sa ginawa namin kagabi. Pero ang reaksyon ko ay siguradong dahil lang sa nainom ko. Tama, dahil lang iyon doon at wala ng iba.
Speaking of nainom, kailangan ng magbayad ng mahal ng demonyong manager namin.
Diretso ako sa locker namin para makapagpalit ng damit. Kailangan kong makauwi muna dahil siguradong nag-aalala na ang aking ina.
“Alice!” bulalas ng kasamahan ko. Namimilog ang mga mata niyang nakatitig sa akin. “Hinahanap ka ni manager, galit na galit.”
“Mas intindihin niya ang galit ko, manyak siya!” galit kong sabi.
“Wag sabihing–” Nagsalita ako agad kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin.
“Pero hindi siya nagtagumpay.”
“Don't tell me, ikaw ang dahilan ng bandage niya sa ulo!” nanlalaki ang mga mata na tanong niya bago napatakip ng kanyang bibig, halatang hindi makapaniwala. “Mabuti nga sa kanya, manyak siya!”
Kinuha ko na ang aking damit at nagpalit sa sulok kung saan hindi niya ako makikita. Hindi pwede sa harapan niya dahil sa dami ng chikinini sa katawan ko na nakita ko kanina. Bwisit na matandang yon, talagang pinagsawaan yata ang katawan ko.
Pagkatapos ay nagpaalam na ako para umuwi. Pagdating sa bahay ay kinakabahan akong pumasok. Malinaw kasi ang bilin ng aking ina, hindi ako pwedeng hindi uuwi ng bahay.
At sa sala nga ay nakaupo at naghihintay ang aking ina, halatang wala pang tulog. Katabi niya ang kanyang boyfriend na si Tito Lemuel.
“I-I'm sorry, Ma.” Nakatayo na ako sa harapan niya at nakayuko. Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata dahil sa kasinungalingan.
“No text? No calls? Ano, kaya mo na ang sarili mo?” Mariin akong napapikit dahil sa sinabi niya. Hindi niya ako laging napapagalitan, but when she does, siguradong tatamaan ako.
“Honey, I'm sure may dahilan si Alice.” Masamang tingin ang binigay ng aking ina kay Tito Lemuel. Madalas ay tahimik lang siya sa mga ganitong pagkakataon. Hanggat maaari ay hindi siya nakikisali kapag sinusweto ako ng aking ina. Kakamot-kamot siya ng ulo ng tumingin sa akin na tila sinasabing “pasensya na, wala akong magagawa”.
Ngumiti na lang ako na hindi nakaligtas sa paningin ng aking ina. Ayun, ang sama na din lalo ng tingin sa akin.
“Honey, responsable ang anak mo. I'm sure hindi siya gagawa ng makakasama sa kanya. Isa pa, mahal na mahal ka niya kaya sigurado din na hindi siya gagawa ng bagay na ikasasama ng loob mo.” Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Totoo naman ang sinabi ni Tito Lemuel pero ang problema, may nangyari na at sure akong sasama ang loob ng aking ina kapag nalaman yon.
Huminga ng malalim si Mommy bago nagsalita. “Ayaw ko ng maulit ito, Alice. Hindi ako nakatulog magdamag dahil sa kakahintay sayo. Ni hindi mo sinasagot ang tawag ko.”
Doon ko lang naalala, saan ko naiwan ang cellphone ko?
“Anyway, bukas ay ipapakilala tayo ng Tito Lemuel mo sa kapatid niya. Wag ka munang gumala okay?”
Mabilis akong tumango sabay ngiti na sinamahan ko pa ng dalawang thumbs up. “May announcement din kami ng Tito mo and I hope you'll understand our decision.”
“No problem Mommy. Kahit na ano pa yan, basta si Tito Lemuel ay walang problema. Kahit na magpakasal pa kayo.”
Napansin kong natigilan siya bago naluluhang tumayo at yumakap sa akin. “I love you so much, anak. Thank you for being so understanding.”
“You deserve to be happy, Mom. Masaya ako kung makikita kitang masaya,” tugon ko. Dahil sa naging reaksyon nya pati na rin ang sayang nasa mukha ni Tito Lemuel ay naisip ko na siguro nga ay may balak na silang magpakasal. At wala akong tutol doon.
Kaya naman, kailangan kong maging mukhang mabait sa harap ng aking future step-uncle. I'll make sure na magugustuhan kaming mag-ina ng kapatid ni Tito Lemuel.