Alice
Pagkatapos akong kausapin nila Mommy at Tito Lemuel ay dumiretso na ako sa aking silid.
Ang bahay na inuupahan namin ay bungalow style na may dalawang silid. Ang master bedroom ay ako ang umuukopa simula ng maging boyfriend ni Mommy si Tito Lemuel. Mas kailangan ko daw ng privacy. Para daw hindi ko na kailangan pang lumabas ng silid kung sakaling kailanganin kong gumamit ng banyo dahil may sariling toilet and bath na yon.
Sa tingin ko ay cautious ang aking ina. Mahal niya si Tito Lemuel pero mahal din niya ako at siguro at the back of her mind ay natatakot siya na baka may mangyari sa akin.
I was not allowed to wear sobrang iksing shorts or revealing na damit kapag nandyan si Tito Lemuel or kung may bisita na lalaki. Naiintindihan ko si Mommy sa bagay na yon.
Pero sa loob ng ilang taon na rin na relasyon nila, alam ko sa sarili ko na mapagkakatiwalaan si Tito Lemuel. Alam ko na mahal niya si Mommy. Nakikita ko yon sa bawat kilos at sa kung paano niya kausapin ang aking ina.
Isa pa, sa maraming beses na kahit papaano ay nakapagsarilinan kami ni Tito Lemuel, ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong kamanyakan. Or binigyan man lang niya ako ng tingin na nakakailang. Walang ganon, as in.
Mabuting example din ang aking ina. Hindi pa niya pinayagan si Tito Lemuel na matulog dito sa bahay. Napapailing na lang talaga ako kapag naiisip ko kung gaano ka-conservative ang aking ina.
Pero after ng nangyari kagabi sa akin, bigla akong napaisip. May nangyayari na rin siguro sa kanila. Kasi ang sarap ng s*x. Lalo na siguro kung ginagawa mo yon kasama ang taong mahal mo.
Shit! Ano ba tong naiisip ko. Bakit ba bigla kong naisip ang s*x life nila Mommy at Tito Lemuel?
Pumasok na ako sa bathroom at naghubad ng damit bago humarap sa salamin.
Pinagmasdan ko ang aking sarili, nakita ko na naman ang nga chikinini na bigay sa akin ng lalaking yon.
Napapikit ako ng maalala ko ang ilang eksena namin kagabi. “Ooh… my little rider…” ungol ng lalaki habang nasa ibabaw niya ako at pinipisil ang aking balakang kasabay ang pag-alalay sa bawat pagkilos ko.
“f**k, yes… like that, my little rider. Ride me all you want..”
Nakatukod ang dalawang kamay ko sa dibdib niya habang sige ang paggiling at pag-indayog ko sa ibabaw niya. Hindi ko lang matandaan kung sa pang-ilang beses na akong nilabasan ng gawin ko yon. Pero hindi ko akalain na magagawa ko ang bagay na yon.
First time ko yon! Gawain ba ng isang virgin ang umibabaw agad?
No! Dahil sa gamot na pinainom sa akin ng mamagee ko kaya naging ganon ako! Walang ibang dapat sisihin kung hindi ang manager ko!
Pinilig ko ang aking ulo at mabilis na pinalis sa utak ko ang kabaliwan ko na yon. Pumunta na ako sa ilalim ng shower at binuksan yon.
Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan ng biglang tumama sa akin ang malamig na tubig. Nagising ang buong diwa ko.
Pagkatapos kong maligo ay natulog na rin ako ulit. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Grabe naman ang ginawa sa akin ng lalaking yon.
Nang magising ako ay hapon na, wala na ang aking ina pati si Tito Lemuel. Mabuti na lang at wala akong pasok ngayon, pero kailangan kong makipagkita sa kaibigan kong si Shirley. Ngunit wala nga pala akong cellphone.
Pumunta ako sa study table ko at in-on ang aking laptop para doon na lang i-chat ang bruha. “Uy, saan ka na?”
Unang bumungad sa akin. Napangiti ako, 30 minutes ago lang ang chat. Agad akong nagtype.
“Wala akong phone, kita na lang tayo sa dati. Papunta na ako don ngayon.”
“Anong nangyari? Bakit nawala ang phone mo?”
“Sabihin ko sayo later, o siya aalis na ako.”
“Okay, punta na rin ako don.”
“Bye,” reply ko pa bago ko sinara na ang laptop at agad kong nilagay sa backpack na nasa upuan ko lang din. Tapos ay lumabas na ako ng aking silid.
Pagdating sa sala ay naalala kong mag-iwan ng note para kay Mommy. Ayaw kong mag-alala siya sa akin ulit.
Nagpunta ako sa kitchen at doon ay nakita ko ang maliit na whiteboard kung saan naglalagay ng reminder ang aking ina.
“Sweetheart, lumabas kami ni Tito Lemuel mo to buy groceries for tomorrow’s dinner.” Basa ko sa note din niya. Napangiti ako bago ko yon binura tsaka dinampot ang marker at nagsimulang magsulat.
“Mom, makikipagkita po ako kay Shirley. Dala ko ang laptop, chat ako kapag pauwi na. I love you!”
Tapos ay umalis na rin ako.
Sa PrettyCafe, nadatnan ko na si Shirly nas nakaupo sa medyo sulok na bahagi. Palagi kami dito kaya kilala na rin kami ng mga staff. Alam na rin nila na magtatagal kami dahil ganon naman talaga.
“Bruha ka, nasaan ang cellphone mo?” tanong niya agad ng makaupo na ako. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil may nakalaan ng kape sa harap ko. Pareho kaming on time, kapag nagkikita. Kaya ng sabihin ko sa kanya na papunta na ako, alam na niya kung anong oras ang dating ko at ganon din naman ako sa kanya.
“Mahabang kwento,” tugon ko.
“Handa akong makinig.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Come on, say it.”
Alam kong hindi niya ako tatantanan kaya huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang ibuka ang aking bibig. Kita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata habang dinidetalye ko sa kanya ang pangyayari.
“What!” bulalas niya.
“Pwede bang hinaan mo naman ang boses mo?” sabi ko. Sabay pa kaming napatingin sa paligid at napansin nga naming may ilang customer na nakatingin na sa amin.
“I’m sorry, nagulat ako!” tugon niya sabay ngisi. “Masarap ba?” tanong niya.
Saglit akong natigilan, inisip kung sasagutin ko ba o hindi. Shirley is my bestfriend at wala talaga akong nililihim sa kanya. “Uy, hindi ka na nakasagot dyan?”
“It feels good, She.” Mahina lang ang boses ko ngunit alam kong narinig niya dahil titig na titig na ito sa akin, halatang hindi makapaniwala.
“Eeeehhh!” tili niya.
“Hoy!” awat ko sa kanya. Napatingin na naman kami sa paligid at medyo masama na ang tingin ng mga tao. “Sorry,” sabi ko sa kanila bago pinitik ang kamay ng aking kaibigan.
“Sorry, hindi ko akalain na iyon ang isasagot mo eh.”
“Tinanong mo ako, sinagot lang kita tapos kung makatili ka dyan.” Tinikom niya ang bibig pagkasabi ko non. Tapos bigla siyang may naalala.
“Paano pala si Javier?” Doon ako natigilan. Si Javier ay aking boyfriend. Bigla tuloy akong nakunsensya dahil ngayon ko lang din siya naalala.
“It’s just a one night stand, hindi naman na kami siguro magkikita ng lalaking yon. Isa pa, hindi na ako papasok doon dahil natatakot na rin ako sa manager ko.”
“Sasabihin mo ba sa kanya ang tungkol doon?” tanong pa niya.
“Sa tingin mo ba ay madaling sabihin sa kanya iyon?” tanong ko din. Huminga siya ng malalim.
“Pero boyfriend mo siya, siguro naman ay maiintindihan niya kung-” Hindi ko na hinayaan na maipagpatuloy pa niya ang kanyang sasabihin.
“She, nagi-guilty ako sa totoo lang. But I really don’t know how to tell him about it.” Napayukko ako, ngayon ko lang narealize ang bigat ng nangyari at kung ano ang magiging epekto nito sa relasyon namin ni Javier.
“Hayaan mo na lang siguro muna sa ngayon. But make sure na sabihin mo pa rin sa kanya. If magalit siya or hiwalayan ka, siya na ang bahala. Ang mahalaga ay hindi ka naglilihim.” Bumuntong-hininga ako. May punto siya at ayaw ko rin naman magsinungaling kay Javier.
“I think kailangan ko talagang sabihin sa kanya, pero kailangan ko rin bumwelo muna.” Ngumiti si Shirley at tumango bago kami nagsimulang gawin ang aming thesis. Partner kami at sigurado akong magiging successful ito dahil pareho kaming dedicated at masipag.
Gabi na ng makauwi ako at gaya ng aking pangako ay nag-chat ako sa aking ina.
“Hi, Alice. Pauwi na ako,” sabi ni Tito Lemuel ng makasalubong ko siya sa gate.
“Bakit hindi ka na lang dito matulog?” tanong ko. Tila natigilan ito, pati na si Mommy. “Wag nyo akong tingnan ng ganyan uy. Naisip ko lang, tatlong taon na kayong may relasyon, ano ba naman yung isang gabi? Nandito ka rin naman bukas for dinner, right?”
“Anak hindi–”
“Mom, malaki na ako. Naiintindihan ko na ang mundo and I like Tito Lemuel for you.”
“Eherm,” singit ni Tito Lemuel. “Wag kang mag-alala at darating din kami ng Mommy dyan. And I really appreciate na gusto mo ako para kay Annabelle. But I want you to know na nirerespeto ko siya at ang desisyon niya kaya tanggap ko ng buo. Wala kang dapat na ipag-alala.”
Hindi ko maiwasan ang humanga sa kanya kaya naman mas lalo ko pa siyang nagustuhan.
“Paano, aalis na ako. Pumasok na kayong mag-ina sa loob at ako na ang bahalang magsara ng gate.” Saglit pa kaming natigilan ni Mommy na mukhang masayang-masaya sa sinabi ni Tito Lemuel. She’s very lucky. “Go.”
Tumango na ako at hinila na papasok si Mommy.
Kinabukasan ay after lunch dumating si Tito Lemuel. Syempre, sila ni Mommy ang naging abala sa kusina habang ako naman ay ginagawa pa rin ang parte ko sa thesis namin ni Shirley. Hindi na nila ako inabala at kaya naman na daw nila.
Pagdating ng gabi, naligo ako at nagbihis ng maayos para sa dinner. Nagpapatuyo ako ng buhok ng katukin ako ni Mommy.
“Nandyan na ang kapatid ni Tito Lemuel mo, anak.”
“Okay po. Susunod na, tapusin ko lang ito.” Tinignan niya akong mabuti pati na ang suot ko at tsaka nakangiting tumango sa akin bago ako iniwan. Nagdress ba naman ako na may manggas at lampas tuhod eh. Conservative talaga ni Mommy.
Nang matapos ako ay lumabas na rin ako ng silid. Narinig ko ang pag-uusap sa dining area kaya doon na ako dumiretso. Nakangiti akong naglakad don at masiglang bumati.
“Good evening everyone!”
“Hello, Alice. Halika, upo ka na,” sabi ni Tito Lemuel. Tumango ako at tsaka bumaling sa aking pwesto. Doon nanlaki ang aking mga mata kasabay na natigilan ako na parang tinulos sa aking kinatatayuan.
Bakit?
Naroon lang naman ang lalaking ‘yon, nakaupo at nakangiti sa akin.