Alice
Tila ako tinulos sa aking kinatatayuan. Paanong nandito ang lalaking ito? What the hell is he doing here?
“Hindi ba halatang magkapatid kami?” Bigla akong napabaling kay Tito Lemuel ng bigla siyang magsalita ulit. Nakangiti siya sa akin, unaware sa dilemma na kinakaharap ko ngayon. Mukhang relax at totally clueless sa mini-heart attack na nararamdaman ko ngayon.
Paano kung bigla siyang magsalita? Paano kung bigla niyang sabihin ang tungkol sa nangyari sa amin noong Friday night? Mabilis na lumipad ang tingin ko kay Mommy, titig na titig siya sa akin. Halatang nagtataka sa naging reaction ko.
“Ganon ba kalayo ang itsura namin para matulala ka ng husto, Alice?” tanong ulit ni Tito Lemuel na may halo pa rin ng biro. Pinilig ko ang aking ulo. Hindi niya pwedeng malaman na nagkita ko na ang kapatid niya.
“H-Hindi nga kayo magkamukha,” alanganin kong tugon na may kasama pang alanganin na ngiti at dama ko ang bahagyang panginginig ng aking mga labi.
“Okay lang yan. Hindi ka nag-iisa ng tingin.” Nakangiti sa akin si Tito Lemuel kaya naisip ko na hindi rin niya minasama ang pagkatigagal ko.
“Maupo ka na, anak.” Tumango ako kay Mommy at sinunod ang kanyang sinabi kahit na nga ang tanging gusto kong gawin ay tumakbo palabas.
Ang dining table namin alanganin sa animan. Kaya ang set nito ay dalawa sa magkabilang side. Medyo makitid iyon kaya walang pumupwesto sa dilintera.
Dahil dalawahan siya ay wala akong choice kung hindi pilitin ang sarili ko na huminga dahil ang lalaking yon lang naman ang katabi ko habang katapat namin sina Mommy at Tito Lemuel.
“Since nandito na si Alice,” sabi ni Tito Lemuel habang proud na nakatingin sa amin. “Let me introduce you to each other. Lance, she’s Alice, anak ni Annabelle na kilala mo na bilang girlfriend ko.”
Dahan-dahang lumipat ang tingin ng lalaki sa tabi ko. Nakakunot bahagya ang isang kilay niya, at ang ngiti niya… hindi ko alam kung friendly ba o nanunukso. Para bang sinasabi ng mga mata niya: Small world, huh?
“Hi, Alice,” sabi niya. Mababa ang boses niya, mas mababa pala kapag nasa tabi ko siya. Mas nakakagulo.
“Alice, siya naman ang kapatid ko, si Lance.” Tumingin ako kay Tito lemuel bago nilingon ang lalaki na nasa tabi ko lang.
“Hi, T-Tito Lance." Napansin ko ang paniningkit ng kanyang mga mata kasunod ang pagkunot ng noo.
Isang malakas na tawa ni Tito Lemuel ang kumuha ng atensyon ko.
“Lance, hayaan mo ng tawagin ka niyang Tito, para na lang sa akin.”
“You know I hate it when people call me that,” reklamo ni Lance, diretsong nakatingin sa akin. At hindi ko alam kung bakit pero parang mas lalo niya akong tinititigan ngayon, hindi friendly. More like… You and I both know why that feels wrong.
“Paggalang lang sayo ng anak ko, sana ay hindi mo masamain.” Si Mommy naman ang nagsalita.
Lance leaned back ng bahagya, pero hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. “Parang gusto mong sulitin ang closeness natin, Kuya,” sabi niya, pero halata sa tono na half-joke, half-irritation.
“Hindi naman. But they’re my family now,” sagot ni Tito Lemuel, nakangiti.
At doon nag-shift ang tingin ni Lance—mabilis, mariin—right back at me.
Family?
Paano ko tatawaging Tito ang lalaking ito? The same man who took my innocence? Paano ko babalewalain ang init ng mga palad niya sa bewang ko noong Friday? Ang boses niya sa tenga ko? Ang paraan ng paghawak niya sa akin na…
Muntik ko nang maibuga ang hangin sa sobrang lakas ng kaba ko.
“Kukunin na rin namin ni Annabelle ang chance na ‘to para sabihin sa inyo…” patuloy ni Tito Lemuel, sabay hawak sa kamay ni Mommy. “We’re getting married.”
Mabilis akong napatingin kay Mommy. Sa sobra kong pagka-shock at excitement, pansamantala kong nalimutan ang lalaking katabi ko.
“Talaga?!” halos mapasigaw ako sa saya. “Congratulations!” dagdag ko pa, nakangiti na ako hanggang tenga.
And for a brief moment, nakalimutan kong may dalawang mata sa tabi ko na ramdam kong hindi tumitigil sa pag-obserba sa bawat galaw ko na parang pinapaalala sa akin ang lihim na tanging kami lang dalawa ang nakakaalam.
Bigla akong natahimik kaya narinig namin ang tawa nila Mommy at Tito Lemuel. “Ganyan ka kaboto kay Lemuel?” tanong ni Mommy.
Hindi niya alam ang totoong nararamdaman ko ngayon. Pero isa ang pinakatotoo, masaya ako para sa kanilang dalawa.
“Sinabi ko naman na sa inyo kagabi di ba?” tugon ko.
“Thank you, Alice.” Sinsero si Tito Lemuel ng sabihin yon. Ang amo ng kanyang mukha, sobrang kabaligtaran ng nasa tabi ko kaya hindi ko lubos maisip kung paano silang naging magkapatid.
“Congratulations, Kuya.”
“Salamat, Lance. Sa pagtanggap at pagpunta dito ngayon para ipakilala kay Annabelle bilang pamilya ko.”
“No problem. Alam mo naman na simulat-simula, isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.” Nagulat ako sa naging usapan nila. Pakiramdam ko ay ang komplikado ng sitwasyon nila. Pero looking at the gullible face of Tito Lemuel ay agad din nabura iyon sa isip ko.
“Since nasabi na namin ni Lemuel ang aming balita, pwede na tayong kumain,” nakangiting sabi ni Mommy.
At nagsimula na nga kaming sumandok ng pagkain habang ang pakiramdam ko ay naninigas pa rin ang buong katawan ko.
Bawat subo ko ay halos hindi ko malunok dahil nararamdaman ko ang mga simpleng tingin na binibigay ng katabi ko. Palagay ko ay hindi iyon napapansin nila Mommy at Tito Lemuel dahil ang sweet sweet pa nila na kulang na lang ay magsubuan.
Halos patapos na kami at sige pa rin ang kwento ni Tito Lemuel habang si Lance ay nakikitawa na rin.
“Alice, anak. Hindi mo pa rin ba nakikita ang cellphone mo? Mahirap na wala ka non lalo na at may pasok ka bukas,” out of nowhere ay sabi ni Mommy. Bigla tuloy akong nasamid.
“Hindi pa po. Hindi ko matandaan k-kung saan ko naiwan.” Nakupo, sana naman ay manahimik ang lalaking katabi ko. Sigurado akong sa sillid niya sa club ko nakalimutan ang aking cellphone.
“Oh yeah!” biglang sabi ni Lance kaya nanlaki ang aking mga mata ng tingnan ko siya. Nakatingin din siya sa akin at nakangisi. I remember now, kaya pala pamilyar si Alice.”
“Ha?” takang tanong ni Mommy.
“Kanina ko pa iniisip kung saan ko siya nakita. Now I remember dahil nabanggit mo ang cellphone. I think nasa akin ang hinahanap mo, Alice.”
Pakiramdam ko ay sinabugan ako ng bulkang pinatubo sa mukha. Is he going to tell everyone about what happened to us that night?