Chapter 10

1279 Words
Lance It’s already 8 PM pero nandito pa rin ako sa opisina, nakaupo sa swivel chair habang nakaharap sa wall-to-ceiling glass wall. Mula rito, kita ko ang city, maliwanag, buhay, kumikislap. Pero kahit ganon kaganda ang view, isang pangalan lang ang nangingibabaw sa utak ko. Alice. I swirled the liquor in my glass, watching the amber liquid catch the light. Umusok ng kaunti ang dibdib ko sa frustration. Damn it. Bakit hindi ko siya matanggal sa isip? Sumandal ako, eyes closed for just a second, pero mali. Dahil sa dilim na bumalot, lumitaw ang mukha niya. Yung mapupungay niyang mata, yung labi niyang nanginginig kapag naiirita siya, yung boses niyang pilit maging matatag kahit halata namang kinakabahan. At syempre… naalala ko rin kung paano nagsimula ang aming kasunduan. “That’s ridiculous!” she exclaimed nang sabihin ko sa kanya kung ano ang gusto kong mangyari. Halos lumabas ang kaluluwa niya sa gulat. “Why not?” tanong ko, calm, as if I wasn’t crossing a line. “I have a boyfriend, Lance! At hindi ko siya kayang lokohin!” matatag niyang sagot. Yung tipong halatang lumalaban kahit nanginginig ang loob. Pero ako? I leaned closer to her that time, hands in my pockets, acting like I wasn’t already losing my damn mind over her. “I’m not asking you to break up with him,” sagot ko. At doon siya natigilan. Eyes widening, lips parting slightly as if she didn’t know whether to slap me or run away. Hell, pati ako nagulat sa sinabi ko noon. Hindi ko rin alam kung saan ako humugot ng kapal ng mukha. Maybe from the same place na pinanggalingan ng pagiging baliw ko ngayon dahil sa kanya. Pero the truth was simple. I want her. I want her in my bed, in my arms, in every damn corner of my life kahit bawal, kahit mali, kahit nakakahiya sa level ng obsession ko. “Kapag nagpakasal na ang Mommy ko at si Tito Lemuel, ano sa tingin mo ang dapat ko nang itawag sa’yo?” halos isigaw niya, naniningkit ang mga mata, parang isa na lang na maling salita ay lulunukin niya akong buhay. Dammit. Naisip ko na ’yon. At oo, kung kaya ko lang pigilan si Kuya Lemuel para huwag ituloy ’yon, matagal ko nang ginawa. Pero bakit nga ba? Hindi ko naman plano na pakasalan si Alice. Hindi ko rin sinabi na magiging kung ano man kami. It's nothing serious. Ang gusto ko lang… ay maikama siya. Paulit-ulit siyang angkinin hanggang sa magsawa ako. “Don’t overthink,” sagot ko, steady ang boses kahit kumikirot ang sikmura ko sa ragasa ng emosyon niya. “Sinabi ko na. I only want you in my bed. Magpakasal man sila o hindi, it has nothing to do with us. Because other than s*x… nothing is going on between us.” Nakita ko kung paano numipis ang labi niya, iyong galit na unti-unting bumubuo sa mga mata niya. “If hindi ako pumayag?” mariing tanong niya. I shrugged, deliberately calm. “Wala na akong magagawa.” “Hindi mo sasabihin sa Mommy ko kung anong nangyari sa’tin… or kung saan talaga ang part-time job ko, right?” Sinalubong ko ang tingin niya. Nakita ko agad, kahit hindi ko pa sinasabi—alam na niya. Kaya’t bigla niyang sinuntok ang dibdib ko. “You bastard! Asshole!” sigaw niya, sunod-sunod ang suntok, mahina pero ramdam ko. Hindi lang sa dibdib. Parang may tinatamaan sa loob ko. Hinayaan ko lang siya hanggang sa sumakit, hanggang sa ramdam ko na hindi na ito galit lang, takot, desperasyon, betrayal. At doon ko hinuli ang mga kamay niya. “Alice.” I pulled her closer just enough para hindi na siya makailag. “I won’t tell your mother. Or my brother. Hindi ko rin hinihingi na makipaghiwalay ka sa boyfriend mo. At hindi rin lalabas sa kahit sino ang nangyayari sa atin.” Napalunok siya, pilit umiwas, pero hindi niya nagawa. “I’ll give you an allowance as well,” dagdag ko, low and steady. Lalong nanginig ang boses niya. “Gusto mo pa akong gawing bayarang babae!” gigil niyang bulyaw, nagpupumilit kumawala. “Hindi ’yon.” I tightened my hold, not to overpower her… but to make her listen. “Ipagpalagay mo nang regalo ko ’yon. Since hindi naman kita pwedeng bigyan ng kahit na anong bagay. Ayaw mo namang magtaka ang Mommy mo kung saan galing ang pinambili mo don kung sakali, di ba?” Her chest rose and fell sharply. Halata pa rin ang galit. Pero may halong takot. At may halong… pagkalito, ’yong tipong alam niyang mali ako, pero alam niya ring hindi ako magsisinungaling sa sinabi ko. And f**k—seeing her that torn… did something to me I didn’t expect. “Heh,” napakagat siya sa labi niya, halata ang panginginig. “So that’s it? Gagawa ka ng rules, tapos i-e-expect mong susunod ako?” “I expect you,” bulong ko, leaning in dangerously close, “to choose whatever keeps you safe. And right now… I’m the lesser evil.” Naghinang ang aming mga mata, parehong walang may gustong bumitaw. Nakikinikinita ko na ang pagpayag niya. “Hindi ako makikipaghiwalay sa boyfriend ko. At hindi rin ako pupunta sa’yo sa isang tawag mo lang kung kasama ko ang mga mahal ko sa buhay,” sabi niya, bawat salita punô ng pride, parang tinatahi niya ang dignidad niya sa gitna ng sitwasyon namin. Nag-curve ang gilid ng labi ko into a thin, almost amused smile. “No problem.” Kita ko kung paano siya bahagyang lumuwag ang paghinga. Isang mabilis na pag-asa na akala niya ay binitawan ko rin. But she’s naïve if she thinks ganon lang ’yon. Pero hindi ako tanga. Hindi ko siya basta-basta hahayaang kontrolin ang laro kapag nandito na kami. “I don’t trust you,” bulong ko, steady pero malamig. “Pwede kang magdahilan, pwede kang umiwas when the time comes. And I won’t let that happen.” Naramdaman ko ang pag-igting ng panga niya bago pa siya makapagsalita. “So you will have to resign from all your part-time jobs,” dugtong ko, walang pag-aalinlangan. “Iyon ang magiging oras mo para sa akin.” Para bang may narinig akong pumitik sa pagitan namin—galit, takot, pride na pilit niyang nilulunok. Hindi siya agad nakasagot. Pero tangina, hindi ko na kailangan ng sagot dahil kita ko na nakapila ang mga salita sa lalamunan niya, lahat puro galit, lahat puro pagtutol pero wala siyang maibuga. She’s furious. And she knows she’s cornered. Ramdam ko ang pag-init ng singaw ng katawan niya, hindi dahil sa kung ano man… pero dahil alam niyang tinamaan ko ang kahinaan niya. Binalewala ko ’yon, pinanood ko na lang kung paano dahan-dahan nagdidilim ang mga mata niya habang pilit niyang pinipigilang sumabog. “Alice,” sabi ko, mababa ang tono, halos parang banta. “This is how it’s going to work.” At wala siyang nagawa kundi ang kumuyom ang mga kamao niya, nanginginig, hindi lang sa galit, kundi sa bigat ng desisyong unti-unti ko nang pinupwersa sa kanya. This is just s*x, pero hindi ko hahayaan na basta lang siya makawala sa akin. Napailing ako habang nakatingin ngayon sa reflection ko sa glass wall, tall, composed, successful ay isang bagay lang ang klaro. She’s the only thing that breaks my control. I took a slow sip of my liquor, my jaw tightening. “Damn it, Alice…” bulong ko sa sarili ko, almost a groan. “What the hell are you doing to me?” And the worst part? I know I’ll do something even more reckless… just to have her again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD