Alice
“Anak, pwede mo ba kaming samahan ng Tito Lemuel mo?” Mula sa pagkain ay nag-angat ako ng tingin sa aking ina. Sa kabila ng kinasangkutan kong “deal” mula sa “proposal” ni Lance ay sinikap ko na palagiin na umaktong normal sa harap niya.
“Saan po kayo, pupunta?” tanong ko. Wala naman kaso sa akin dahil maluwag ang araw ng Sabado ko. Maliban nga lang sa date namin ni Javier.
“Sa pagawaan ng wedding dress. Gusto ko na rin na makapamili ka ng susuotin mo bilang maid of honor.” Maganda ang pagkakangiti ng aking ina, halata pa ang medyo pamumula ng kanyang pisngi, marahil ay nahihiya pa rin siya dahil sa pagpapakasal nila ni Tito Lemuel.
Napailing ako bago tumugon. “Okay lang po ba na kasama si Javier? May date po sana kami eh.”
Tinignan akong mabuti ng aking ina. Hindi niya kasi talagang gusto si Javier bilang boyfriend ko. Ang tingin niya kasi dito ay babaero.
Ngunit kahit na alam kong ganon ay hindi naman niya ako pinagsabihan na makipaghiwalay kay Javier. Sinisikap pa rin niya na kahrapin ang boyfriend ko ng maayos sa tuwing pumupunta siya dito.
Okay lang sa akin dahil noong simula ay ganon din ako kay Tito Lemuel. Yun nga lang at talagang nagustuhan ko siya. At ‘yon din ang inaasahan ko mula kay Mommy.
Naisip ko na kagaya ko, makikilala niya rin ng husto si Javier at makikita niya na mabuti naman itong tao. Talaga lang bad boy ang dating ng aking nobyo.
“Fine. Mabuti na rin siguro iyon at ng magkaroon kami ng pagkakataon na magkakwentuhan. Dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita, ang akala ko ay naghiwalay na kayo.”
“Busy lang siya sa pag-aural din. Graduating na rin siya at ayaw niya na mapag-iwanan ko siya.”
“Mabuti naman kung talagang nag-aral siya ng mabuti. But let me remind you, anak. Take care of yourself. Wag kayong lalagpas sa higit pa dahil pwedeng sa huli ay ikaw din ang masaktan. Okay lang magmahal, but make sure na malaki pa rin ng pagkatao mo ang napoprotektahan mo lalo at hindi pa naman kayo kasal.”
Gumana na naman ang pagiging conservative niya. Bigla ko tuloy naalala si Lance.
Bigla, parang gusto kong sabihin kay Mommy, “kung alam mo lang Mommy, sa hindi ko boyfriend naibigay ang dapat na pag-ingatan ko”.
Sa kagutuhan kong alisin sa isipan ko yon ay nagdesisyon akong lokohin siya.
“Don't tell me wala pang nangyayari sa inyo ni Tito Lemuel!”
“Sira ka talagang bata ka! Ganyan na ba ngayon ang takbo ng pag-iisip ng mga kabataan?” bulalas niya na ikinatawa ko.
“So, wala pa talagang nangyayari sa inyo ni Tito Lemuel?” pilit ko pa at kita ko ang sobrang pula ng pisngi niya.
“Wala. Hindi dahil sa pag-iinarte. Alam mo kung gaano ako kamahal ng Daddy mo, hindi naman siguro masama na kagaya din niya ang piliin ko di ba?”
Totoo ang sinabi niya. Dad gave everything for her. Kahit kaya ng aking ama na buhayin kaming mag-ina ay hinayaan niyang magtrabaho si Mommy. Pero hindi siya pumayag na gastusin ang kita niya.
Kung may kailangang bilhin, pera muna ni Dad ang unang gagalawin bago ang kay Mommy. Pero hindi nangyari yon dahil talagang responsable ang aking ama.
Ang sahod ni Mommy ay ginagastos niya sa sarili at pambili ng regalo para sa amin ni Dad. Pero never napunta sa bills o sa kahit na anong pangangailangan sa bahay. My father covered all of that.
Si Tito Lemuel ay binata. Ewan ko ba, hindi naman siya pangit pero kung bakit ngayon pa lang nakapag-asawa. Kapag niloloko ko siya ay sinasabi niya na destiny na daw niya si Mommy kaya ganon.
Ayun, wala na akong nasabi pa. Ang cheesy niya eh.
Kahit sinong anak ay magiging masaya kung makita at malaman nila kung anong klase ng lalaki ang mapapangasawa ulit ng kanyang ina.
Sakto 2 PM ng dumating kami sa wedding gown store. Sinalubong kami ng dalawang saleslady at sumunod kami sa kanila.
“Honey, pili ka lang ng magustuhan mo. Don't think about the price, okay?” Tinanguan ni Mommy si Tito Lemuel bago nagbaling sa akin. “And you, my dear daughter.”
“Yes, my dear father?” tugon ko, halata ang panunukso na tinawanan lang niya at ni Mommy.
“Whatever you like, go. Wag mahihiya, we're family.”
Kinindatan ko siya sabay motion ng aking daliri ng “okay” sign.
“Ano pa ang hinihintay nyong mag-ina? Go!” At nagsimula na kaming mamimili ni Mommy.
Kita ko ang excitement niya at kahit ako rin ay siguradong bakas sa mukha ang saya.
“Nakakalito, anak. Ang daming magaganda.”
“I'll help you, don't worry.” Tinanguan ako ni Mommy at muling namili. May saleslady na nakasunod sa amin, pinapaliwanag ang detalye ng gown.
“Mabuti pa ay pumili ka na rin ng para sayo. Nandito naman ang staff ng store para i-assist ako,” biglang sabi ni Mommy.
“Are you sure?” paninigurado ko pa.
“Yes.” She looks fine kaya nagpunta na ako sa hanay ng mga gown para sa maid of honor.
Pero bago pa ako makakuha ng isa ay narinig ko ang pagtunog ng aking phone. Kinuha ko iyon at nakita na tumatawag si Javier.
“Hi, love. Nasa labas ako ng wedding gown store.”
“Halika, pasok ka na.”
“Okay.” Pagkasabi niya non ay nilingon ko si Mommy.
“Puntahan ko lang sa labas si Javier, Mom.”
“Okay,” nakangiti niyang tugon at tsaka ako naglakad papunta sa reception area kung nasaan ang pintuan din ng store.
Glass door iyon kaya kita ko na ang aking boyfriend. Ngumiti ako habang papalapit sabay bukas non.
“Kanino pa kayo?” nag-aalalang tanong ni Javier pagkakita sa akin.
“No, halos kakarating lang. Lika na, namimili din ako ng damit ko.” Magkahawak na kaming naglakad papunta kay Mommy pero bago yon ay sakto lumabas si Tito Lemuel mula sa fitting room.
“Hi po, Tito.” Laging magalang kung bumati si Javier kaya hindi ko malaman kung bakit hindi siya magustuhan ng lubusan ng aking ina.
“Kamusta, Javier? Long time no see.” Nakangiti si Tito Lemuel pero alam ko na pareho sila ng nararamdaman ng aking ina toward my boyfriend. Pero okay lang dahil hindi naman niya ito sinisiraan kay Mommy.
“Oo nga po. Naging busy lang sa school lately.” Napakamotpasi Javier ng kanyang ulo ng tumugon.
“That's good. At least itong taon na lang naman at gagraduate na kayo ni Alice.” Tumingin silang dalawa sa akin at pareho pang nakangiti. “Sige na, samahan mo na ang girlfriend mo na mamili ng damit at pupuntahan ko na si Annabelle.”
“Sige po,” sabay naming sagot ni Javier.
Ngunit bago tuluyang makalayo si Uncle Lemuel, bigla siyang huminto at sinagot ang tumunog na cellphone sa kanyang bulsa. “Hey, Lance. Nasaan ka na?” casual niyang tanong, pero sapat na ‘yon para literal na manigas ang buong katawan ko.
Parang may malamig na hangin na dumampi sa batok ko.
Lance?
Ibig bang sabihin… pupunta rin dito ang lalaking ‘yon? Ngayon? Sa harap ko? At—s**t—kasama si Javier sa eksenang ‘to?
Napalunok ako nang hindi sinasadya.
“Hey, love. Is everything okay?” mahinang tanong ni Javier, nakasunod ang mga mata niya sa akin, parang handa siyang hawakan ako anumang segundo. Nang mag-angat ako ng tingin, kitang-kita ko ang lalim ng pag-aalala sa mukha niya, yung tipong parang may binabasa siya sa aking hindi ko pa kayang sabihin nang malakas.
Nagpilit ako ng ngiti pero ramdam kong hindi iyon umabot sa mga mata ko. “Y-Yes. May naalala lang ako,” sagot ko, pilit na kontrolado ang boses kahit gumugulo ang loob ko.
Ingat na ingat ako sa tono, kasi ayoko namang mag-panic si Javier… pero hindi ko rin kayang itago na may kakaiba akong nararamdaman.
Unti-unting bumibilis—no, sumisipa—ang t***k ng dibdib ko. Parang may malakas na drum sa loob ng dibdib ko na walang balak tumigil. Hindi ako handa. Hindi pa ako handa. Lalo na’t nandito si Javier… tapos biglang papasok sa picture si Lance?
Perfect timing ba ‘to o sadistic universe lang?
“Hey,” bulong ni Javier, lumapit ng kalahating hakbang palapit sa akin. “You’re trembling. Talk to me, love.” Kumapit ang mga daliri niya sa aking siko, maingat pero may bahid ng possessiveness, yung tipo na ramdam mo agad na gusto ka niyang protektahan.
Napakapit ako sa laylayan ng sarili kong shirt, pilit ini-stable ang sarili ko. “I’m fine, Javier. Promise. Just—” Huminga ako nang malalim. “I really just remember something about sa thesis namin ni Shirley."
Tinitigan akong mabuti ni Javier bago huminga ng malalim at ngumiti. Hinaplos ang aking buhok bago ako kinintalan ng halik sa noo. "Alam kong kayang-kaya mo 'yon."
Kung alam mo lang, Javier. Hindi ko alam kung talaga ngang kaya ko.