Alice
Nanatili akong nakatayo roon, parang may malamig na kamay na dumampi sa batok ko, mahigpit, mariin, parang pinipigilan akong huminga. Pupunta din ba siya rito? Ngayon? Sa mismong sandaling kasama ko si Javier?
Shit.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang sumikip ang dibdib ko, pero isang bagay ang malinaw: hindi ako handa. Hindi pa.
Knowing Lance… sa tatlong linggo mula nang magsimula ang deal namin, hindi siya tumigil sa panunukso. Yung klase ng panunukso na hindi cute—yung may bigat, may babala, may “alam ko ang kahinaan mo” vibe. Tuwing aalis ako sa condo niya after naming gawin ang gusto niya, lagi siyang may last line na nagpapakuryente sa spine ko.
At kadalasan, iyon ay ang pagbanggit niya sa pangalan ni Mommy.
Para niyang sinasabing: ‘Wag kang masyadong lumayo. Hindi ka ganun kalaya.’
“Love…” mahinang tawag ulit ni Javier habang marahang hinahagod ang braso ko, bawat dampi ng balat niya ay tila paalala ng panloloko ko sa kanya. “You’re pale.” Hinawakan niya ang braso ko, hinila ako nang kaunti palapit. “Anong naalala mo? If this is about your thesis, parang ang hirap paniwalaan. I know you. You’re smart. Kayang-kaya mo ‘yon.”
Napayuko ako sandali, pinilit ini-regulate ang hininga ko. Gusto kong ngumiti. Gusto kong sabihing okay lang ako. Gusto kong maging convincing pero ’yong panginginig sa hinga ko, ’yon ang bumisto sa’kin.
“Nothing… just—biglaan lang.” Pilit kong ngumiti, pero ramdam ko ang kislot ng takot sa gilid ng mga mata ko. “I remembered something about my thesis lang talaga. Mas magiging maganda ang kalalabasan kung mailalagay ko yung idea na pumasok sa isip ko ngayon.”
“Hm.” Marahan niyang ipinatong ang kamay sa likod ko, mainit ang palad niya, pero sa dibdib ko, parang may yelo. “You sure? If there’s something wrong, you can tell me. We’ll handle it. Kasama mo ako.”
Kung alam mo lang…
Kung alam mo lang kung gaano kabigat ‘yong “something wrong” na hindi ko masabi.
“I know,” sagot kong may pa-smile, kahit ramdam kong nanginginig ang sulok ng labi ko. “Pero sa thesis lang talaga iyon and as you said, kayang-kaya ko na ’yon. I mean, namin ni Shirley.”
Tumango siya, pero hindi nawala ang tension sa mga mata niya. ’Yong tipong halatang nagho-hold back ng tanong. Yung tipong may kutob na hindi lang “thesis” ang dahilan.
At bago pa niya maitanong ang kung ano man, narinig namin ulit ang boses ni Uncle Lemuel, this time mas malinaw, mas may emphasis, parang buong paligid namin ay na-freeze sandali.
“Ah, ganon ba? Okay, sige. Hintayin ka namin dito.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin mula ulo hanggang paa.
Hintayin. Ka. Namin.
Tumama ang tingin ko kay Javier, pero hindi ako nakapagsalita.
Hindi ko makontrol ang bilis ng t***k ng puso ko—halos sumakit.
Ibig sabihin…
Totoo.
Hindi imagination.
Hindi stretch ng paranoia ko.
Pupunta talaga siya dito.
At wala na akong oras para magtago.
O huminga.
O maghanda.
Lance is coming.
And Javier is right beside me.
“Halika na, puntahan natin si Mommy,” sabi ko, pilit nilalabanan ang kaba sa dibdib. Tumango si Javier, tapos sabay na kaming naglakad papunta sa area kung nasaan ang aking ina.
Kada hakbang namin, ramdam ko ang dulas ng sahig sa ilalim ng sapatos ko—at ang bigat ng paranoia sa likod ng batok ko. Any minute now… bulong ng utak ko, pero pilit kong kinain ang pangamba.
Pagdating namin kay Mommy, agad na ngumiti si Javier, mababa ang boses, halos respectful. “Good afternoon po, Tita.”
Hindi naman siya pinakitaan ng hindi maganda ni Mommy. Actually, nagulat ako na medyo lumambot ang buong aura niya. Ngumiti siya kay Javier, saka ibinalik ang pansin niya sa gown na hawak niya. Sa tabi niya, dumating na rin si Tito Lemuel, sakto para tumingin sandali sa amin bago bumalik sa pakikipag-usap kay Mommy tungkol sa tela.
“Ang ganda ng kulay na ’yan, Honey,” sabi ni Tito Lemuel habang inaayos ang laylayan ng gown. “Classy.”
Nakangiti si Mommy. “Oo, sa tingin mo ba ay bagay sa akin?" balik tanong ng aking ina. Pero hindi ko na narinig pa ang tugon ni Tito lemuel dahil muling nabalik ang atensyon ko kay Javier ng magsalita.
“How about you,” tanong niya, malumanay pero halatang curious. “Saan na ang damit mo?”
Nag-blink ako, mabilis, para ibalik ang focus ko sa mundong nasa harap ko, hindi sa threat na parating. “Ay, oo nga pala,” sagot ko habang pilit na magaan ang tono. “Namimili na ako.”
Hinawakan ko ang braso niya at marahan ko siyang hinila palayo, papunta sa rack ng mga gown na kanina ko pa pinagpipilian.
“Dito,” sabi ko, pilit na excited, kahit may kaba pa ring kumikirot sa loob ko. “’Yung mga ’to ’yung pinag-iisipan ko. Hindi ko lang alam kung alin ang mas bagay.”
Lumapit siya sa rack, tiningnan ang mga gown isa-isa, pero hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin for too long na parang sinusuri kung okay ba talaga ako.
“Hmm,” bulong niya habang hinahawakan ang isang champagne-colored gown. “This one looks elegant. And…” Napatingin siya sa akin nang diretso, may bahagyang ngiti. “…I think you’d look beautiful in it.”
Humigpit ang hawak ko sa rack.
Hindi dahil sa kilig, though may konti, kasi si Javier iyon. Kundi dahil naramdaman ko ang unti-unting pagsikip ng paligid.
Feeling guilty na talaga ako at alam ko na dahil iyon kay Lance, sa bigat ng sikretong bitbit ko, at sa paraan ng pagtingin sa akin ni Javier na parang ako lang ang nasa mundo niya. Lumunok ako, ini-stabilize ang sarili, bago ngumiti sa kanya kahit ramdam ko ang bahagyang panginginig sa labi ko.
“Isukat ko kaya,” sabi ko, medyo mahina, “then tell me kung ano ang bagay talaga sa akin?”
Bahagya siyang yumuko para tumaas ang tingin sa akin, parang pinag-aaralan ang bawat galaw ko. “Sure,” sagot niya, may lambing sa tono. “Kahit na sigurado na akong babagay ang lahat ng ’yan sa’yo.” Sandaling tumigil ang boses niya, tapos ngumiti nang dahan-dahan, yung ngiting may halo ng admiration at kaunting possessiveness. “But I want to see how beautiful you are in those gowns.”
Parang may tumama na warm air sa dibdib ko.
Na-touch talaga ako sa sinabi niya—sobrang simple pero ang bigat ng tama sa puso.
Minsan hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawa ’yon… ’yung mga salitang kayang mag-trigger ng butterfly effect sa sikmura ko. Yung tipong isang linya lang niya, tapos biglang may kilig, may init, may kaunting thrill. Parang ang dali-daling ma-fall, at ang hirap magtago ng kung ano ang totoong pumipintig sa loob ko.
Napangiti ako nang mas totoo, kahit may nakalubog pa ring guilt sa ilalim ng lahat. “Grabe ka,” sabi ko, pilit na pabiro. “Paano mo nagagawa ’yon—yung magsabi ng mga bagay na parang… hindi ko kayang i-handle?”
Humalakhak siya nang bahagya, saka yumuko pa lalo para mas mapalapit sa akin. “Maybe,” bulong niya, “kasi gusto kong maramdaman mo ’yon.”
At s**t.
Mas lalo akong kinabahan—not because of him, but because somewhere in the corner of my mind… may papalapit.
Sino?
Alam ko na.
Ramdam ko na.
Pero sa sandaling iyon, si Javier muna ang nasa harap ko. At ang mga mata niya, parang gusto akong yakapin nang hindi niya sinasabi.