Chapter 13

1448 Words
Alice “Let me grab this one for you,” sabi ni Javier habang kinuha ang isang champagne-colored gown mula sa rack. Bahagya niyang tinaas ang tela, tinitingnan iyon na parang sinusukat sa imahinasyon niya kung paano ito babagsak sa katawan ko. “You’ll look amazing in this,” dagdag niya, halatang proud pa sa pagpili. Napakagat ako ng labi, hindi dahil sa gown, kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Parang gusto niyang alagaan ako. Parang gusto niya akong ipagmalaki. At doon ulit kumurot ang guilt. Pero bago pa ako malunod sa konsensya, hinawakan niya ang kamay ko. Mabilis lang. Magaan. Pero sapat para mag-ground sa akin. “Come on,” mahina niyang sabi. “Let me see you in this.” Sumunod ako, bitbit ang gown habang papasok kami sa fitting room area. Maraming cubicles, maraming salamin, maraming ilaw… pero parang umiikot ang paligid ko dahil sa dalawang bagay: Kay Javier… at ang paparating. Pagdating namin sa unahan, tumigil siya. “I’ll wait here,” sabi niya habang nakatayo sa harap ng pintong may kurtina. “Call me pag ready ka na.” “Okay,” sagot ko, pilit na steady ang tono. Pagpasok ko, agad kong isinabit ang gown. Huminga ako nang malalim. Isa pa. Isa pa. Focus, Alice. Si Javier ang nasa labas. Not him. Hinubad ko ang suot kong top, tapos sinunod ang skirt. Habang inaayos ko ang zipper ng gown sa likod, narinig ko ang boses ni Javier mula sa labas. “Love, okay ka lang diyan?” May halong concern, may halong kilig, at may kaunting amusement. “Yeah, wait lang,” sagot ko habang pinapantay ang neckline. “Almost done.” Kinakabahan akong humarap sa salamin. At nang makita ko ang sarili ko sa gown ay medyo na-stuck ako. Bagay nga. Mas bagay pa kaysa sa ini-expect ko. Pero ang mas nakakakuryente? Yung thought na mas lalo niya akong tititigan pag lumabas ako. Kumatok siya ng dalawang beses sa frame. “Hey… can I come closer? Para pag lumabas ka, di ka na mahihiya.” Napangiti ako nang bahagya kahit may halo ng kaba. “Okay, pero wag kang masyadong lapit. Nakabukas yung gap ng kurtina.” Narinig ko siyang tumawa ng mahina. “Promise, hindi ako sisilip… unless sabihin mong puwede.” “Javier,” sabay tawa ko, pero may init ang mukha ko. “Behave.” “I am,” sagot niya. “Pero excited na akong makita ka.” At dun ako napapikit sandali. Excited siya, sincere and genuine. At ako? Heto at sinusubukang maging normal kahit may papalapit na aninong kilala ko nang sobra. Isang taong kayang guluhin ang breathing pattern ko within seconds. Hinawakan ko ang kurtina. Huminga nang malalim. “Ready ka na ba?” tanong niya. “Yeah… I think so.” Pagbukas ko ng kurtina, tumama agad ang mga mata niya sa akin, una sa neckline, sunod sa waist, at panghuli… sa mga mata ko. Napatigil siya. Parang natanggalan ng hininga. “Wow,” bulong niya. Hindi sweet. Hindi scripted. Yung tipong talagang galing sa loob. “Love… you look—beautiful.” At para akong natunaw. Pero bago pa ako makapagsalita, bago pa ako makalapit sa kanya, may narinig akong mahina pero pamilyar na boses mula sa entrance ng shop. “Sorry, am I late?” Napahinto si Tito Lemuel na papalapit sana sa akin. At si Javier… biglang napalingon. Ako—ako ang pinaka unang nanghina ang tuhod. Kilala ko ang boses na iyon. Kilala ko ang tono. Kilala ko ang confidence. Si Lance. And he just arrived. Nagtama ang aming mga mata at ganon na lang ang pagluwag ng paghinga ko nang daanan lang niya ako ng tingin, parang literal na hangin lang ako sa paningin niya. Walang reaksyon. Walang pagkilala. Walang kahit anong senyales na may nangyayari sa amin. At mas lalo iyong nakakapraning. “Nandito ka na rin sa wakas,” putol ni Tito Lemuel, na parang sinipa ang tensiyong unti-unting dumadagundong sa dibdib ko. “I told you, sisikapin ko na makarating,” tugon ni Lance, nakatuon ang mga mata sa kuya niya. Calm. Controlled. Parang sharp blade na nakabalot sa velvet. “Natapos naman ba ang meeting mo?” si Tito Lemuel ulit. Rinig sa boses niya yung genuine concern. “Ayaw kong makaabala sa’yo, and I know medyo biglaan ito. Ngayon lang din kasi pwede ni Annabelle.” “No problem,” tugon ni Lance, steady ang tono. “Alam ko namang gaano kahalaga sa’yo ’to. Isa pa,” bahagya siyang ngumiti, soft pero calculated, “minsan lang dumating sa buhay mo ang ganito.” Kung titingnan mo lang sila, iisipin mong mabait siya. Supportive. Almost perfect. Pero ako? Ako ay literal na kinakain ng konsensya sa loob habang pinapanood siyang nagpe-play ng part niya perfectly. “Thanks,” sabi ni Tito Lemuel, halatang touched. “And by the way…” Lumingon siya sa amin. “Ito si Javier, ang boyfriend ni Alice.” May kasamang pagtapik sa balikat ng boyfriend ko ang pagkakasabi niya—kahit ako naramdaman ang warmth doon. “At ito naman ang nakababata kong kapatid, si Lance.” Lumapit ng kaunti si Javier, may ngiting maayos, sincere at gentleman. Nilahad niya ang kamay niya. “Hi.” Sandali akong tumigil sa paghinga. Tumingin si Lance sa kamay ni Javier at hindi iyon tinanggap. Hindi man lang niya ginalaw ang braso niya. Literal na dead air. Nakaramdam ako ng mainit na inis na umakyat mula dibdib ko paakyat sa batok. What the hell is your problem? Binawi ni Javier ang kamay niya, mahinahon pero halatang na-off. At lalo akong nainis sa ginawa ni Lance. Ang hambog. Ang kapal. Ang yabang. “Pagpasensyahan mo na,” sabi ni Tito Lemuel na may pilit na tawa. “Hindi talaga marunong makihalubilo itong kapatid ko.” “I’m fine po,” sagot ni Javier, gentle pero ramdam ko ang subtle na disappointment. Tumingin siya sa akin pagkatapos, parehong naghahanap ng comfort at nag-aalok din nito. “Gusto mong isukat pa ’yung ibang gown?” Tumango ako, pilit na ngiti sa labi. “Yes.” Pero bago pa kami lumakad palayo, naramdaman ko ang mabagal, deliberate na paglingon ni Lance sa direksyon ko. Yun tipong hindi obvious, pero sapat para maramdaman mo ang presence niya sa skin mo. Hindi ko alam kung nagkataon lang o sinadya niyang iparamdam na hindi pa tapos ang lahat kaya muling bumalik ang kaba ko. Pumasok na ulit ako sa cubicle habang nakabantay na naman si Javier. Kagaya kanina ay sige ang pagkausap niya sa akin na para bang walang nangyaring nakakailang ngayon-ngayon lang. Hinawi ko ang kurtina pagkatapos at siya na rin ang bumungad sa akin. "How about this?" nakangiti kong tanong. "Wow, anak. Ang ganda mo dyan!" bulalas ni Mommy dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Nakatayo siyang nakangiti sa akin habang hawak ang isang wedding gown. Katabi niya si Tito Lemuel at mukhang kakatapos lang din niyang magsukat. "Salamat, Mom." "Maganda, bagay sayo, love." Tumingin ako ulit kay Javier at base sa tingin na binibigay niya sa akin ay alam kong totoo ang kanyang sinabi. "May iba pa, try them all para mas makapamili ka pa," singit ni Tito Lemuel. "Sige po," tugon ko at hindi sinasadya ay napatingin ako kay Lance na prenteng nakaupo sa single seater na couch. Titig na titig siya sa akin at sa takot na baka mapansin ni Javier ay agad akong tumalikod upang magsukat pa ng ibang gown. Nakailang sukat pa ako, hanggang sa huling gown. Medyo malalim ang zipper kaya kailangan ko ng isang taong magtataas non. "Love, pwede patulong pataas ng zipper?" Hindi malakas ang boses ko, sapat lang upang marinig ni Javier na alam kong nasa kabila lang ng kurtina. Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng hindi si Javier ang biglang naghawi ng kurtina. "W-What are you doing here?" nauutal kong tanong. "You ask for help, I'm here." Malamig pero mapang-akit ang dating ng tinig ni Lance ng sumagot. "Ahm, okay na ako na lang." Kailangan ko siyang paalisin. Nasaan si Javier? Paano kung may makakita sa lalaking ito na nandito? "Relax, wala sila. Ang Mommy mo at si Kuya Lemuel ay pumasok sa isang silid para sa alteration. Ang boyfriend mo naman at lumabas dahil kailangang sagutin ang tawag." Napalunok ako. "Turn around." Ginawa ko ang sinabi niya ngunit mabilis kong naiunat ang aking likod ng sadyain niyang idikit ang daliri sa balat ko ng hawakan niya ang zipper ng gown. "There you go," sabi pa niya pagkatapos. Hindi ko alam ang gagawin ko, at akala ko ay lalabas na siya ngunit hindi. Bigla niya akong hinarap sa kanya at hinalikan! Is he serious!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD