Chapter 15

1359 Words
Alice Lance’s eyes sharpened, hindi lang basta tumalim, pero parang may biglang sumindi na panganib sa mga mata niya, isang uri ng intensity na hindi ko alam kung ikakatakot ko o… ikahihina. Dahan-dahan — sobra, parang sinasadya niya ang bawat pulgada, yumuko siya palapit. Sapat para madama ko ang init ng labi niya na bahagyang dumaplis sa tapat ng tainga ko. “Tell him no,” bulong niya, boses niyang mababa na parang dumudulas sa balat ko. “You’re not done with me yet.” Shit. Mapanukso ang tono niya, pero ako? Nanginginig na ako sa kaba. Isa pang segundo at pwede kaming maabutan, hindi lang ni Javier, kundi ng Mommy ko at ni Tito Lemuel. Fatal. Disaster. End of my entire existence. “Ahm, not yet, l-love…” sagot ko, pilit na steady pero ramdam ko ang panginginig sa boses ko. At dahil nakatutok ang atensyon ko kay Lance, kita ko kung paanong unti-unting naningkit ang mga mata niya nang marinig ang tawag kong love para kay Javier. Territorial. Possessive. Dangerously quiet. “Do you need help?” tanong ni Javier mula sa labas. “N-No, I can manage,” sagot ko agad, pilit pinipino ang boses. "Tinitignan ko lang mabuti ang tela, p-parang medyo makati sa balat.” Hindi inaalis ni Lance ang tingin niya sa akin — hindi. Kahit isang iglap. Parang pinapapanic niya talaga ako on purpose. Parang tinatanong ng mga mata niya, "Makati ba talaga? Or ako ang dahilan?". “Okay, just tell me if you need help,” sabi ni Javier. “Nandito lang ako. I’m sorry kung saglit akong lumabas, may tumawag kasi.” “Okay lang, love,” sagot ko, pilit nilalamon ang lakas ng t***k ng puso ko. “Can you find Mom for me? I want her here.” “May problema ba?” may halong concern ang boses ni Javier. “Nothing. Just need her here. Hindi naman pwede ikaw,” sagot ko, at ramdam ko ang pilit kong paghinga, pilit kong pagkontrol. “Pwede naman,” natatawa niyang sagot, “yun nga lang baka magalit si Tita.” Hindi ko napigilang ngumiti kahit kaunti, automatic reflex pag siya ang kausap ko. Pero agad ding nawala ‘yon nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Lance sa bewang ko, bumaba ng kaunti, parang pinapaalala niyang nandoon pa siya. Na hindi ako nag-iisa sa loob. “At least may points ako.” Natatawa pa rin si Javier. “Okay, I’ll go find her. Wait for me, love.” “Okay, thanks,” sagot ko, halos pabulong. May ilang segundo pa bago ko narinig ang mga yabag niyang lumalayo. Isa. Dalawa. Tatlo. Doon lang ako nakahinga. Bahagya. Hindi buo. Kasi kahit umalis na si Javier ay nandito pa rin si Lance. Sa sobrang sikip na fitting room. Mas malapit pa ngayon. Mas tahimik. Mas delikado. At ang kamay niyang nasa bewang ko? Hindi gumagalaw. Hindi umaalis. Parang lalo pang tumibay ang kapit. Sumulyap ako kay Lance, halos desperado na. Ramdam ko ang panginginig ng dibdib ko — hindi ko alam kung sa takot, sa guilt, o sa presensya niyang ayaw umalis. “Please… please, Lance. Lumabas ka na…” Halos pakiusap na iyak ang tono ko. Hindi ko na kayang makahalata pa ang sinuman. Nagtagal ang tingin niya sa akin, mahaba, masyadong matagal para sa isang taong dapat ay umaalis na. Para siyang nanonood ng anumang nararamdaman ko na pilit kong ikinukubli. Pinag-aaralan. Kinakalkula. O baka… sinisigurong hindi ako magsisinungaling sa sarili ko. Isa. Dalawa. Tatlong t***k ng puso ang lumipas bago siya umatras ng isang hakbang. Pero hindi iyon sapat. Bago siya tuluyang lumabas, yumuko siya — sobrang lapit, sapat para maramdaman ko ang mainit niyang hininga na diretso sa balat ko. “You’re not done with me,” bulong niya, halos parang halik ang bawat salita. “And deep down… alam mong tama ako.” Tumigil ang mundo ko. At bago pa ako makabawi, bigla niya akong hinalikan ulit. Mabilis. Saglit. Pero sapat na para maubos ang hangin ko. Nagawa pa niyang sipsipin ang ibabang labi ko, yung mahinang tunog ng pagkakabitaw niya roon? Parang suminding apoy sa tiyan ko. Pagkatapos non, kasing bilis niya lang tumalilis palabas ng kurtina. Walang bakas ng guilt. Parang wala lang. Parang hindi niya ako ginulantang, ginulo, at giniba ng buong sistema ko. Nang tuluyang sumara ang kurtina… Nang wala na siya… Doon pa lang bumalik ang paghinga ko, at halos mapaluhod ako. Kailangan kong sumandal sa dingding dahil pakiramdam ko ay bibigay ang mga tuhod ko. Takot. Guilt. At isang bagay na mas malalim, mas delikado, mas bawal. Isang bagay na hindi ko kayang pangalanan. Hindi ko kayang aminin. Hindi ko kayang pigilan. Nagbalik si Javier, kasama na si Mommy na pumasok sa cubicle. Pilit kong hinila pababa ang zipper ng gown, at nagkunwaring iyon ang dahilan kung bakit ko siya tinawag. Para lang hindi mapansin ang totoong nangyari sa fitting room o sa presensya ni Lance na parang di ko alam kung nasaan na. Nang matapos, lumabas ako ng cubicle para ipakita kay Javier kung bagay ba sa akin o hindi ang gown. “Ang ganda mo, love,” nakangiti niyang sabi. “Kaya lang ang sabi mo, medyo makati sa balat ang tela?” “O-Oo eh. Parang mas gusto ko yung pangatlong sinukat ko,” sagot ko, pilit nagpapakakalmado pero ramdam ko ang bahagyang panginginig ng boses ko. “Tama ka, anak. Mas maganda nga iyon,” nakangiting sabi naman ni Mommy, at napakabait ng tono niya na para bang walang nangyari, pero ramdam ko sa dibdib ko ang init ng tension sa loob ng fitting room — at sa puso ko rin, kahit hindi ko matukoy. Dahil sa nangyari, pilit kong hindi na tiningnan si Lance. Ni hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, at kahit papaano ay medyo nakapaghupa ang kaba ko nang mawala siya sa view. “Okay, ipabalot ko na yung gown na nagustuhan mo para maisabay na pagkuha ng wedding gown ng Mommy mo,” singit ni Tito Lemuel, parang walang kamalay-malay sa inner chaos ko. Tumango ako at agad bumalik sa cubicle kasama si Mommy para makapagpalit na ng damit. Pagdating sa reception area, nadatnan naming mag-ina na may kausap sa phone si Javier habang sina Tito Lemuel at Lance ay nasa cashier. Halos nakapikit ako sandali, sinusubukan pang ayusin ang sarili ko para lamang hindi halata ang mga nangyari sa fitting room. “Love, I’m so sorry,” sabi ni Javier nang matapos ang tawag. Napatingin ako sa kanya habang nagsalita. “Kailangan ako ni Mommy, need kong umuwi na.” “Okay lang,” nakangiti akong tugon, sinamahan ng malambing na pagtango. Bumaling siya sa aking ina at nagpaalam na. “Oh, nasaan na si Javier?” takang tanong ni Tito Lemuel. “Tinawagan ng Mommy niya. Mukhang nagkaroon ng problema,” sagot ng aking ina, at napatingin ako sandali kay Lance na nakatitig sa cashier. Parang hindi ko maalis sa isip ko ang lingering na presensya niya. “Ganon ba? Paano yan, may lakad pa tayo? Cancel na lang natin para mahatid natin sa bahay si Alice?” tanong ni Tito Lemuel, halatang concerned. “May lakad kayo?” tanong ko, halatang nag-aalala rin kung magiging abala sila sa akin. “Oo, anak. Akala ko kasi diretso na kayong aalis ni Javier pagkatapos dito dahil sabi mo nga ay may date kayo. Yun nga lang, biglang may emergency yata sa kanila,” paliwanag niya. “Kung ganon, puntahan nyo na lang ang kailangan nyong puntahan. Pwede naman akong umuwi mag-isa,” sagot ko, pilit na kumakalmang boses ko, ayaw kong maging abala sa dalawa. Pero sa loob, alam kong hindi iyon makakatulong para mawala ang tingling tension kay Lance. “Wait, Lance. Why don’t you send Alice home muna?” tanong ni Tito Lemuel, at doon ako napalunok ng malakas. “Naku, hindi na, Tito Lemuel. Ayaw kong maabala si T-Tito L-Lance,” medyo nadapa ang boses ko sa pagsabi nito. Alam kong pwede siyang magalit, pero hindi ko kayang ipaliwanag ang tunay na dahilan. “K-Kaya ko naman umuwi.” No way! Hindi kami pwedeng magkasarilinan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD