Alice
“Okay class, make sure na ma-finalize n’yo nang maaga ang thesis n’yo para hindi na kayo magkaroon ng problema. But don’t rush it, baka hindi n’yo naman pag-isipan at kung ano-ano ang ilagay n’yo.”
Nagtilian at nagtawanan kaming magkaklase, lalo na ‘yung nasa tabi ko. Walang iba kundi si Shirley, ang babaeng may built-in amplifier ang ngala-ngala.
Tumitig siya sa akin, eyes wide, tapos napailing na lang ako. “Girl, kalma. Parang ikaw lang nag-e-enjoy sa stress,” bulong ko.
“Kahit kailan talaga, no filter,” dagdag ko pa, sabay taas ng kilay.
Pagka-alis ng prof, automatic na nag-transform ang buong classroom: from “quiet academic zone” into “marketplace level of noise.” May nagtatakbuhan, nag-aayos ng papel, may tumatawa na parang may comedy show sa harapan, at may ilang nagkukulitan sa likod. Usual.
“So… kamusta na ang step-uncle mo?” tanong ni Shirley—again. Kanina pa niya ini-interrogate ang utak ko mula umaga hanggang break time, pero deadma ako. Walang lumalabas na info kahit gusto niya pang pigain utak ko like a lemon.
“Alice!” malakas niyang sabi, kaya napatawa ako. Nakita kong nagtinginan saglit ang ilang kaklase namin, pero dahil sanay na sila sa energy ni Shirley, nagpatuloy na rin sila sa sari-sarili nilang ingay.
“Nakakairita ka na, girl! Like seriously, hindi ka ba talaga magkukwento?” Umusod pa siya palapit, parang ready nang kotongan ako.
Paano naman akong magkukwento? Seryoso ba? Sinong matinong babae at my age ang ipagmamalaki na pumayag siya sa ganung klaseng kontrata… kay Lance pa? The walking red flag with a stupidly attractive face?
“Wala nga, ang kulit mo,” sabi ko, kunwari focused habang nag-i-scroll sa aking cellphone. Tapos ay nagbaling ako ng tingin sa kanya. “Busy ako sa pag-research ng part ko sa thesis natin.”
Tumingin siya sa akin nang mabagal, ‘yung tipong nanunuot ang tingin. Nakataas ang isang kilay, parang human lie detector test.
“Alice…” she whispered dramatically. “Hindi ako tanga. At hindi ka rin marunong magsinungaling. Ang hinga mo nga iba na kanina pa eh.”
Umirap ako. “Excuse me? So pati breathing pattern ko binabantayan mo na ngayon?”
“Of course,” sagot niya, sabay pitik sa buhok niya. “Best friend duties ‘yan. Ngayon sabihin mo na… may kinalaman ba ‘yung step-uncle mo sa dahilan kung bakit parang… glowing ka today?”
“Glowing saan banda? Stress glow-up?”
“Hmp. Hindi ‘yon. ‘Yung tipong may tinatago ka glow.”
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Kung alam lang niyang wala pa sa kalahati ang nalalaman niya sa kalokohan na pinasok ko. At lalo na kay Lance.
Hindi na nakasagot pa ang bruha dahil dumating na ang last prof namin. Agad-agad nagkaroon ng mini-chaos sa classroom. Yun tipong “Uy, palit tayo ng upuan!” at “Bilisan n’yo nandyan si sir!” vibes. Kaya heto kami, nag-a-adjust ng seating arrangement, at medyo malayo na kami ni Shirley sa isa’t isa.
At to be honest? Nakahinga ako nang mas maluwag. Like, finally. Kasi kung katabi ko pa rin ang bruhang BFF ko, walang duda na dudugtungan niya ang interrogation niya about Lance kahit nagle-lecture na si prof. Wala talaga siyang takot sa attendance, participation grade, o maging sa kapalaran ko.
Iba talaga ‘pag genius.
Yes, matalino siya. Sobra.
As in kaya niya mag-discuss ng thesis topic namin habang nagmumukha akong malfunctioning robot dahil sobra akong stressed sa mga tanong niya. Pero kahit gano’n, hindi siya naiilang sa kahit sino sa klase. Siya ‘yung tipong noisy pero lovable, ‘yung approachable pero may pagka-menace kapag may chismis na gusto niyang kalkalin.
Pero kapag may chika about her and me?
Ay, ibang usapan na ‘yon.
Ako talaga ang lagi niyang napipiga. Ako ang unang naaapektuhan nang malala. Kasi once na may naamoy siyang “suspicious,” nakupo. Hindi siya papayag na hindi niya ako kukulitin hanggang lumabas ang buong detalye—pati ‘yung ayaw ko namang aminin kahit sa sarili ko.
At ngayon, habang nakaupo ako sa kabilang dulo ng row, ramdam ko pa rin ang tingin niya.
Yung tipong, “Girl, tatakas ka sa akin ngayon pero hindi bukas.”
Napalunok ako.
Great. End of the day pero hindi end of torture.
Madaling natapos ang klase namin. More on reminders lang, especially tungkol sa upcoming foundation week. May ilang activities na kailangan ng manpower. Puro pagse-setup ng booths ng department nila. Parang memo na rin mula sa prof namin na, “Guys, tulungan n’yo naman kami, please?”
But thankfully, hindi ako nasama sa list. Not because I’m irresponsible, pero dahil ayaw ko talagang tumambay nang matagal sa school. Nakakapagod. Nakaka-drain. Pero if ever na kailangan talaga, willing naman akong tumulong. Hindi lang ako ‘yung tipong nangunguna sa pagvo-volunteer.
Naglalakad na kami ni Shirley palabas ng building nang biglang tumunog ang phone ko. Napahinto ako, parang may sumabit sa lalamunan ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.
Javier.
My boyfriend.
Nagkatinginan kami ni Shirley. She didn’t say a word, pero grabe kung makatingin. Para siyang nanay na nagsasabing “Anak, ready ka na ba sa sasabihin mo?”
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko sinagot ang tawag. “Hey,” sabi ko pero kahit anong effort ko, ramdam ko pa rin ‘yung guilt na gumagapang sa boses ko.
Nag-soften ang expression ni Shirley, para bang naaawa. She knows exactly what this call means. Alam niyang matagal ko nang pinipilit paluin ang sarili ko para maging honest kay Javier about… sa nangyari sa amin ni Lance.
About the thing I should’ve never agreed to.
“Love, pauwi ka na ba?” tanong ni Javier, calm, warm, walang kaalam-alam sa bigat na dala ko.
“Kakalabas lang namin ni Shirley ng building,” sagot ko. “Pero yes, I’m about to go home. Why?”
“Can we eat out? Hindi tayo natuloy noong Saturday eh.”
Napalingon ako kay Shirley. Nag-thumb’s up siya, pero halatang forced, parang sinasabing, “Go. Kaya mo ‘yan. Kahit gusto kong dagukan si Lance ngayon din.”
“Okay ka na ba? Wala nang problema sa bahay n’yo?” tanong ko. Kasi noong Sabado, emergency ang tone niya. Hindi ko man lang nagawang mag-worry nang maayos noon dahil… dahil sa nangyari sa fitting room.
Dahil kay Lance.
“Yes, love. We’re fine now,” sagot niya. May sumingit na boses sa background, so natigil siya sandali. “So, can we eat together?”
At doon tumama. Diretso. Walang preno.
This is the moment.
Maybe… kailangan ko na rin ‘tong harapin. Kailangan ko nang tamaan ang sarili ko sa katotohanan. Hindi ko puwedeng ipagpatuloy ‘to with Javier. Hindi ko kayang maging “okay” sa harap niya habang dala ko sa utak ko ang mukha ni Lance lalo na sa nangyari nung Sabado. Kung paano niya ako hinalikan, kung paano niya ako pinigilan, kung paano niya ako ginulo nang sobra.
Pakiramdam ko… wala na akong maibibigay kay Javier na malinis. At ayaw ko siyang saktan nang paulit-ulit sa bawat araw na magpapanggap ako.
“I’ll wait for you sa gate,” sabi ko.
“I’m coming now. I love you,” masigla niyang tugon, at ang sakit pakinggan.
“I-I love you, too.”
Napatingin ako kay Shirley. Yung lungkot sa mga mata niya? Ramdam ko pa sa sikmura ko. She’s hurting for me. And maybe a little bit angry on my behalf. Kasi alam niya lahat. Alam niya kung bakit ako parang naduduwal sa guilt, bakit hindi ako mapakali, bakit ako kumakapit sa sarili ko ngayon.
Bumuga ako ng hangin. Malalim. Mabigat.
This is it.
This is really it.