Chapter 7

2166 Words
Chapter Seven Tutor —— Maaga ang pasok ko today kaya maaga din akong umalis ng bahay. Hatid-sundo ako ng driver namin at hindi naman ganun kalayo ang school sa bahay kaya hindi mahirap para sa akin ang pagpunta ng school anumang oras. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan, pinagmamasdan ang unti-unting paggising ng mundo sa bintana. Parang normal lang ang lahat, pero may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Pagdating sa school, diretso agad ako sa library para magbasa ng libro habang hindi pa nagsisimula ang klase. Kailangan kong ma-distract. Kahit papaano. "Zarina, pinapapunta ka ng faculty." Isang kaklase ko ang tumawag sa akin habang nasa gitna ako ng pagbabasa. Napakunot-noo ako at iniangat ang ulo ko sa kanya. "Bakit daw?" tanong ko, medyo naguguluhan. "Aba, malay ko. Puntahan mo para malaman mo," mataray niyang sagot habang naglalakad palayo. Tumiklop ako ng libro at huminga nang malalim. "Okay..." mahina kong bulong sa sarili, habang inaayos ang iilang gamit ko at inilagay sa bag. Tumayo na rin ako at tahimik na naglakad palabas ng library. I was walking carefully. Ingat na ingat ang bawat hakbang ko kahit na hindi naman masyadong madaming tao sa hallway. Mahirap na kasi baka bigla nalang akong madapa. Ang bilis pa naman kumalat ng bawat eksena dito sa school—lalo na kapag ikaw ang bida sa tsismis. Pumasok ako sa faculty area. Kumatok muna ako sa nakabukas na pintuan bago pumasok. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa aircon at mga matang sabay-sabay na tumingin sa akin. Medyo nakayuko akong naglakad papunta sa prof namin sa Calculus, si Sir Lorenzo. "Andito ka na pala, Zarina," mahinahong bati nito. "Good afternoon po, Sir Lorenzo," sagot ko, halos pabulong. Pinilit kong ngumiti kahit may kaba sa dibdib. Tumango siya at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi ng isang lalaki. "Umupo ka muna. May ipapakiusap sana ako sa'yo." Hindi ko agad tiningnan kung sino ang katabi ko. Nakayuko lang ako habang iniayos ang bag ko sa kandungan. Ngunit bigla na lang... "Ahem." Isang pamilyar na pag-ubo. Hindi malakas, pero sapat para mapalingon ako. At doon ko siya nakita. Solomon. I said his name almost a whisper. Parang binigla ako ng alaala. Parang may nahulog sa loob ng tiyan ko. Ngumiti siya. Hindi lang basta ngiti—kundi 'yung klase ng ngiti na parang binabalik ka sa isang lugar na hindi mo alam kung gusto mong balikan o takasan. Kumislap ang kanyang mga mata at lumitaw ang maliit na dimple sa kaliwang pisngi niya. Ngayon ko lang kasi siya napagmasdan ng ganito kalapit. "Hi," mahinang bati niya. May laman. May tanong. May alaala. Hindi ako agad nakasagot. Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko at pilit na iniiwas ang tingin. "Zarina," muling tawag ni Sir Lorenzo, na tila wala ring kaide-idea sa tensyon sa pagitan namin. "Kailangan kasi ni Solomon ng ka-partner sa isang peer tutoring project. Ikaw ang isa sa top sa class, and I thought baka pwedeng ikaw na lang. One week lang naman 'to." Bumaling ulit si Solomon sa akin, parehong kamay nakapatong sa desk, relaxed pero alerto. "Okay lang ba?" tanong niya, pero hindi 'yon tanong lang—parang may kasama na ring pakiusap. "Please?" Napakagat ako sa loob ng pisngi. Gusto kong tumanggi. Gusto kong tanungin kung bakit siya nandito, kung anong ginagawa niya sa tabi ko, kung bakit parang walang nangyari sa pagitan namin. Pero sa halip... "Opo, Sir," mahina kong sagot. Hindi ko siya tiningnan muli. Hindi ko rin alam kung paano ko haharapin ang buong linggo na magkasama kami. Pero isang bagay ang sigurado— Simula ngayon, hindi na magiging tahimik ang mundo ko. Mabilis ang lakad ko palabas ng faculty room, pero kahit anong bilis ng hakbang ko, alam kong hindi ko siya matatakasan. Solomon Sandoja. Basketball varsity. Tall, loud, and way too persistent. Hindi ako lumingon kahit narinig ko na ang mga yabag niya sa likod ko. "Zarina, wait lang!" Napahinto ako, pero hindi agad humarap. I let out a small sigh, rolled my eyes to myself, then slowly turned to face him. Kaswal. Wala akong balak magpakita ng kahit anong excitement sa presensiya niya. Pagharap ko, nand'yan na siya. Slightly breathless, but still with that annoyingly earnest face. As if he's here for something noble. "Okay ka lang?" "Naglakad lang ako, Solomon. Hindi ako na-dislocate." I crossed my arms. "What now?" "Tutoring," sagot niya, sabay kamot sa batok. "Pwede ba tayong mag-start this week? Kahit mga after class, kahit half an hour lang. Please?" Napakunot ang noo ko. "Akala ko ba next week pa tayo mag-uumpisa?" "Oo, pero kung okay lang... mas maaga, mas makakahabol ako. Sobrang dami ko nang na-miss, Zarina. As in, kahit 'yung calculator ko mukhang confused na rin." Napatingin ako sa kanya, then away. Ayokong matawa. Ganyan talaga siya. Laging may pa-joke kahit hindi naman talaga nakakatawa. Pero effort, I guess. "Fine," sagot ko. "Pero 'pag nalate ka kahit once, bawas limang puntos agad." "Ay, wow. May grading system ka pala." "Of course." Umikot ako at naglakad na palayo, pero natural lang—sumabay siya sa akin. Like a persistent shadow na hindi marunong sumuko. "So... saan tayo magtu-tutor?" tanong niya, trying to sound casual. "Library? Coffee shop? Sa—mansion mo?" Napalingon ako sa kanya nang mabilis. "Excuse me?" "Well," sabay taas ng kilay niya, "ikaw 'tong may mansion. Mas comfortable doon. May sariling aircon, tahimik, walang istorbo." "At may CCTV, kaya 'wag kang mag-attempt ng kahit ano." Napangiti ako ng bahagya nang makita siyang ma-struggle kung seryoso ba ako o hindi. "Chill lang. Seryoso ako sa tutoring. Kahit sa ilalim pa ng puno, go ako." "Sa library tayo," sagot ko. "Neutral ground. Walang makakapag-isip ng kung ano. Ayokong maging main character ng chismis ulit." "Copy. Library. Neutral. Walang halo." "Good. Kasi una nating topic: limits." "Limits?" Napa-groan siya. "Parang breakup 'yan ah. Ang hirap tanggapin." Napahinto ako at tiningnan siya. "Corny mo." "Pero napangiti ka." He noticed. "Next time, try harder. 'Wag mong asahan 'yan palagi." Bumalik ako sa lakad ko. "So noted. Pero pwedeng tanong?" "Ano na naman?" "Bawal bang maging kaibigan ang tutor?" Hindi ko siya sinagot. Naramdaman ko lang ang tingin niya sa gilid ng mukha ko habang naglalakad kami. Friend? Ngayon lang siya nagtangkang lumapit sa ganitong paraan. At kahit gusto kong sabihing hindi ako interesado... may part sa akin na curious kung ano bang habol niya talaga. "Tingnan natin kung makapasa ka muna," sagot ko, walang lingon. "Baka sa quiz pa lang, ma-friendzone ka na agad ng calculus." Narinig ko ang tawa niya—magaan, parang hindi sanay sa mga ganitong usapan pero game pa rin. At kahit ayaw kong aminin... ...I was starting to not mind his company. Sa loob ng garden nook sa likod ng main building, kung saan madalas hindi dinarayo ng ibang estudyante, nakaupo kami ni Atasha sa bench. Tahimik siyang nagbabasa ng fashion magazine habang ako, tahimik ring nag-stare sa bottle ng tubig ko na parang 'yun ang may sagot sa lahat ng tanong ko sa buhay. "Okay, spill," biglang sabi ni Atasha, hindi man lang nilingon ako. "Kanina ka pa ganyan. Para kang nag-away sa calculator mo." Napabuntong-hininga ako. "Hindi calculator. Si Solomon." Napalingon siya sa akin agad, interested. "Ay! May bago na namang update si varsity boy?" Inilapag niya ang magazine. "Ano, may declaration of love na? O na-damage na ba ang utak mo sa kakatingin sa cheekbones niya?" "Tash, please." Napa-irap ako. "Tumigil ka nga. Hindi ito rom-com." "But I live for the plot." Kumindat siya. "So, anong ginawa niya this time?" "Ayun. Gusto nang mag-start agad ng tutoring. Ngayong week na." "And...? Isn't that the plan?" "Yes, pero... ewan. He's being... weird." Napakagat ako sa labi, trying to find the right word. "Friendly. Casual. Parang....parang nagmamadali na hindi ko maintindihan." "Hmm. Sounds sus." "Exactly!" Napaikot ako ng katawan paharap sa kanya. "Parang ang bilis niyang mag-shift. Ngayon, gusto niya ng neutral ground, wala raw halong kahit ano, gusto raw niyang pumasa." "Maybe gusto ka lang niya talaga." Napatawa ako—hindi sa kilig, pero sa disbelief. "Atasha, hindi ito another k-drama. Hindi totoo 'yang 'may gusto siya sa'yo kasi pinapa-tutor ka niya' trope mo." "Seryoso ako." Tumagilid siya para harapin ako. "Z, let's be real. Lalaki 'yun. Varsity. He doesn't need to ask you for tutoring, alam mo 'yan. May ibang girls diyan na willing i-Google lahat ng calculus para lang makasama siya." Tahimik ako saglit. Hindi dahil hindi ako convinced—kundi dahil may point siya. "So, bakit ikaw?" tanong niya, habang kinukuha ang drinks ko nang hindi nagpapaalam. "I asked him that." Nilapag ko ang phone ko sa tabi. "Sabi niya, 'cause I'm the smartest girl sa calculus." "True naman." "I mean, yeah, pero... hindi ko alam kung 'yun lang 'yun. The way siya magsalita na parang may sinasadyang something, pero hindi niya sinasabi." "Ganyan talaga ang mga lalaki. Puro implication, walang klarong direction." "Hay." Napa-upo ako ng maayos, tinukod ang baba sa palad. "Ayokong mag-assume, okay? Hindi ako 'yung tipong nagde-daydream na baka ito na 'yon. Ayoko ring mainvolve. Lalo na ngayon. Ang dami nang nangyari." "But you're curious." Hindi ako sumagot. "Z," seryoso na ang tono niya, "you can tutor him without falling for him. You've done harder things. Pero kung sakaling 'yung guy na 'yon may balak—maybe... it's not the worst thing in the world." I scoffed, twirling the straw in my drink, watching as the ice clinked quietly against the sides of the plastic cup. "Hindi magkakagusto sa akin ang isang Theodore Solomon Sandoja," I muttered, eyes fixed on a small c***k running across the wooden tabletop. We were seated at one of the old outdoor study tables tucked behind the main school building—part of a small garden area barely used except by students who wanted peace and quiet. The stone path was worn, the metal chairs slightly rusted at the edges, but the breeze was cool, and the sunlight filtered gently through the canopy of trees overhead. Atasha sat across from me, one leg crossed over the other, sunglasses perched on her head, her blazer draped neatly over the back of her chair. She stand up absentmindedly, giving me a side-eye that I knew all too well. "Pero, bakit ka nga pala pumayag sa peer tutoring na 'yan?" she asked, her tone light but her stare unrelenting. I leaned back in my chair, letting out a quiet sigh as I stared past her at the low cement wall that separated the garden from the sports complex. "Hindi ko rin alam... or maybe because I can't say no," I replied, resting my chin on my palm. She raised an eyebrow and leaned forward, propping both elbows on the table. "At bakit di ka makatanggi?" she asked again, this time slower, like she was trying to read between my words. Then she leaned in closer. "May utang ka ba sa kanya? O guilty ka lang dahil cute siya?" I rolled my eyes, trying not to smile. But I could smell her perfume again—that familiar mix of roses and vanilla that always lingered even after she left the room. Kung lalaki lang ako... baka niligawan ko na 'tong kaibigan kong 'to. Maganda. Matalino. Mabait. Mabango. Laging may panindigan. Walang takot sa confrontation. Lagi nga lang absent..Unlike me. "Anong perfume mo?" tanong ko bigla, shifting the topic before she got too deep. She snorted and flicked a straw wrapper at me. "Wag mo ngang sagutin ng tanong ang tanong ko, bruha. Sagutin mo na kasi—bakit di ka makatanggi?" I gave her a small shrug, lips pressed into a thin line. "Eh kasi... mukhang mabait naman si Solomon, eh," I said, voice quieter now. "And besides, last year na rin natin 'to. After this, magka-kanya-kanya na tayo ng buhay. College ends, memories fade, people move on." She gave me a long look, her hand resting still on her drink now. A breeze stirred a few leaves across the pavement between us. "Z..." she said gently, her tone losing its teasing edge. "Pwede namang totoo na mabait siya. Pero pwedeng may part sa'yo na gusto lang siyang mapansin ka rin." I lowered my gaze to the table, tracing a small scratch on the surface with my fingertip. I hated how accurate she could be. "Ang drama mo," I muttered, trying to shake the tension off. "Parang pang-ending ng K-drama 'yung mga linya mo." "Oo, at ikaw ang bidang ayaw umamin sa nararamdaman niya," she said with a smirk, sipping her drink again like she had just dropped the most casual truth bomb of the week. I let out a soft groan and dropped my head to the table. "Wala talaga. Wala. As in wala." "Mmm-hmm." She tapped her nails on the table. "Keep saying that. Baka sakaling ako maniwala." And as I sat there, forehead resting against the cold wood, I realized I couldn't stop replaying that moment—when Solomon looked at me during
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD