Chapter Eight
Crush
—
Ang totoo?
Wala akong gana.
Wala akong ganang turuan si Solomon Sandoja ng calculus ngayong hapon—lalo na sa gitna ng school library kung saan parang bawat galaw mo, sinusukat ng hangin.
Nakakairita. Nakakakaba. At higit sa lahat, hindi ko alam kung paano sisimulan ang tutoring session na 'to.
⸻
"Late ka," bungad ko agad nang dumating siya. Walang pasensya. Walang pasintabi.
"Sorry, traffic sa hallway," he said, casually dropping his bag on the floor and sitting across from me like he didn't just waste seven minutes of my life.
Hindi ko siya tiningnan. Wala nang kailangang tingnan.
"Seven minutes is still late."
"Didn't think you'd mind," he replied, pulling out his pencil. "You look like you'd be busy anyway."
"Exactly. That's why I mind."
Binuksan ko ang calculus textbook. Tinapik ko ang worksheet na nasa pagitan namin.
"Solve this. Derivatives."
He leaned forward to read: f(x) = 3x³ – 5x² + 2x – 7
Nagkamot siya ng sentido.
"Chain rule?"
I raised a brow.
"It's a polynomial, not a composition of functions. Come on, you should know this."
"Right," he muttered, starting to write.
"So... 9x² minus 10x?"
Kinuha ko ang lapis mula sa kamay niya, marahan.
"Close. You forgot the derivative of 2x. That's 2. Constant terms disappear."
Tahimik siyang nanood habang sinusulat ko ang tamang sagot sa tabi ng gawa niya.
"Got it," he said quietly.
Tumahimik kami pareho. Hindi awkward. Pero hindi rin komportable.Parang naglalakad sa glass floor—hindi mo alam kung kailan babagsak.
"You don't really talk much, do you?" tanong niya habang sinusubukan ang susunod na problem.
Napatingin ako saglit sa kanya, tapos balik ulit sa papel. "I don't like wasting words."
He chuckled under his breath. "Makes sense."
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pag-check ng sagot niya. Mali pa rin. Pero at least ngayon, sinusubukan na niya.
"Bakit calculus?" tanong ko, not really expecting an answer.
"Why not?" balik niya, sabay buntong-hininga.
"My dad's an engineer. Sabi niya kung gusto ko raw patunayan na may silbi ako bukod sa basketball, I have to take this class. Kahit na alam naming pareho na hindi ito 'yung strength ko."
Napatingin ako sa kanya. Hindi para kutyain. Just... curious. At maybe, for a second, may nakita akong raw sa mga mata niya.
Pressure. Expectation.
Yung bigat na pamilyar.
"Pero di ba Econ ang kinukuha mo?" tanong ko, naguguluhan.
Nag-angat siya ng tingin at ngumisi.
"Edi sana araw-araw mo akong nakikita kung Econ ako. Engineering ang course ko."
Kumunot ang noo ko.
"Kung Engineering ang kinukuha mo... paano mo ako nakilala?"
He put down his pencil and sighed, like gearing up for something.
"You're quite popular, tulad ng sinabi ko sa'yo. I saw you at the math competition three years ago."
My mouth dropped slightly.
"You mean to say, kilala mo na ako noon pa?"
Tumango-tango siya, as if it was the most casual thing in the world. Parang hindi lang niya basta sinabi na kilala niya ako three years ago pa. Parang hindi lang niya inamin na matagal na niya akong pinapansin kahit hindi ko siya kailanman napansin.
Biglang nag-malfunction ang utak ko. Wait lang. Ano raw? Wala akong nasabi. Literal na parang nawalan ako ng script. At ayoko 'yon.
He rubbed the back of his neck, trying to avoid my stare.
"I've been your number one fan since day one."Then he gave a small, almost embarrassed smile. "Pero pwede ba... huwag na muna natin pag-usapan 'yon? Marami pa naman tayong oras, di ba?"
I blinked. Once. Twice. Number one fan?
Anong klaseng plot twist 'to?
Hindi ako sigurado kung matatawa ba ako o...
"So, fanboy ka pala?" I asked, trying to sound neutral. Not amused. Not touched. Not confused. Even though I was all of the above.
He shrugged, half-smirking. "Kung gusto mong tawagin na gano'n, sure. Pero hindi ako creepy, ha. Hindi kita sinundan sa bahay o kung saan man."
I rolled my eyes, pero hindi ko napigilan ang bahagyang pag-ngiti.
"Good to know. Baka kasi kailangan na kitang i-report sa guidance."
"Ouch," he said, feigning offense. "Grabe ka naman. Crush lang, agad guidance?"
Crush.
Napatingin ako sa kanya.
Maliit lang 'yung mesa sa pagitan namin, pero parang bigla itong lumawak. May hangin sa pagitan. May unsaid thing na hindi ko alam kung handa akong harapin.
I shifted in my seat, looking down at the worksheet again just to escape his eyes.
"Finish the worksheet before tomorrow," I muttered, my voice lower than before. "I'll check it before class."
⸻
"Zarinaaaa!"
Napalingon ako bigla.
A familiar voice.
Atasha.
Tumakbo siya papunta sa akin na parang may paparazzi sa likod niya.
Wearing her oversized sunglasses and her usual designer sling bag, she looked like a runway model who took a wrong turn and ended up in a public school.
"Found you," she said, slumping beside me. "Ang hirap mong hanapin! Kala ko naglaho ka na."
"Gusto ko lang ng tahimik."
"'Tahimik' is code for 'I need to be alone because I might punch someone,' right?" she smirked.
I rolled my eyes.
"More like 'I just survived tutoring Solomon Sandoja without flipping a table.'"
Her eyes widened.
"OMG. It started na? How was it? Was he annoying? Mabango ba siya?"
"Seriously?"
"Sorry, sorry." She held up her hands. "Girl instincts. Continue."
I sighed, leaning back.
"He doesn't know the basics. Tapos palagi pang late. Pero..."
Napahinto ako.
Bakit ba ako napahinto?
"At 'pero'?" tanong ni Atasha, eyes gleaming like she just smelled tsismis.
"Wala. Nakakairita lang."
She raised an eyebrow.
"So bakit ka parang hindi mapakali ngayon?"
"Hindi ako—"
"Zee. Your nose flares when you lie."
I turned to her, narrowing my eyes.
"Atasha, wala. Okay? It's just... weird. That's all. Parang ang gulo. Ang labo niya. He's failing math but pretending not to care, and then suddenly he says things that make me... think."
"Like what?"
Napatingin ako sa kanya. Medyo hesitant.
Pero bitaw na rin.
"Sinabi niya... na he's been my number one fan since day one."
Nanlaki ang mata ni Atasha. Literal.
"WAIT, WHAT?"
"'Wag mong isigaw."
"Paano niya nasabi 'yon? Kailangan ko ng context!"
Huminga ako ng malalim.
"Nagulat din ako, okay? Nasa middle kami ng worksheet tapos napunta sa usapan kung paano niya ako nakilala. I asked him kung paano niya alam ang pangalan ko kahit Engineering siya. Then he just said it—like it was no big deal."
"Zee. That is not a casual thing to say. That's like, lowkey kilig bomb."
"Exactly." I looked down at my shoes. "Hindi ko alam kung joke ba 'yon o... seryoso siya."
Atasha tilted her head. "Well, knowing you, kung joke lang 'yon, you would've rolled your eyes and walked out. But here you are. Sa rooftop. Reflecting."
I didn't answer. Because she was right.
"So... anong naramdaman mo?"
Tumahimik ako sandali bago sumagot.
"Parang... nainis ako. Kasi hindi ko alam kung sincere siya. Pero... natigil din 'yung mundo ko saglit."
Atasha let out a slow grin. "Boom. That's it. You're so not immune."
"Immune saan?"
"The Sandoja Effect."
"Please." I groaned. "Hindi siya ganon ka-special."
"Tell that to your cheeks. They're literally blushing."
I hid my face behind my hands.
"Atasha, shut up."
She just laughed, tapping my leg.
"Girl, I'm just saying—if your tutor starts confessing na fanboy siya, maybe he's not just there for the math."
——
Pag-uwi ko ng bahay, gabi na. Tahimik ang buong mansion—isang uri ng katahimikan na hindi nakaka-relax kundi nakakabingi.
Wala si Mama. Wala si Zoei. At gaya ng dati, mas lalong wala si Papa.
Si Ate Dolor lang ang bumati sa akin mula sa kusina, habang abala sa pag-aayos ng hapunan.
"Nasa kusina ako, iha, kung gusto mong kumain," malumanay niyang sabi, bahagyang sumisilip mula sa pintuan habang may hawak na sandok.
"Thanks, 'Te," mahina kong sagot.
Pero imbes na kumain, dumiretso ako sa kwarto. Hindi ko alam kung pagod ako o sadyang ubos na ang energy ko sa buong araw.
Pagkapasok, ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Malamig ang bedsheet, pero hindi iyon sapat para maibsan ang init na bumabalot sa dibdib ko—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa gulo.
Binuksan ko ang phone ko. May ilang notifs sa group chats, ilang IG stories na puro mukha ng mga kaklase kong hindi ko naman close. Pero tumigil ako nang makita ang pangalan niya.
Solomon Sandoja.
My heart skipped a beat—literally. As in, napahawak ako sa dibdib ko. Ang kulit ng katawan ko. Parang hindi natututo.
Binuksan ko ang message niya.
Solomon Sandoja:
I tried finishing the worksheet. Can you check if I'm on the right track?
[1 photo attachment]
Napakunot-noo ako. Wait lang... Kakaconfess lang niya kaninang hapon. Parang wala lang sa kanya? Parang... hindi siya naglabas ng isang bagay na dapat hindi niya sinabi?
Curious, binuksan ko ang photo.
At wow.
Maayos ang pagkakasulat. Linear. Malinis ang solution. May konting sablay sa signs, pero halatang pinag-isipan. Hindi lang yung tipo ng "bahala na" answer.
Napaupo ako ng diretso sa kama. Binalikan ko ang chat. Tiningnan ko ulit ang solution. Tapos bumuntong-hininga ako.
Nag-effort siya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Dapat ba akong ma-proud? Dapat ba akong mag-reply agad?
Pero imbes na kiligin o ngumiti—ang una kong naramdaman?
Nabahala ako.
Nagtype ako ng reply, binura. Type ulit, binura na naman.
Finally, sinend ko na lang:
Me:
Not bad. Signs lang ang medyo off. But good job.
At pagkasend ko, parang gusto kong bawiin. Hindi dahil rude. Pero dahil... bakit ako nagrereply nang ganito? Bakit ako nagpapaka-invested?
Ang totoo?
Ayokong maramdaman 'to.
Ayokong mapansin kung gaano siya ka-consistent mag-message.
Ayokong isipin kung gaano siya ka-seryoso magpatutor.
Ayokong bigyang-pansin yung tingin niya sa akin kanina—yung tipong parang may alam siya na ako na lang ang hindi umaamin.
Ayoko.
Pero eto ako.
Sa gitna ng kwarto ko, hawak ang phone, hinihintay ang reply ng isang taong dapat ay hindi ko man lang pinapansin.
Because Solomon Sandoja—basketball varsity, ex-campus heartbreaker, ang lalaking dapat iwasan ng tulad kong ayaw sa gulo—
was slowly becoming someone I couldn't ignore.
A few seconds later, nag-vibrate ang phone ko.
Solomon Sandoja:
Got it. Thanks, Zarina. :)
Also... sorry again for earlier. I didn't mean to make things weird.
Napalunok ako.
Weird?
You kissed me.
You confessed—out of nowhere. Tapos ngayon... "sorry" lang?
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakainis—yung ginawa niya o yung kaswal niyang pag-handle ng aftermath.
Napatingin ako sa kisame, hawak pa rin ang phone sa dibdib.
Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi ko na namalayang nagtype na pala ako.
Me;
It's fine. Just... focus on calculus. Yun lang naman 'yung deal, di ba?
Mabilis siyang nag-reply. Parang nag-aabang lang siya.
Solomon Sandoja:
Right. Strict tutor mode. Got it.
See you tomorrow?
Napailing ako.
See you tomorrow...?
Anong meron bukas?
Bigla akong napa-facepalm. Right. May tutoring session ulit kami bukas sa library. 4:30 PM, after his practice.
Nagreply ako, simple lang:
Me:
Don't be late.
Pagkatapos no'n, hindi na siya nag-reply.
Pero ako? Naiwan sa kama, nakatulala sa kisame, tahimik pero puno ng tanong ang utak ko.
Bakit ako bumabalik sa messages niya? Bakit ako nag-aalala kung makikinig ba siya bukas?
At bakit kahit ilang beses kong sabihin sa sarili kong hindi ako interesado, e parang may parte sa akin na gusto siyang maintindihan?
⸻
The Next Day – School Library, 4:38 PM
"Late ka, Again."bungad ko habang papasok siya sa library. Pawisan pa siya, mukhang dire-diretso galing practice.
"Eight minutes lang," ngiti niya. "But who's counting?"
"I am," sagot ko, sabay abot ng textbook.
Hindi na siya sumagot. Umupo siya sa tapat ko at agad nagbukas ng notebook. Tahimik muna kami. Ang naririnig lang ay ang mahinang hum ng aircon at ang pag-flip ko ng pages.
Pero kahit anong pilit kong i-focus ang sarili sa formulas at examples, ramdam ko ang titig niya.
"Stop staring," sabi ko, hindi tumitingin sa kanya.
"Wasn't staring," sagot niya agad. "I was just... checking if you were mad."
Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya sa akin, wala na 'yung pa-cool na ngiti niya.
"Mukha ba akong galit?" tanong ko.
"Honestly?" tumango siya. "Yeah. Parang gusto mo akong batohin ng chalkboard."
Napasinghap ako ng konti—at natatawang umiling.
"Wala lang ako sa mood," sabi ko. "Pagod lang."
"Okay," he said softly. "But... thanks for still showing up."
Hindi ko alam kung anong meron sa tono ng boses niya, pero parang may kurot. Walang humor, walang pilit—just real honesty.
Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong nakita ko sa mga mata niya, pero for the first time, nawala 'yung filter.
Bigla akong nagtanong—wala sa plano.
"Why me?"
Nagtaas siya ng kilay. "What do you mean?"
"Bakit ako ang pinili mong maging tutor? Hindi naman tayo magkaklase. Hindi nga tayo magkakilala ng lubusan. At alam mong hindi naman talaga ako nagtututor."
Hindi siya agad sumagot.
Tumagilid siya ng upo, nag-exhale. Parang pinag-isipan niya talaga.
Then, he said something I wasn't ready to hear.
"Because I wanted to fix something... even if I don't fully understand why I messed it up in the first place."
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.
Pero alam kong totoo 'yun.
At sa unang pagkakataon... hindi ako sigurado kung kaya ko pa talaga siyang iwasan.