Chapter 9

2679 Words
Chapter Nine Dinner Day 3 ng tutoring session namin ni Solomon. Mabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit sa library — hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaba. Parang may malamig na hangin na dumaan sa batok ko, at kahit pilit kong itinatanggi, alam kong may kinalaman iyon sa kanya. Lagi naman siyang late. Lagi. Kaya sinasadya ko na ring dahan-dahanin ang paglalakad. Wala rin namang saysay ang magmadali kung wala pa naman siya. Pagdating ko sa harap ng library, tahimik na ang paligid. Kakaunti nalang ang estudyanteng naroroon—perfect setting para sa isang focused na session. I pulled my phone from the front pocket of my uniform skirt and sent a quick message to Atasha. Me: "Mauna ka na ulit. I have to finish another tutoring session with Solomon." Mabilis siyang nag-reply. Atasha: "It's okay. May gig din ako tonight. Don't worry, kasama ko naman 'yung driver ko. Ingat ka, Z!" Napangiti ako kahit papaano. Atasha was always that kind of friend—understanding even when I didn't have to explain myself. "Kelan kaya ulit kami makakabonding?" I sighed to myself. Parehas kaming busy. Parehas din kaming may kanya-kanyang gulong iniikutan. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto ng library. Tumambad agad sa akin ang pamilyar na amoy ng papel, kahoy, at lumang aircon. Tahimik. Sagrado. Tumingin ako sa usual naming spot—isang mesa sa dulo, malapit sa bintana. At doon ako natigilan. Andoon na siya. Nakapwesto na. Nakaupo ng maayos. Nakabukas na ang kanyang calculus textbook, may hawak pang ballpen, at tila seryosong nagbabasa. Nag-aantay... sa akin? Parang huminto ang oras. I expected another five to ten minutes of silence before he came rushing in with that usual half-apologetic, half-charming smile. But not today. Ngayon, nauna siya. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng estante, sandali akong hindi nakagalaw. He wasn't wearing his usual varsity jacket or anything school-related. Instead, he had on a plain white shirt, tucked loosely into a pair of black pants. Simple lang — pero ang linis niyang tingnan. Parang hindi siya galing sa practice, napakafresh niyang tingnan. Maaliwalas ang aura niya. At sa hindi ko maintindihang dahilan... mukha siyang mabango. "Hi!" tawag pansin ko sa kanya. Agad naman itong bumaling sa akin, nakangiti. "You're here." Umupo ako dahan-dahan sa tapat niya, pilit na pinapakalma ang sariling puso. "Nauna ka ngayon," sabi ko, pinilit kong gawing casual ang tono pero nahalatang may halong pagtataka. Napatingin siya sa akin at sandaling ngumiti. Hindi 'yung nakasanayang pilit na ngiti. Ito, totoo. "Yeah," sagot niya. "Ayoko nang palaging late. Kahit minsan man lang, gusto kong ako naman 'yung maunang dumating." Napakurap ako. That... was unexpectedly sincere. "Hindi mo na kailangan mag-effort para lang hindi ako mainis," sabay tingin ko sa libro niya. "Basta makarating ka, okay na 'yon." Umiling siya, tumingin muli sa akin — diretso, pero hindi nakakailang. "Hindi dahil ayokong mainis ka," sagot niya. "Gusto ko lang ipakitang... seryoso ako dito." Tumahimik ako. Hindi ko alam kung anong "dito" ang tinutukoy niya — sa calculus tutoring ba, o sa...amin? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Inayos ko ang pagkakaupo, pilit iniiwas ang tingin. "Okay, let's start," sabi ko, kahit hindi pa ako handa. Pero ang totoo, kanina pa ako nagsisimulang gumuho. Binuksan ko ang sarili kong notebook at inilapag ito sa gitna naming mesa. Kinuha ko ang mechanical pencil mula sa pencil case ko at sinimulang hanapin ang part na dapat naming pag-aralan ngayon. "Last time, we finished derivatives," sabi ko, hindi tumitingin sa kanya. "Ngayon, we'll go through optimization problems. Medyo nakakalito 'to, pero once gets mo na 'yung logic, madali na lang siya." "Optimization," ulit niya. "Yung may mga word problems?" Tumango ako. "Yeah. Real-life applications ng derivatives. Like, finding the maximum area, minimum cost, fastest time, mga ganun." Umayos siya ng upo, bahagyang lumapit, halos magkadikit na ang mga braso namin sa gitna ng mesa. Napansin ko pero sinubukan kong hindi ipahalata. "Ready ka na?" tanong ko, hawak na ang whiteboard marker. Nakatutok kami pareho sa maliit na whiteboard na laging nakareserve sa table naming dalawa. "Hindi," sagot niya, diretso. "Pero kaya mo na 'kong turuan kahit ayoko pa." Napatingin ako sa kanya, kunwaring naiirita, pero sa totoo lang kinikilig ako. Pilyo ang ngiti niya. Parang sinusubukan niya akong buwagin sa loob, at nakakatakot kasi... baka nagtatagumpay siya. "Solomon," sabi ko, sabay irap. "Focus. Hindi ako bayad para tiisin 'yang jokes mo." "Bayad?" Tumawa siya ng mahina. "Sino bang nagsabing babayaran kita?" I just rolled my eyes. Hindi ko na pinatulan. Pinilit kong ibalik ang atensyon namin sa lesson. "Okay," sabi ko, sabay sulat sa whiteboard. "Let's say, you're designing a rectangular garden with a fixed perimeter of 100 meters. You want to find the dimensions that will give you the maximum area. How would you start?" Tahimik siya. Tumitig sa sulat ko, tapos kumamot sa batok. "Uhh... I'd draw?" "Good start." Kinuha ko ang notebook niya at sinulat ang sketch ng rectangle. "Let's say the length is x, and the width is y. Since the perimeter is 100 meters, we can write: 2x + 2y = 100." Tumango siya. "Okay, gets." "Now solve that for y in terms of x." Napaisip siya saglit, tapos dahan-dahang sumagot. "So... y = 50 - x?" "Exactly. Then we substitute that to the area function: A = x * y." "Which becomes... A = x * (50 - x)," sagot niya, mas mabilis na ngayon. "So A = 50x - x²." Napatingin ako sa kanya, medyo impressed. "Tama. Wow, you're actually—" "Smart?" singit niya, naka-ngiti ulit. "—paying attention," I corrected, rolling my eyes. Pero hindi ko mapigilan ang bahagyang pagngiti. Napatigil kami saglit. Tahimik ang paligid, bukod sa kaunting kaluskos ng papel at mahinang ugong ng aircon. Ilang segundo rin akong natigilan, nakatitig sa equation sa harap namin pero ang utak ko... nasa kanya. Bigla siyang nagsalita, mahina lang pero malinaw. "Zarina..." Napatingin ako sa kanya. "Ano?" tanong ko, pilit pinanatiling matatag ang tono. Tumingin siya sa notebook, tapos muli sa akin. May kung anong pag-aalinlangan sa mga mata niya, pero may halong tapang din. Parang may gustong sabihin pero hindi sigurado kung dapat bang sabihin. "Salamat," bulong niya. "For helping me. For... not avoiding me anymore." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Gusto kong itanong kung anong ibig niyang sabihin. Pero wala akong nasabi. Kaya tumango lang ako. Mahina. Halos hindi halata. "Okay," sabi ko sa wakas, basag ang katahimikan. "Let's find the maximum point of A = 50x - x². What do we do next?" Ngumiti siya, bahagyang may ngiti sa gilid ng labi. Pero hindi na siya nagsalita tungkol doon. Sumunod siya sa lesson. Nagpatuloy kami sa pagsagot, sa pag-compute, sa pagtuturo. Pero kahit anong derivative pa ang i-solve namin ngayon... hindi niya kayang alisin ang epekto niya sa puso kong unti-unti nang nabuhuksan para sa kanya. Matapos ang halos isang oras ng pagtu-tutor, napuno na ng equations, graphs, at scribbles ang notebook niya pati ang whiteboard sa harap namin. Hindi ko na namalayan ang oras — hindi dahil sa calculus, kundi dahil sa kung paano siya tumingin. Parang bawat simpleng tingin niya, may tanong. May alok. May pag-asa. Binaba ko ang marker at inayos ang gamit ko. Siya naman ay tahimik na nakatitig sa akin, hindi sa mga sulat o sa notebook, kundi talaga — sa akin. "Okay na tayo for today," sabi ko, pinipilit gawing normal ang boses ko kahit may kung anong bumabagabag sa dibdib ko. "Next session, we'll start related rates." "Related rates," ulit niya. "Masaya 'yon?" "Depende kung anong definition mo ng 'masaya,'" sagot ko, sabay ngiti ng tipid. Tahimik siyang tumango. Hindi pa rin siya tumatayo. Habang nililigpit ko ang whiteboard marker at binubura ang mga equations, narinig ko ang mahinang kaluskos ng kanyang upuan. Paglingon ko, nakatayo na siya — pero hindi pa rin umaalis. "Zarina," sambit niya, medyo mahina, pero sapat para mapalingon ulit ako. "Hmm?" "Gutom ka na ba?" Napakunot ang noo ko. "Ha?" "Alam ko late na. Baka hindi ka pa kumakain. Ako rin, to be honest." Napakamot siya sa batok, parang nahihiyang hindi maintindihan. "Ah, gusto mo bang... kumain tayo? Kahit quick lang. Treat ko." Natigilan ako. Hindi agad ako nakasagot. May bahagyang kabog sa dibdib ko, parang alarm na hindi ko alam kung dapat ba akong tumakbo o huminga lang nang malalim. "Hindi naman kailangan," sabi ko, mahinahon. "Kaya ko namang umuwi at kumain sa bahay." "Alam ko," sagot niya, tumingin sa akin nang diretso. "Pero gusto ko lang... makasama ka kahit saglit. Bilang pasasalamat. Or, I don't know... just dinner." There it was again. That look. That something in his eyes. Hindi siya nagpapatawa ngayon. Wala rin siyang tinatagong biro. Wala siyang suot na maskara ng varsity heartthrob. Siya lang. Si Solomon. At ako? Hindi ko alam kung ano ang mas malakas — ang logic kong nagsasabing "Zarina, delikado 'to, baka masaktan ka lang" o ang puso kong sumisigaw ng "isang gabi lang 'to... ano bang masama?" "Okay," mahina kong sagot, halos bulong. Napangiti siya. Hindi 'yung pabiro. Hindi rin 'yung mayabang. Ngiti ng taong... tuwang-tuwa. "Great," sagot niya. "May alam akong maliit na diner malapit lang sa campus. Tahimik. May masarap na sisig." Napatawa ako nang bahagya. "Sisig agad? Talagang pang-impress, ha?" "Alam kong weak spot mo ang crispy," tugon niya, medyo mayabang na ulit pero may lambing. "Narinig ko sa canteen dati. Sabi mo, 'basta may crisp, masaya na ko.'" Nagulat ako. "Stalker ka ba?" "Hindi," sagot niya, nakangisi na parang bata. "Observer lang." At bago pa ako makatanggi o magbago ng isip, kinuha niya ang bag niya at naglakad sa unahan ko. Tumigil siya sa pinto ng library at lumingon, hinihintay ako. Tahimik akong sumunod. At sa bawat hakbang ko papalabas ng library, ramdam ko ang malamig na hangin ng gabi — pero may mainit na bagay na pumipintig sa loob ko. Hindi ko alam kung pagkain lang ba talaga ang sadya niya. O baka... ako. Nakarating kami sa isang tahimik na diner. Walking distance lang mula sa school. Tahimik lang din ang buong lakad namin pero magaan. Hindi ako sanay sa ganito. Sa simpleng lugar na may dim light, old-school music sa background, at waiter na mukhang kilala na lahat ng suki. Pero strangely, hindi ako uncomfortable. Hindi rin ako defensive gaya ng dati. Dahil siguro... narito si Solomon. Tahimik lang. Walang pilit. Walang gimik. Parang totoo lang. Pinili niya ang mesa sa pinakatahimik na parte ng diner, malapit sa bintana. Umuupo na siya ngayon sa harap ko, habang iniikot ang basong may yelo, hinihintay ang inorder naming crispy sisig at garlic rice. "Kahit kailan 'di ko in-expect na makikita kitang kumain sa ganitong lugar," sabi niya, nakangiti habang nakatingin sa akin. "Wow, judgmental," sabi ko, pero may ngiti rin sa tono. "Hindi," sagot niya agad. "Nagulat lang ako. You're always so... proper. Parang laging may posture. Kahit sa cafeteria, parang may sariling spotlight." Napailing ako. "So sinasabi mong out of place ako dito?" "Actually, hindi," sagot niya. "Mas bagay ka kaysa sa iniisip mo." May kung anong kilig sa dibdib ko, pero pinigilan ko. Nagpaka-neutral ako kahit gusto ko nang ngumiti ng sobra. Pagdating ng waiter, inilapag niya ang sizzling sisig at garlic rice sa harapan namin, may kasamang malamig na iced tea. "Enjoy, lovebirds," sabi pa niya bago umalis. Walang nag-sorry. Walang nag-korek. Tumawa lang kami pareho. Habang kumakain, napunta kami sa personal na usapan. Hindi ko akalaing siya pa ang magsisimula. "Alam mo, dito ako madalas kumain pag gusto kong mag-isa," sabi niya habang nilalagyan ng kalamansi ang sisig. Napataas ang kilay ko. "Really? Diner food?" "Yup," sagot niya, proud. "Walang judgment, walang expectations. Mas gusto ko 'to kaysa sa mga fancy restaurants na puro white tablecloths at mahahabang pangalan ng pagkain." Napatawa ako. "So... hindi ka mahilig sa five-course meals with wine pairings?" "Ginagawa ko lang 'yon para sa mga event ng pamilya," sagot niya. "Pero kung ako lang masusunod? Give me sisig, garlic rice, and tahimik na mesa any day." Napangiti ako. Somehow, nakakagaan sa loob marinig 'yon. Dahil kahit pareho kaming mayaman, ngayon lang ako nakaramdam ng pagiging "pantay" sa isang taong kapareho ko ng mundo. "Hindi ka ba nahirapan... growing up in that kind of life?" tanong ko. "Na parang laging may image na kailangang i-maintain?" Tumango siya, naging seryoso ang mata. "May pressure, oo. Pero sinubukan kong piliin kung sino talaga ako sa likod ng lahat ng 'yon. I think that's why mas gusto ko ng simpleng lugar — mas madaling huminga." Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pero naiintindihan ko siya. Pareho kami. Pareho ng mundo. Pareho ring may ginagampanang papel na hindi namin laging pinili. "Zarina," tawag niya, dahan-dahan. "Thanks for saying yes." Nagulat ako, pero ngumiti rin. "Me too," sagot ko. "Masarap pala ang sisig dito." "At masarap kang kasama," dagdag niya, sabay kindat. Napailing ako, pilit pinipigilan ang tawa. Pero deep down... umaasa akong totoo 'yung sinabi niya. Hindi lang 'yung sisig. Hindi lang 'yung gabi. Pagkatapos naming kumain, sabay kaming lumabas ng diner. Malamig ang hangin, pero hindi ko ininda. Naglakad kami sa sidewalk, walang gaanong tao. Hanggang sa tumigil siya at tumingin sa akin. "Next time... sana may next time pa.. libre ulit kita." sabi niya. "Pero ikaw pipili ng lugar." Nagulat ako. "Bakit?" "Gusto kong makita kung saan ka kumportable. Gusto kong makilala 'yung version mo... na hindi kailangan maging 'perfect.'" Tumingin ako sa kanya. Tahimik. Totoo. At sa gabing 'yon, kahit wala kaming malinaw na label, kahit hindi pa namin alam kung anong eksaktong meron — alam kong may nagsisimula. Hindi dahil sa yaman. Hindi dahil sa pressure. Pero dahil, sa simpleng hapunan, sa simpleng usapan...naging totoo kami. Hindi kami nag-usap masyado sa kotse. Hindi awkward ang katahimikan — actually, parang kailangan namin pareho. Parang sobra na kaming napuno ng kung anong hindi mabigkas sa pagitan, at ngayon, sapat na ang damang naroon. Pinara niya ang sasakyan sa tapat ng mansion. Naka-on pa ang ilang ilaw sa loob, pero tahimik na ang buong bahay. "Thanks for tonight," mahina kong sabi habang binubuksan ang seatbelt. "Thank you," sagot niya. "Kahit hindi mo aminin, I know you needed that break." Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo laging inuuna ang nararamdaman ko kaysa sa sarili mong iniisip?" Bahagyang ngumiti siya, pero may lungkot din. "Because... I know how it feels not to be asked that." Sandali akong napatigil. Hindi na ako sumagot. Imbes, binuksan ko ang pinto at lumabas. Pero bago ako tuluyang magsara ng pinto, narinig ko ang boses niya. "Zarina." Lumingon ako. "Kung may gusto kang takasan... o kahit gusto mo lang ng katahimikan," sabi niya, "you can call me. Kahit hindi para sa calculus." Hindi ko napigilang ngumiti. Mahina. Tipid. Pero totoo. "Okay," bulong ko. "Good night, Solomon." "Good night." Tahimik sa loob. Lahat ng kasambahay tulog na. Wala na rin sina Mama't Papa — baka nasa kabilang wing o out of town. Sanay na ako sa ganito. Hinubad ko ang sapatos, binaba ang bag, at umakyat sa kwarto. Pagdating ko sa kama, hindi ko agad in-on ang ilaw. Umupo lang ako sa gilid, hawak ang phone. May unread message mula kay Atasha. Atasha: "Safe ka? How was it?" Napaisip ako bago mag-reply. Me: "Masarap ang sisig." Nag-reply siya agad. Atasha: "LOL. Is that code for 'I had a nice time with him'?" Me: "Maybe." Napangiti ako. Higa ako sa kama, nakatitig sa kisame. Ang daming tanong na dumaan sa isip ko: Bakit biglang ang dali niyang lapitan? Bakit parang alam niya kung kailan ako fragile, kahit hindi ko ipinapakita? Bakit ako pumayag? Pero higit sa lahat... Bakit parang gusto ko ulit siyang makita? Hindi ito parte ng plano. Hindi ito bahagi ng roles na dapat naming ginagampanan sa mundo ng mga may pangalan, reputasyon, at expectations. Pero ngayong gabi, sa gitna ng simpleng dinner at mahinang tawanan, hindi ako si Zarina Marie Gonzales na anak ng negosyante, tutor, o 'yung palaging composed na babae. Ngayong gabi... ako lang 'yon. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, gusto ko siyang makilala pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD