Chapter Ten Phone Call — "How was your tutoring session going so far?" tanong ni Atasha habang nakaupo kami sa favorite naming bench sa school garden. May ngisi sa labi niya, yung tipikal niyang 'I-know-something-you-don't' look na nakakainis pero hindi ko rin naman matanggihan. Bumuntong-hininga ako at saka sumandal. "So far, so good," sagot ko habang pinagmamasdan ang mga dahon na nahuhulog sa damuhan. "Sana lang talaga ay pumasa siya sa final exam. Sayang effort kung hindi." "Hmm," kumindat siya. "Mahirap ba siyang turuan?" Napaisip ako sandali. "Actually, mabilis siyang matuto. Hindi naman siya bobo, ha. Marami lang talaga siyang na-miss sa klase. Parang... may kung anong bigat na bitbit siya, kaya minsan wala siya sa focus." Nagtaas ng kilay si Atasha, tapos biglang ngumisi nan

