Chapter 4
Call
""Sorry, miss!"
Isang siko ang tumama sa braso ko. Hindi malakas, pero sapat para mabitawan ko ang bag ko. Tumilapon ang laman sa sahig—ID, lip gloss, phone, wallet, mga resibo.
"Tangina naman," mahina kong bulong, agad na yumuko para pulutin ang gamit. Siksikan ang lugar, parang bawat galaw ng tao ay laban sa'yo.
Then, a voice.
"Zarina?"
Nanlamig ako.
Hindi agad ako tumingin, pero alam ko.
Alam ko.
Of all places.
"Here, nahulog 'to."
Inabot sa'kin ang ID ko. Slowly, I looked up.
Solomon Sandoja.
Nakatayo siya sa harap ko, hawak ang ID ko na parang trophy. Parang hindi siya biglang nagpakita sa gabi na pinili ko lang sanang makalimot.
"Thanks," sabi ko, maikli, flat, sabay kuha ng ID mula sa kamay niya. Tumayo agad ako, pilit nilalamon ang inis na bumubukal sa lalamunan ko.
"Di ko akalaing ikaw 'yan," sabi niya, parang walang nangyari. Parang hindi siya ang dahilan kung bakit ako binansagan sa school forum bilang "easy," "papansin," "malandi."
"Hindi mo kailangan magsabi ng kahit ano," sagot ko, malamig. "Kaya ko 'to."
"Hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang tumulong."
"Solomon," napabuntong-hininga ako, pinilit maging kalmado, "this isn't your moment. So please. Walk away."
Tahimik siya. Tinitigan lang ako.
"I wasn't looking for you," dagdag ko. "I was just trying to exist somewhere you weren't."
"Look, I know it got messy. I didn't mean for any of it to happen. That kiss—"
"Huwag mong ulitin 'yan." Tumingin ako sa kanya, malamig, tahimik pero matalim. "We both know it didn't mean anything. Pero ako 'yung binansagan. Ako 'yung tinawanan. Hindi ikaw."
Tumango siya, slowly. Parang nauubusan ng rason.
"I already said sorry."
"And I already said I want you to stay away."
Gusto ko nang umalis, pero humarang siya, hindi marahas—makulit lang.
"Zarina, I just want to fix it."
"Then leave me alone."
Diretsong tingin. Walang pakiusap, walang alinlangan.
Tumalikod ako. Pumunta sa pinakaunang bakanteng mesa na makita ko. Hindi na ako lumingon pa.
Kasi hindi ko kailangang makita kung anong expression ang meron siya.
Wala akong utang na loob.
At higit sa lahat—wala akong utang na paliwanag.
Pagkaupo ko sa sulok ng bar, pilit kong pinapakalma ang sarili. Malamig ang baso sa kamay ko pero mas malamig ang pakiramdam ko sa loob. Parang hindi na ako kasya kahit saan. Lalo na dito.
Binuksan ko ang phone ko. May ilang notifications. Wala akong balak tingnan. Pero may isa akong thread na binuksan agad.
Zarina: Ash, umalis ka nang hindi nagsasabi. 😒
Zarina: San ka na?
Ilang saglit bago nag-reply.
Atasha: Sorry, babe. Handler dragged me to a last-minute meeting. May bagong prospect for a fashion collab. 😭
Atasha: I'll call you after, swear! Okay ka lang?
Napatingin ako sa paligid. Sa mga taong nagsasaya, sumasayaw, nagkukulitan—samantalang ako, naalala pa rin ang tingin ni Solomon. At ang mga salitang ayaw ko nang balikan.
Zarina: I saw him.
Atasha: ...who?
Zarina: Guess.
Atasha: OMG. Don't tell me it's HIM-him?!?
Zarina: Unfortunately.
Atasha: Tangina. Breathe ka muna. Did he say anything? Did he touch you? Gusto mo ba akong tumakas sa meeting? Magpahanap ako ng excuse?
Napangiti ako nang kaunti. Si Atasha pa rin talaga. Kahit kailan, handang tumakbo kahit kalagitnaan ng meeting kung tatawagin ko.
Zarina: No need. He said sorry. Again. I told him to disappear. Again.
Zarina: I'm going home.
Atasha: Text me when you get there, please.
Atasha: And hey... I'm sorry I wasn't there.
Zarina: I get it. Work comes first.
Zarina: I just wish I wasn't always the one left behind.
Hindi na ako naghintay ng reply. Baka mabasa niya 'yon at mapatakbo nga talaga. Ayoko siyang guluhin. Alam kong pangarap niya ang proyekto na 'to.
Tumayo ako. Dumiretso palabas ng bar. Hindi na ako lumingon.
⸻
Pagdating ko sa bahay, tahimik. Wala pang alas-onse, pero parang tulog na ang buong mundo. Bukas ang ilaw sa sala, pero walang tao. Katulong lang yata ang gising.
Hinubad ko ang sapatos sa pinto. Barefoot akong lumakad papunta sa kusina, nagbuhos ng tubig. Walang ingay. Walang bumati. Walang nagtanong kung ayos lang ako.
Pag-akyat ko sa hagdan, tanaw ko pa ang silweta ng mama't papa ko sa loob ng kwarto nila—may TV na bukas. Nanonood siguro ng news. O drama. O baka wala lang silang pake.
Pumunta ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw. Nahulog ang bag sa sahig. Hinayaan ko lang.
Nahiga ako sa kama, hindi man lang nagpalit ng damit.
Tumingin ako sa kisame. Walang laman. Walang tugtog. Walang boses.
Just the echo of what Solomon said.
"I just want to fix it."
And the louder voice inside me saying—
Then why did you let me be the only one ruined?
Tumunog ang phone. Isang notification. Mula kay Atasha.
Atasha: Call me if you can't sleep. Kahit 3 AM. I got you.
Napikit ako. Mahigpit ang kapit sa unan.
Pagod na pagod na akong maging matatag sa lugar na kahit kailan, hindi ko naramdaman na tahanan.
Tanghali na nang magising ako kinabukasan.
Masakit pa rin ang ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa puyat, sa alak, o sa bigat ng nararamdaman ko. Pagmulat ng mata ko, ilang minuto lang akong nakatitig sa kisame, hinahabol ang alaala ng nangyari kagabi. Yung sigaw ko. Yung hawak ni Solomon sa braso ko. Yung mga matang puno ng tanong pero walang lakas ng loob na magsabi ng totoo.
Kahit pagod ako, nagawa ko pa ring bumangon at mag-half bath. Ramdam ko ang lamig ng tubig na parang gustong tanggalin ang lahat ng natitirang bakas ng gabi sa balat ko. Pero hindi kayang linisin ng tubig ang bigat sa dibdib ko.
Suot ko pa rin ang manipis kong sleepwear—isang kulay peach na satin na may maluwang na laylayan—bumaba ako ng hagdanan nang marinig ko ang mahinang usapan sa sala.
At doon ko sila nakita.
Nasa paboritong upuan si Papa—yung tan leather recliner na ayaw niyang pinauupuan sa iba. Katabi niya si Mama, nakaayos na parang may lakad. At naroon si Zoei, ang ate kong laging perpekto sa mata nila, walang pakialam sa mundo habang abala sa cellphone. Parang siya pa ang bisita, pero siya ang palaging bida.
Huminga ako ng malalim. Kahit nangangatal ang sikmura ko, pinilit kong ngumiti at magpakita ng galang.
"Good morning po," bati ko sa kanila, pilit na magaan ang tono.
Hindi man lang tumingin si Mama. Si Papa, sumulyap lang saglit. Pero si Zoei... ah, si Zoei ang laging may oras para manakit gamit lang ang dila niya.
"Buti nagising ka pa?" sarkastikong sabi niya, hindi man lang nilingon.
Napapikit ako saglit. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—yung tono niya o yung wala man lang nagtanggol sa akin.
"Where were you last night?" malamig na tanong ni Papa.
Walang emosyon. Parang abogado sa korte. Pero mas malupit, kasi anak niya ako.
Napalunok ako. Biglang uminit ang batok ko. Hindi ba pwedeng umupo muna? Mag-almusal? Umaga pa lang pero parang sinasakal na ako ng mga tanong nila.
Hot seat agad.
"
⸻
"Sa fashion po ni Atasha, Pa." mahina kong sabi, halos hindi marinig. Nakayuko ako, at pilit kong pinipigil ang panginginig ng boses ko. Nakahawak ang mga kamay ko sa laylayan ng sleepwear top ko, mariing kinakagat ang loob ng pisngi ko para lang huwag akong mapaiyak.
Biglang dumagundong ang boses ni Papa sa buong living room, at para akong kinuryente sa gulat.
"Fashion show? Alam mo ba kung ilang taon ka pa lang? You're only nineteen for Pete's sake, Zarina!"
Halos mapaatras ako sa lakas ng sigaw niya. Nakaramdam ako ng kilabot na parang bata ulit—bata na walang laban, walang tinig, at palaging mali.
Sanay naman na akong napapagalitan, sanay na sa taas ng boses niya, pero bakit ang sakit pa rin? Bakit parang sa bawat salitang binibitawan niya, tinatadtad ang puso ko?
Napatingin ako sa gilid kung nasaan si Mama. Tahimik lang siyang nakaupo. Wala man lang kahit isang sulyap sa'kin. Ni hindi niya ako matingnan sa mata.
Nagpaalam ako sa kanya kagabi. Alam niya. Sinabi ko. Hindi siya tumutol. At nandoon din si Ate, tahimik pero nandoon. Bakit ngayon parang ako lang ang may kasalanan?
Kinagat ko ang pang-ilalim na labi ko, pinipilit pigilan ang luha na kanina pa nagbabanta sa gilid ng mga mata ko. Hindi ako iiyak. Hindi ako papayag.
"Hindi po ako sumali, Pa. Sinamahan ko lang po si Atasha. Hindi ko alam na—"
"Hindi mo alam?" sabat ni Papa, mapanlinlang ang tono. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at ilang hakbang na lang, nasa harap ko na siya. "Hindi mo alam, o sinadya mong ipagsawalang-bahala?"
Parang sinampal ako sa sinabi niya. Sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng pinaghirapan kong itindig sa sarili ko. Lahat ng pagpipigil, lahat ng pag-unawa—naglaho sa isang salita.
Tumingala ako sa kanya, at sa unang pagkakataon, sinubukan kong magtanong.
"Bakit po gano'n? Bakit parang lahat ng kilos ko, kasalanan agad? Hindi niyo man lang po ako pinapakinggan."
Napatingin ako kay Mama ulit. Umaasa akong magsalita siya. Kahit isang salita. Kahit simpleng "Tama na." Pero wala. Wala siyang imik.
"Zarina," malamig ang boses ni Mama, "huwag ka nang sumagot. Mas lalo mo lang pinapalala."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Hindi ko na napigilan ang panginginig ng labi ko. Napakapit ako sa laylayan ng suot ko nang mas mahigpit, parang iyon na lang ang kakampi ko sa mundong 'to.
"Bakit ang unfair?" bulong ko sa sarili ko, halos wala nang boses.
"Sobrang unfair mo, Papa..." Hindi ko man masabi nang malakas, sigurado akong narinig niya, dahil bahagyang lumalim ang hinga niya. Pero tumalikod siya, parang walang narinig.
Tahimik. Ang buong sala, parang nabalot ng yelo.
Nang tumalikod ako papunta sa hagdan, dala ko ang isang damdaming hindi ko maipaliwanag. Galit. Lungkot. Pagod. Pero higit sa lahat, **pagkabitin—**na sana kahit isang beses, pinili nila akong pakinggan.
Pagkatapos kong isara ang pinto ng kwarto ko, bumagsak ako sa kama. Hindi ko na kinaya pa. Hindi pa man ako nag-aalmusal, punong-puno na agad ng bigat ang sikmura ko — puro hinanakit, puro tanong.
Nakatingin lang ako sa kisame, pero wala akong nakikita. Pakiramdam ko, kahit liwanag ng araw na pumapasok sa bintana, hindi ako maabot.
Inabot ko ang phone ko sa gilid ng unan. Hinanap ko agad ang pangalan niya.
Calling... Atasha.
Isang ring lang, agad niya akong sinagot.
"Z?"
Boses niya, bahagyang paos, pero alerto.
"Anong nangyari?"
Hindi ko na pinatagal.
"Sinigawan ako ni Papa," mahinang sabi ko, pilit nilulunok ang kirot sa lalamunan ko.
"Dahil lang sa pagpunta ko kagabi. Akala niya sumali ako sa fashion show."
"Wait, what?"
Agad siyang bumangon, ramdam sa boses ang gulat.
"Hindi nga! Eh nanood ka lang naman! Nasa audience ka buong gabi! Ako 'yung nasa stage!"
"Exactly."
Bumuntong-hininga ako. "Pero hindi siya nakikinig. Wala siyang pake. Basta nakita raw akong nandoon, mali na agad."
Narinig ko ang pagkabigla at galit sa kabilang linya.
"Ugh. Z... that's so— that's so unfair. As in sobra. Alam ng Mama mo 'di ba? Na manonood ka lang?"
"Oo."
Tumagilid ako sa kama, hawak-hawak ang phone sa dibdib. "Nagpaalam ako sa kanya. Hindi siya tumutol. Wala naman akong nilihim. Pero kanina sa sala? Tahimik lang siya. Ni hindi ako ipinagtanggol."
Tahimik si Atasha ng ilang segundo. Saka siya nagsalita, mababa pero mariin ang tono.
"Hindi mo deserve 'yan, Z. Hindi ka dapat pinapagalitan sa bagay na wala ka namang kasalanan. You were just there to support me."
"Tapos ang dating sa kanya, ako pa 'yung pabaya. Irresponsible. Parang wala akong alam sa sarili ko."
Umiikot na naman ang luha sa mata ko. Pinipigil ko, pero mabilis silang bumigay.
"Tash... ang unfair talaga."
"Alam ko."
Mahina rin ang tinig niya. "At hindi ka mali. Hindi mo kailanman kasalanan maging supportive sa kaibigan mo."
"Pero bakit parang kasalanan lahat ng kilos ko? Kahit anino ko, mali sa paningin nila."
"Because they're looking for faults instead of seeing your heart."
Huminga siya nang malalim. "And it's their loss. Hindi mo kailangan mag-explain sa mga taong sarado ang tenga. I see you, Z. I always do."
Napakapit ako sa unan ko. Mahigpit. Para akong giniginaw kahit tirik ang araw sa labas.
"Alam mo ba, hindi man lang ako makatingin kay Mama kanina. Parang wala akong karapatang magsalita. Hindi niya ako pinansin."
"I'm so sorry," bulong ni Atasha. "Pero ako, makikinig ako. Palagi. Kahit paulit-ulit mo pang sabihin kung gaano kasakit 'to."
"Hindi ko na alam, Tash. Ang hirap. Ginagawa ko naman ang tama, 'di ba?"
"Oo. Sobra pa sa tama. You're one of the kindest, most grounded people I know. Pero kahit gaano pa tayo kaingat, may mga taong gugustuhin pa ring baliktarin ang kwento. Pero Z, hindi ka nag-iisa. I'm here."
Napapikit ako. Isang malalim na buntong-hininga. At sa gitna ng gulo sa puso ko, may konting katahimikan na dinala ang boses ni Atasha.
"Gusto mo ba akong puntahan kita? Or gusto mo, tayo na lang lumabas? Kahit kape lang. Kahit tahimik lang tayo."
"Mamaya..." sabi ko, bahagyang humihikbi pero pilit lumalaban. "Kailangan ko lang ng konting oras para bumangon ulit."
"Take your time, Z. Nandito lang ako."
"At kung may magsabi ulit sa'yo ng mali ka, call me. Ako ang babangga sa kanila."
Napatawa ako kahit pa may luha pa rin sa mata ko.
"You're the best."
"Always."
Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kanila. "Mag-aalmusal lang ako, then I'll wait for your text. Huwag ka masyadong magpakulong sa kwarto, ha? Sayang 'yung blush on kahapon."
"Shut up," sabay tawa. "Thanks, Tash."
"Lagi. Call me anytime, Z. Hindi mo kailangan tiisin 'to mag-isa."