Chapter 3
Encounter
Weekend ngayon, at kasama ko si Atasha sa isa sa pinakamalaking araw ng buhay niya — ang kanyang fashion show. Nasa unahan ako ng venue, VIP seat, diretsong tanaw sa runway kung saan ilang minuto na lang ay maglalakad na siya kasama ang iba pang mga modelo. Siya mismo ang nagbigay ng pass sa akin — personal, may pangalan ko pa.
Sabi niya, summer daw ang theme. Kaya kung sakaling makita ko siyang naka-bikini mamaya, hindi na raw ako dapat mabigla. Kilala ko si Atasha — palaban, confident, at hindi kailanman natakot ipakita kung sino siya.
Suot ko ngayon ang paborito kong floral mini sundress. Yung parang sinadyang simple pero maganda. Kulot ang buhok ko, malayang bumabagsak sa balikat ko, wala akong suot na accessories — just myself, stripped down but present.
Habang hinihintay ang simula ng show, pinakikiramdaman ko ang paligid. Ang dami nang tao. May iilang may dalang banner — siguro may celebrity na lalakad o nanonood. Ang ingay, pero may kaakibat na excitement.
"Zarina?"
Biglang may tumawag sa akin. Agad akong napalingon.
Doon siya — naka-blue vest top at white trousers, palaging mukhang composed at elegante. Pero sa mga mata niya, may kaba. Parang ayaw niyang makita ng iba na kinakausap ako.
"Ate Zoei?"
"Bakit ka nandito?" tanong niya, habang panay ang lingon niya sa kaliwa't kanan. Para bang nahihiya. O baka natatakot may makakita.
"Si Atasha ang nagyaya. Isa siya sa mga model ngayon," sagot ko, mahinahon, kahit pa ramdam ko na unti-unting umiinit ang sikmura ko.
"Alam ba nina Mama at Papa na nandito ka?"
"Kahit naman magpaalam ako, wala naman silang pakialam. So ano pang silbi?"
Umilaw ang inis sa mga mata niya — pamilyar. Ganyan siya, ganyan siya laging tumingin sa akin kapag feeling niyang may mali na naman akong ginawa.
Si Ate Zoei. Limang taon ang tanda niya sa akin. Akala niya noon siya lang ang magiging anak — at siguro mas masaya nga siya noon. Pero dumating ako. At mula noon, lahat ng bagay ay naging paligsahan.
Kung may medal ako, dapat dalawa ang kanya. Kung may papuri ako, dapat may mas malaki siyang achievement. Ang masakit, palaging siya ang pinapanigan nina Mama at Papa.
Bata pa lang ako, umiiyak na ako halos araw-araw. Sa presensya niya, pakiramdam ko laging kulang ako. Kaya pinaghihiwalay kami noon — pero kahit anong distansya, hindi talaga nawala yung lamat.
Lumaki kaming parang magkaibang mundo. Magkadugo, oo. Pero magkalayo ang loob. At tinanggap ko na lang 'yon.
Bumalik ang atensyon ko sa stage. Hindi ko na siya pinansin.
Dumilim ang paligid. Tumunog ang music. And then — spotlight.
Si Atasha. Suot ang lemon-colored two-piece swimsuit. Confident ang lakad niya, proud ang tingin, at parang walang kahit sinong makakapigil sa kanya. Kumakaway ang audience, may mga sumisigaw pa ng pangalan niya.
Pumalakpak ako. Malakas.
Tumawa ako habang pinapanood siyang rumampa. Ang lakas ng dating niya. Ang ganda niya. Literal na kumikintab ang balat niya sa ilaw. Ang lakad niya — firm, confident, free. Ang bawat galaw ng balakang niya, sinasayawan ang pressure, ang expectation, ang takot.
Para siyang sinasabi: This is who I am. I deserve to be here.
At ako? Nakatitig lang. Proud. Masayang-masaya para sa kanya.
Pero habang nakatingin ako sa kanya, may kirot na hindi ko mapaliwanag.
Bakit siya ganun katapang?
Bakit ako... hindi?
Ang dami kong gustong gawin. Gustong subukan. Gustong ipaglaban. Pero parang hindi ko alam kung paano. Kung saan magsisimula. O kung dapat pa ba. Minsan, pakiramdam ko, ako lang ang hindi sigurado sa sarili niya — habang ang lahat, parang alam na ang landas nila.
I want to be brave too.
But most days, I feel like I'm just existing — quietly, invisibly.
Wala sa spotlight. Nakatago sa likod ng liwanag ng iba.
Pagkatapos ng event, mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko — parang may kung anong bigat sa dibdib na gusto kong takasan. Hindi ko na nilingon si Ate. Hindi ko alam kung andun pa siya, o kung tuluyan na siyang lumayo, gaya ng dati.
Ang alam ko lang, gusto kong makita si Atasha. Ang tanging taong hindi kailanman nagpagaan sa sarili niya para lang mabigatan ako.
Tinungo ko ang hallway papunta sa dressing room, mata kong mabilis na sumusuyod sa bawat sulok, nanginginig ang mga daliri kong nakakapit sa strap ng bag ko.
"Miss, model ka din ba?" tanong ng isang staff. May bahid ng pag-aalinlangan sa boses niya, pero magalang.
Umiling ako agad. "I'm here for a friend po."
"Bawal po kasi ang outsider dito. Mas mabuti siguro kung antayin mo na lang siya sa labas. May mga celebrity din kasi sa loob na ayaw ng ibang tao lalo na 'pag hindi naman model."
Tahimik, pero matigas. Alam kong wala akong intensyong guluhin ang kahit sino. Pero ramdam kong hindi ako kabilang dito — hindi sa lugar na 'to, hindi sa mga taong palaging hinahangaan, pinapalakpakan.
Tumango na lang ako. "Okay po. I understand." Tipid ang ngiti kong halos hindi umabot sa mata.
Pumwesto ako sa gilid ng hallway. Doon lang, kung saan hindi makakaabala, kung saan hindi rin ako masyadong makikita.
Naglaro-laro ako sa phone ko, pero hindi ko talaga ini-scroll. Pinipilit ko lang aliwin ang sarili ko. Para hindi halatang hindi ako sigurado kung ano'ng ginagawa ko rito.
Hanggang sa narinig ko ang tinig ni Atasha.
"May nakita ba kayong babae kanina na naka-floral dress? Matangkad, maputi..."
Napalingon ako. Agad. Kasi kahit nasa likod pa ng boses niya ang excitement, kilala ko 'yon. Yung tinig na laging nag-aalala kung nasaan ako.
"Ah, baka yun yung naghahanap sa'yo kanina," sagot ng staff. "Napagkamalan nga namin na model. Ang ganda kasi — mas maganda pa sa ibang model. Ang tangkad pa."
Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya. Ako? Maganda? Sa isang lugar kung saan halos lahat ay sinasanay na tumayo sa ilalim ng spotlight? Hindi ko alam kung sinasabi lang nila 'yon para maging magaan ang loob ko.
Pero si Atasha — nakita kong kumislap ang mga mata niya. "Siya nga 'yon. Saan na po siya?"
"Umalis eh... pero sabi niya mag-aantay lang siya dito."
Napalinga-linga ang staff. Ako naman, tahimik na umayos ng tayo. At noong lumingon si Atasha sa direksyon ko, kumaway ako, pilit ang ngiti pero totoo.
"There you go!" sabi niya. "Halika nga dito."
Lumapit ako sa kanya — at para akong lumalapit sa isang piraso ng mundo kung saan puwede akong huminga. Ni hindi ako nagdalawang-isip. Niyakap ko siya.
"Congratulations, bes. Ang galing-galing mo kanina," bulong ko sa kanya habang mahigpit ang yakap ko. Sana ramdam niya kung gaano ako ka-proud. Hindi lang dahil maganda siyang tumayo sa runway, kundi dahil pinaninindigan niya ang sarili niyang mga pangarap.
"Thank you," sagot niya, sabay layo ng katawan ko.
"May after party mamaya. Sama ka." Hindi tanong. Desisyon. Gaya ng lagi.
"Anong oras matatapos? Baka kasi gabihin ako masyado."
"Hindi. Saglit lang tayo. Kailangan ko lang magpakita kasi may mga malalaking brand owners na pupunta. Naghahanap sila ng bagong model. Malay mo, makakuha ako ng bagong project. Sayang din 'yon."
"Wow. Talaga?" Kumislap ang mga mata ko. Para sa kanya. Para sa posibilidad.
"Ano, sama ka?"
"Magpapaalam muna ako kay Mama."
"Okay lang. At isa pa, I'm planning to introduce you to my manager. Baka gusto mo ding maging model."
I chuckled.
"Tash... modeling is not my thing. Ikaw talaga ang para d'yan. Your body, your confidence—it's all you. Hindi tulad ko. Hindi kasing ganda ng katawan mo, at lalong hindi ko kaya yung rumampa. Kaya, mega pass talaga."
I shook my head slowly, the weight of the thought pulling at my chest. I couldn't even begin to picture myself on a runway, all eyes trained on me, every movement under scrutiny. It terrified me.
I wasn't completely introverted, no. But I was far from the radiant storm that was my best friend. Tash could light up a room without even trying. She could talk to anyone, laugh with strangers, command attention like she was born for it. Me? I was the shadow standing beside her brilliance.
"Basta, try lang natin," she insisted, her eyes gleaming with hope. "Hindi naman lahat ng modeling fashion show. Malay mo, brand ambassador or something. Kaya mo 'yan."
"Ewan ko sa'yo." I sighed, but it came out shakier than I expected. "Pero imposible yung iniisip mo. I'm not someone meant for cameras or the spotlight. Hanggang dim light lang ako, Tash. Background. Supporting role. So please... disregard that idea."
Her face fell slightly, but she wasn't one to give up easily. "Bakit ayaw mo? My God, Zarina, you're way more beautiful than a lot of girls in the industry. Kung papasukin mo lang 'to, I swear, sisikat ka."
My throat tightened.
She didn't understand. Or maybe she did—but she was still hoping I'd somehow forget what it felt like.
"You already know what popularity did to me," I said softly, almost in a whisper. "It was a disaster, Tash. All of it. The judgment, the hate, the way people twisted everything I did. I was torn apart in ways you'll never know. And I—" My voice cracked. "I'm not as brave as you."
There was silence for a moment. The kind that pressed down heavy on the chest.
Because behind the lights and glitz she loved, I had found shadows. And I had learned to make peace with them.
Atasha's face suddenly fell. Her bright energy dimmed, just for a second, like a candle flickering in the wind. I knew that look. It wasn't disappointment—it was something softer, heavier. A quiet ache.
I know what she wants.
She wants me to be like her—fearless, unbothered, free. Not just in the way she walks into any room like she owns it, or how she chases dreams without asking permission... but in the way she lives without a thousand voices in her head telling her who she should be.
She wants that kind of freedom for me too.
But what she doesn't understand is that I wasn't raised to choose for myself. I was raised to obey, to preserve, to please. To think, always, "What would they say? What would they think?" The weight of my family's expectations clings to my skin like something I can't wash off.
And yet, there she is—looking at me with hope in her eyes, as if I'm one step away from breaking free, if only I'd let myself. As if she believes in the version of me I haven't even met yet.
And that breaks me in a different way.
Because I want that too. I want to be brave. I want to live for myself. I just don't know how to begin... or if I even have the right to try.
"Did I already tell you about my new driver and bodyguard?"
Atasha blurted out, her voice full of excitement, as we strutted—yes, strutted—toward the parking lot like we were walking a red carpet instead of cracked pavement.
I glanced at my phone. Still no reply from Mama. I had texted her earlier, hoping for even just a "K" or a passive-aggressive emoji, but... nothing. I sighed, dramatically of course, and shoved the phone back into my bag like it had personally offended me.
Atasha, meanwhile, was turning heads left and right in her black spaghetti-strap bodycon dress and stilettos sharp enough to kill a man. People kept greeting her—some smiling, others clearly trying to sneak in a second look—and she, ever the queen, waved and smiled like a celebrity on her way to a press con.
"Hindi pa. Kailan pa 'to?" I asked, raising an eyebrow.
"Kahapon lang, besh. Imagine! Ako na nga 'tong may sariling driver, may bodyguard pa talaga. Sabi ni Mama, for security daw. Eh ako? Gusto ko lang ng tahimik na buhay!" she rolled her eyes with flair worthy of a telenovela villain.
"Wow, sufferings of the rich," I deadpanned, placing a hand over my chest. "Naawa ako bigla."
"Hay naku, wala akong choice. You know my mom—she's extra paranoid these days. Parang every time I step out, feeling niya may pa-kidnap plot na nakaabang sa kanto."
"Well, you are her princess," I said, giving her a knowing smirk. "Kaya dapat lang na you get the full royal treatment. Tsaka let's be honest—your name's getting out there. Konti na lang, papasok ka na sa rumor mill ng mga marites."
"Eh 'di wow. Fame na ba 'to?" she laughed, flipping her hair like we weren't just two girls dodging potholes on the way to a car.
Pagdating namin sa parking lot, napahinto ako sandali.
Nakatayo siya sa harap ng sasakyan. Tall. Neat. Naka-black suit na halatang sinukat para sa kanya—hindi dahil gusto niyang magpasikat, kundi dahil ganyan talaga siya: ayos, disiplinado, walang palya.
Unlike most guys na mukhang hinila lang palabas ng kama, this one looked like he started his day with a ten-minute mirror stare just to fix his hair—and it worked. Maayos ang gupit, sleek but not flashy. Lahat ng hibla ng buhok parang alam ang direksyon nila. Ganyan ka-precise. Ganyan ka-put together.
Kung may soundtrack ang entrance niya, siguro yung tipong soft instrumental na pang-corporate drama. Hindi siya mukhang action star. Mas mukha siyang 'calm before the storm' na hindi kailanman nawawala sa kontrol.
Tahimik lang siya habang nakaabang. Mukhang hindi nagmamadali, pero hindi rin relaxed. Professional. A bit cold, maybe. Or maybe just reserved.
Leaning closer to Atasha, I whispered,
"Sure ka bang driver mo lang 'yan?"
Siniko niya ako kaagad, like she expected that.
"Don't be malicious. Hindi ako mahilig sa suplado."
Oo nga. Suplado, hindi. But tall, serious, and dangerously composed? Definitely your type.
I smirked a little.
"Ayy talaga ba? Kilig na kilig ka nga doon kay Sandejo."
That wiped the calm expression off her face. For a second, I saw the shift. I shouldn't have said it. But too late.
Sandejo. The one who put me into a pedestal? The one who put me into shame?
Ugh. Not today. Not in this parking lot.
She looked at me, smug smile growing.
"Sandejo?" she said sweetly. "Oh, naalala mo pa si first kiss mo?"
I gave her a look. The kind that says "try me again and you'll regret it."
"Bakit napunta sa akin ang usapan?"
"We were talking about your driver. Not my trauma."
I glanced back at the guy—calm, still not reacting, pero parang ramdam ko na naririnig niya kami. Or maybe he's just that observant.
Yung tingin niya kasi? Hindi makulit. Hindi mapanghusga. Pero mabigat. Parang kung tititigan ka niya, kailangan mong maging totoo. Walang bola. Walang arte.
At saka ko na-realize... okay, this isn't my story.
This one's for Atasha. Not me. And thank God for that.
Pinagbuksan niya kami ng pintuan. Tahimik lang siya habang binuksan ang pinto sa likuran. Pumasok kami ni Atasha at naupo sa backseat. Maging kami, nadala na rin ng katahimikang dala ng driver niya.
"Thank you," mahina kong sabi sabay bigay ng maliit na ngiti. Tumango lang siya, walang ekspresyon sa mukha.
Umupo si Atasha sa tabi ko, casual lang. Pero hindi siya nagsalita. Tahimik lang. Napatingin ako sa kanya, tapos sinipat ko yung driver. May something ba?
"What's your name?" tanong ko, diretso, medyo matapang ang tono dahil gusto kong basagin ang katahimikan.
Napalingon si Atasha sa akin, parang gulat. Sabay tumingin yung driver sa rearview mirror, parang tinitingnan kung okay lang ba kay Atasha na sumagot siya.
"Gabriel po, Miss," sagot niya sa mababang boses. Medyo mabigat pakinggan, pero maayos naman.
Ngumiti ako. Kasabay no'n, parang may binulong si Atasha sa sarili niya, mahina lang, hindi ko agad naintindihan.
"Okay ka lang, bes?" tanong ko sa kanya, pilit na ngumingiti kahit may kaba akong nararamdaman.
"Yeah. Bakit naman hindi?" sagot ni Atasha—mabilis, matigas, parang may nais itago. Tumalim ang tono ng boses niya, at kasabay noon ay agad siyang bumaling sa kanyang driver.
"Sa The Pub tayo." Mariing utos niya.
Tahimik na tumango ang driver. Walang tanong, walang pagdadalawang-isip. Ilang sandali pa'y umusad na ang sasakyan. Tahimik sa loob, pero mabigat. Parang bawat segundo ay may laman, parang may binubuo sa loob ni Atasha na ayaw pa niyang pakawalan.
Mabilis ang naging biyahe—mga sampung minuto lang, at narating na namin ang The Pub. Isang kilalang upscale club sa gitna ng siyudad. May pila sa labas, may ilaw na kumikislap, at sa bawat sulok ay may ingay ng tawa, sigaw, at musika. Pero hindi kami pinapila. Sa isang iglap lang ay binuksan kami ng pinto ng bouncer. Kilala si Atasha dito. Sikat siya.
Pagbaba namin, parang sumabog ang eksena—mga kilalang mukha, camera flashes, at maiingay na bati.
"Atasha! Love the look!"
"Tash, ikaw na talaga!"
"Miss you, girl!"
Ngunit ni isa sa kanila, walang pumansin sa akin. Naiwan ang driver sa loob ng kotse. Gusto ko sanang anyayahan siyang sumama, para kahit paano may kasama akong kakilala, pero alam kong hindi papayag si Atasha.
"Tash, glad you're here. Halika na. They're waiting for you in the VIP Room."
Isang pamilyar na mukha ang sumalubong—ang handler ni Atasha. Matangkad, nakaitim, laging seryoso.
Hinila agad si Atasha palayo sa akin, parang may takdang oras silang hinahabol. Walang paalam. Walang kahit anong salita. Pero bago siya tuluyang mawala, lumingon siya sa akin. Naghahanap ng pahintulot.
Tinanguan ko siya. "Okay lang," bulong ko, kasabay ng pilit kong ngiti. "This is your moment," idinagdag ko sa isip ko. Ang gabi niya ito. Ang pagkakataon niya para mapansin, para makakuha ng bagong proyekto.
Isa-isang natabunan ng mga tao ang anyo ni Atasha. Naalala ko kung gaano siya kasaya noon sa likod ng camera. Pero ngayon... parang may ibang hinahanap.
Nilingon ko ang paligid, naghanap ng mauupuan. Nangingibabaw ang ingay ng musika. Parang sinusubukang tabunan ang sariling katahimikan ko.
Pero bago pa ako makarating sa kahit anong upuan, isang katawan ang biglang bumangga sa akin—malakas, mabilis, diretso sa balikat ko.
"Uy—" Napa-atras ako, at nabitawan ang bag ko. Kumalat ang laman nito sa sahig—lip balm, wallet, ID, phone. Napaluhod ako para pulutin, ngunit may naunang kamay.
"Sorry, 'di ko nakita," may boses na nagsalita.
Tumigil ako.
Hindi sa sakit. Hindi sa gulat. Kundi dahil sa pamilyar na tono ng boses na iyon.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya—at ayun siya.
Theodore Solomon Sandejo.