Nathalie POV
It's been 2 hours since Priscila's shoot started. Nasa malapit lang ako sa kanya dahil kapag nahihinto saglit ang shoot para magpalit siya ng damit ay tinutulungan ko siya sa mga kailangan niya.
"Okay! Priscila that was incredible," wika ng photographer niya, "now, let's move to the next one." he added referring to the next dress she'll be modelling.
Nang makarating si Priscila sa kanyang waiting area kaagad ko siyang sinalubong at inabutan ng tubig. She was strict sa mga kinakain at iniinom niya and as much as possible low carbs and low sugar ang mga ito. I was the one who's in charge of her diet while I'm her manager. At hindi ko kakayanin ang mga kinakain niya.
An apple cinder vinegar in the morning, a half avocado with half grapefruit sprinkled with cinamon or green smothie during breakfast. Green salad with vegetables and lean protein at lunch. Nuts or berries for snack and a healthy carbs like sweet potato or brown rice with lean protein and steamed vegetables at dinner. Syempre mawawala ba diyan ang tubig? of course not, Priscila said 'drink your water always' that is why her figure was maintained. Super dami kasing restrictions sa diet niya. I'll never survive kung ganyan ang kakainin ko araw-araw. I love rice for heaven's sake!
Nang makaupo siya sa kanyang upuan sa harap ng vanity mirror ay inayusan na siya ng mga make up artists dito sa set. May dalawang designers ang nakasunod kay Priscila kanina at hindi ko nagawang umilag sa mga matatalim na tingin nila. Alam niyo naman ang dahilan 'ako' daw kase ang may sala kung bakit kami na late nitong si Priscila. Kaya ngayon sila ang napapagod dahil double time silang lahat.
Minabuti ko na lang na tumabi sa isang gilid ng waiting room niya. While I was standing idle here, may staff na pumasok sa room at nakuha ang atensiyon ko.
"You, the girl wearing a converse shoes, " a chubby woman in her mid-30s stopped at the door and said. I looked at her and mouthed 'me?' to make sure if she was indeed calling for me.
"Yes, come with me." she said then turn around and left. I shifted my gaze to Priscila and it seems like she heard the woman who called me a while ago. She nodded to me as if allowing me to follow the staff and so I did.
Patakbo kong sinundan ang staff at ngayon ko lang nakita nang maayos ang sitwasyon sa set. Cameras are installed near the place where Priscila was taking a shoot. More like vinivideohan nila ang photoshoot niya. Maybe a behind-the-scene clips that they'll release one day. Maraming nag aabang sa mga appearances ni Priscila for she was the hottest model in the country now. The photographers are busy looking at the photos they have taken, as well as the director. Alam kong kilalang mga tao sila for I am familiar with their faces. Hindi lang matandaan ang mga pangalan nila but I'm sure they are big names in this industry. Staffs are roaming around busy doing their assigned work. Nahiya ako sa kanilang mga tingin kaya't binilisan ko na lang ang lakad ko. Good thing I was called to help.
Bago ako makahakbang ay hindi nakalampas sa aking pandinig ang usapan ng ibang staffs.
"Grabe may mga tao talagang walang respeto ano? kahit naman na baguhan ka kung may respeto ka sa iba ay hindi mo gagawin iyon hindi ba?" wika ng isang babaeng staff sa aking kaliwa.
"Sa true beshie, ayan tuloy tayo ang nagagahol dahil sa kapabayaan ng iba." sabi ng isa pang kasama nila.
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga kasunod dahil halata naman na pinaparinggan nila ako. Dali-dali akong pumasok sa isang kwarto na pinasukan kanina nung staff na tumawag sa akin.
At the first sight of it, mahihinuha mo kaagad na it's a storage room. Maraming gamit ang naririto at nasa mga kahon ang mga props. This photoshoot is spring themed one. Kaya't madaming mga bulaklak ang makikita dito sa kwarto. Parang nasa flower garden nga dito instead of a storage room. The flowers are of different sizes, colors, most of them are just made of plastic, some are made of styrofoams and of course some are real. Ngayon gets ko na kung bakit ang sama-sama ng tingin ng mga staffs na naka assign sa decoration ng background. That is why matagal ang allotment ng time because of the alloted time sa pag-aayos. Lalo akong nahiya sa mga tao dito kahit alam kong hindi ako ang totoong dapat maging responsable sa nangyari. Kahit ako naman ay magagalit kung gawin sa akin iyon ng isa sa mga team mate ko. Kailangan ko talagang kausapin si Priscila mamaya.
"These flowers are for the next part of the shoot, hurry and put them near those who are making the background." I then saw four boxes of artificial flowers. Mostly white and purple in color. Some of the boxes contains leaves and another much smaller box was added at the top of the four boxes.
So, I just need to put these boxes to the set. Walang problema. It was partly my fault anyway. As soon as the Ate Elena left, (the staff who called me) I did what she told me to do. Though, hindi ko pweding buhatin ng sabay ang dalawang box dahil hindi maayos ang pagkakalagay ng mga bulaklak sa mga boxes. I traveled back and forth from the set to the storage room which is a few meters apart. Hindi siya ganon kahirap dahil hindi naman mabigat ang mga boxes at hindi rin malayo ang pagitan. Medyo nahilo lang ako dahil sa pabalik-balik ko at sa dami ng tao na nagmamadaling matapos ang trabaho nila. Guilt attacked me even harder at the sight of it. Little did I know one young photograher has been observing me all along.
Just when I finished my task another staff came to me and gave me a list of things that they needed in order to carry on designing the set. Hindi na ako nag dalawang isip pa at kinuha ko ito atsaka nagmadaling pumunta sa parking lot. Binigay din ng staff na nakilala kong si Charlene ang susi ng kotse niya. Siya palang ang staff na ngumiti at nakipag kaibigan sa akin simula kanina. Kaya siguro maluwag kong tinanggap ang utos niya. Tumatakbo na talaga akong bumaba sa gulasing ito. Isa siyang hotel at ginamit namin ang isa sa mga event hall nito para sa shooting. Aksidente kong narinig kanina na dapat pala sa isang flower farm sa probinsiya ang shooting na to. But Priscila declined that's why they have to make the artificial set in this hotel just for her to agree in this project. At first, I also wondered why they didn't just choose another model. At bakit pa sila mag e-effort up to this extent para lang kay Priscila? well, di ako chismosa ahh narinig ko lang na ang sponsor nila is too persistent to scout Priscila in this shoot. So, kung iba ang model then they'll say goodbye to their dearest sponsor.
Una ko pa lang narinig na isang malaking kumpanya ang sponsor nila. Alam ko ng David Bertareli ang pangalan ng may ari non. Ohh, diko pa pala nasasabing 'nobody knew their relationship'' o diba? proof na hindi talaga ako chismosa kasi diko pinagkalat. Aba syempre! masisisante ako panigurado kapag nagkataon.
You ask why the media never got the news eh ang lalakas ng radar ng mga yun? I'm guessing David shut these media outlet up. Afterall, nobody dared to be on his bad side. As to the reason why they don't want the media to pry their private life is understandable. Because it will be a scandal in both of their part, nasa peak pa naman ng career si Priscila and David? it will be the talk of the country. He wasn't the womanizer type of billionnaire bachelor and speculations spreads na once magka girlfriend siya road to kasalan na.
Lumipad na naman ang isip ko at diko namalayan na nasa parking lot na pala ako. Madali kong nahanap ang kotse ni Charlene dahil nasa may malapit lang ito paglabas mo sa hotel. It was a cute white honda jazz, simple and light-weight steering. Dream ko ang magkaroon ng ganitong kotse! napaka praktikal niya at convinient pa.
Not long after, nakarating ako sa pinakamalapit na mall. Walang traffic buti na lang. I only took a while buying the stuffs needed dahil nakalista naman lahat at talagang lakad-takbo ang ginawa ko. It was almost 11 am ng makabalik ako ng set, isang oras na lang at matatapos na ang unang schedule ni Priscila pero ang pagod ko pang alas-singco na ng hapon. myghad!
Ang dami kasi ng pinabili nila kanina. Kaya sobrang hiningal ako kakaikot ng mall. Mga kung ano-anong kagamitan na hindi ko na din matandaan sa sobrang dami.
Sinabi ko na ba na naniniwala ako sa kasabihang, 'kapag malapit na ang ending minsan may pangyayaring hinding-hindi mo aasahan.' At ayun nga ang nangyari mga kaibigan ko.
Ano na naman bang ginawa mo Priscila?!
Mapapa aga ata ang pamama alam ko kay David T.T.