Nathalie's POV
Maaga akong nagising ngayong araw dahil hindi na sa office ang punta ko kung hindi sa bahay na ni Priscila. Nasa akin ang schedule niya buong linggo at hindi ako natutuwa sa mga nakikita ko. Alam ko namang sikat siya pero hindi ko lubos akalain na ganito pala karami ang mga projects niya. Kabi-kabilaang mga endorsement at commercials ang nakalagay dito partida ahh wala pa diyan ang mga runway modeling jobs niya.
I will be her manager for the time being and I was told to pick her up at 7 am sharp. Maaga kase ang shoot niya sa isang commercial it was a 4 hours shoot. Di ko rin maimagine kung bakit ganoon katagal ang una niyang schedule ngayon.
Hindi ako nakatulog buong gabi dahil abala ako sa pag-aaral ng mga ginagawa ng isang talent manager and I think I have the base line, for now. Ibang-iba ito sa dati kong gawain dahil puro numero lang naman ang inaatupag namin ng team ko sa financial department. I was supervising people yes, but not like this. Parang nag back to zero ako ngayon. Self-proclaimed magaling at magandang manager pa naman ako. Ayokong madungisan ang aking reputasyon charot!
I wore my most comfortable attire. A white shirt partnered with a denim jeans and black converse shoes. I ponytailed my hair and wore my white cap with a black semicolon printed in the middle of it. I like being simple, you can say I'm a fan of minimalism.
Tinignan ko muna ang itsura ko sa vanity mirror na nasa kwarto ko, I got easily satisfied with me only wearing light make up. Tipong konting polbo lang at lipt tint ayos na ako. Ang mga kilay ko ay hindi na naman kailangan ng masyadong atensiyon dahil natural naman ang hugis nila at ayos na ako doon.
Paglabas ko sa aking kwarto ay sumalubong ang mabangong amoy ng sinangag ni mama. Ang aga talaga kahit kailan. Dumiretso ako sa kusina upang magtimpla ng kape.
“Oh ang aga mo ata ngayon anak?” tanong ni mama sa akin na kadarating lang ng kusina.
"Maaga po kasi ngayon ang trabaho ko ma eh,” wika ko habang tuluy-tuloy ang lakad patungo sa lamesa, “kape po ma?” alok ko sa kanya.
“Tapos na akong magkape anak, salamat.” Inilapag na ni mama ang mga niluto niya sa may mesa at umupo sa harapan ko. Tinignan ko ang mga nakahapag at halos magdiwang ang tiyan ko dahil sa paborito ko na naman ang nakahain ngayon.
Masarap magluto si mama, mana ako sa kanya eh haha. Sinangag, scrambled egg, tuyo at ginisang kamatis ang iniluto niya para sa agahan. Mabilisan lang akong kumain dahil mag a-ala sais y medya na. Kailangan ko pang sunduin si Priscila sa bahay niya!
My mom and I lived in a middle class apartment here in Makati. Nasa may 3rd floor lang ang kinuha kong unit dahil ayokong nasa mataas kami ni mama sakali mang magkasakuna ay mabilis kaming maka lalabas ng gusaling ito. This apartment is called The Sunshine, hindi man sikat ito pero tama lang ang facility niya para sa amin ni mama. Hindi naman namin kailangan ng sobrang garang bahay dahil mayroon naman na kaming maliit na bahay sa probinsiya.
The Sunshine, is owned by my bestfriend’s family. Kaya nga nakapili ako ng unit na bibilhin namin dahil pagmamayari nila ang buong gusaling ito.
As soon as I got out of The Sunshine, pumara kaagad akong taxi at nagpahatid sa malapit na condo units dito sa makati. Binigay na rin sa akin ang passcode ng condo unit niya. I was instructed last night to get all the things Priscila needs from her unit. Masama talaga ang pakiramdam ko sa bagong trabaho ko na to. Kasi parang hindi lang manager ang kahihinatnan ko rito kung hindi pati pagiging dakilang alalay, maid or P.A. bahala kayo kung anong itatawag niyo basta alam niyo na kung anong tinutukoy ko.
When I entered the building, I was amazed by its elegancy, it does live up to its name "The Elegance City". From the shining marble floors to its crystal chandelier above the high exquisite ceiling. Mapapahinto ka sa sobrang ganda ng interior nito. It was beyond my expectation before I entered this magnificent building. It was a place definitely not for someone like me, I swear! Kahit sobrang namamangha ako dito sa lobby nila ay hindi ko pinahalata dahil baka mamaya pagkamalan pa akong di pa nakapupunta sa mga ganitong lugar which is totoo naman din haha. So, I acted as if I'm used to this kind of places, baka kasi palayasin pa ako dito. Alam niyo naman ang mga rich kid, mga pangit ka bonding.
Ngunit bago ako dumiretso sa elevator ay minabuti kong huminto muna sa receptionist nitong condomonium para i-confirm na nasa list nga ako ng bisita ni Priscila, which is one of the condo owners here. Tsaka para malaman na rin ni Priscila na nasa baba na ako. The girl wearing a staff uniform looked in the computer searching for my name and then called someone on the phone which I assumed was Priscila. After a few moments, she smiled to me and told me which floor it is. It got me by surprise because she gave me a special card which she said a pass that I needed in order to go up to the VIP floor. Alam kong mayaman si Priscila but never did I expect na sobrang yaman niya pala. Kase nasa may penthouse lang naman ang unit niya.
I thanked the receptionist and strode my way to the VIPs elevator. I put the golden card with a beautifuly engraved 'The Elegance City' and the door immediately opened. Habang nasa elevator ay gumana na naman ang medyo na nanahimik kong utak dahil curious na naman ako kung magkano kaya binabayad ni Priscila dito? syempre may mga maintenance and utility pa kaya iniisip ko talaga yung kung magkano ang expense niya dito in a year. Being a professional in financial field got me this habit of figuring out things' monetary value. Kaya lagi na lang unang naiisip ko ang presyo ng bawat bagay. Anyway, back to Priscila, sa kasikatan niya ngayon I'm sure she can afford this luxury place.
I scanned her schedule again for today and memorized it like the back of my hand. 8:00 am to 12:00 nn. She'll be shooting a commercial and 1:00 pm onwards dapat nasa second location na siya which is a beach themed modeling job. That is why nagdala na ako ng damit and necessities ko for who knows kung hanggang anong oras ang onwards diba? and yes cleared kase ang schedule ni Priscila hanggang bukas ng alas-nuebe kaya malakas ang pakiramdam kong matatagalan ang pangalawang adventure namin ni Priscila.
The door then stopped and I heard a loud '*ting' from the elevator. Confirming that I have arrived at my destination which is yung condo, no, s***h that, mansyon na ito dahil sa kanya lang ang 73rd floor ng The Elegance City.
Nagmadali akong pumunta sa pintuan ng kaniyang mansyon and I rang the doorbell thrice before it opened and a smiling Priscila greeted me.
"Nathie! Good Morning!" she sweetly said.
"Good Morning too, Miss Priscila, are you ready for the shoot?" I said showing my perfect set of teeth haha.
"I am, and my stuffs too, you know David wants everything in control that is why he helped me packed yesterday," she said while walking inside. The path to her place was a long glass corridor, the floor was painted peach pastel. A color that's so cooling in the eyes, like you're breathing something fresh moreover I find her home very welcoming.
"Medyo marami ang mga dadalhin ko since it will be a hectic for today." She stopped in front of two big luggages and I also saw a mint green make-up bag, which I just assumed because it looked like one. Buti na lang de gulong ang naisipang paglagyan nito ng mga damit kung hindi kawawa talaga ak...
"Oh, there's two more bags here," she said while pointing at the bags placed at the sofa, "Just in case we'll be spending the night out of the town." She added and turn around to enter her room, which is I assumed again.
I sigh deeply, closed my eyes, and think of the positive things I witness since childhood. I kept reminding myself that this is just temporary. Na makababalik din ako sa magandang upuan ko sa office. Kaya natin to Nathalie! Fighting!
When I opened my eyes, I flashed my sweetest smile and work as if I love what I'm doing. Kinuha ko sa magkabilang kamay ko ang maleta habang nakapatong ang dalawang bag at make-up kit niya sa mga maleta. Wala bang push cart dito? I mean yung parang sa airport? a hotel luggage cart. Ang gara gara ng condominium wala silang ganon?
But it seems like nabasa ni Priscila ang iniisip ko at bigla niyang sinabi,
"I'm really sorry to put you in this situation. David won't allow any male staff up here and he doesn't want me to work myself other than being a model." She even blink her eyes like a cute puppy.
Ahh so, wala siyang balak tulungan ako kasi sabi ni David sa kanya wag siyang magtrabaho ng iba aside sa pagiging modelo? Great! ang sweet naman pala talaga ni David sa kanya. Mukhang laki sa layaw, jeproks si Priscila ehh charot!
"No problem Miss Priscila, it will be my job from now on so, don't mind me I can manage these." I said.
"OMG! Thank you so much, anyways, mauna kana muna bumaba. I'll follow you in a minute okay? " Priscila said while pushing me to the door.
I obeyed her then got my way out of her unit. But that is the thing I shouldn't have allowed to happen. It's freakin' 8:15 on my watch and Priscila is nowhere to be found. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pag re-review ko ng mga schedules niya. I kept myself busy a while ago to kill some time but it turns out it'll kill me instead!
Ayaw pa naman ni David ang palpak. Baka hindi lang sa pagiging manager ni Priscila ang ikasisante ko nito kundi pati ang pinakamamahal kong posisyon sa BerCorp.
I called her several times pero hindi niya sinasagot ang phone. Just when I decided to go up and look for her. She got out of the elevator walking towards me as if nothing bad will happen.
I scanned her outfit while she was approaching me. She was wearing another mint green dress, a white stiletto and a handbag.
The way she walked was like telling me, ' oh, nathie dear, you're doomed but who cares?'
And that ladies and gentlemen was the reason why I'm getting scolded by her director now. We arrived almost an hour late and her excuse was that we were late because I got lost finding the shooting site.
Nakiusap pa siya sa direktor niya na huwag sa akin magalit dahil baguhan lang daw ako bilang manager. I was quiet all along dahil ayokong itama ang mga sinabi niya dahil base sa mga itsura ng mga tao dito hindi nila ako paniniwalaan.
I don't mind the scolding here. What I'm more concern about was the fact that David will know this incident. Paniniwalaan kaya niya ako kapag sinabi ko sakanya ang totoo?