Nathalie POV
Kasalukuyan kaming nagbabiyahe ngayon papunta sa kung saan mang lupalop ng pilipinas ay hindi ko rin alam at wala akong balak magtanong dahil yung dalawang kasama ko sa kotse ay nakalimutan na atang may tao dito sa likod ng sasakyan. Mga may sariling mundo, nakaka hurt ng feelings ahh. Yung totoo? sinama ba ako ni David dito para ipamukha sa akin na may love life na siya? Kase kung ganoon ay grabe yun! wala naman akong atraso sa kanya ahh. I mean di naman niya alam na gusto ko siya atsaka ang galing-galing ko kayang manager. Itanong niyo pa kay David, promise! Kaya maswerte talaga ang kumpanya niya at meron siyang sobrang galing at sobrang gandang manager na katulad ko hahha. One in a million ata ako no.
Kagaya nga ng sinabi ko kanina nasa may likuran ako ng kotse naka-upo habang binabagtas ng mamahaling kotse ni David ang daan papunta kung saan man. Tinignan ko silang mabuti sa harapan at sigurado na akong wala talaga silang balak sabihin sa akin ang destinasyon namin, para man lang sana makapaghanda ako hmmmp. Bat ba kasi sumama sama pa ako sa kanila? Medyo shunga ako doon sa part na yon na pumayag ako pero heto na, wala na akong magagawa. Sa susunod, i t-take note kong huwag na huwag pumayag maging third wheel kapag may mag d-date.
Medyo madilim-dilim na rin sa labas at naka-sindi na rin ang mga poste sa daan.
Pinag-masdan ko ang babaeng umagaw sa pwesto ko sa puso ni David charot! Sa pwesto ko pala doon sa passenger seat kanina. Ang gara ng suot, unang tingin palang malalaman mo ng mahal ang damit niya. It's a mint green dress. Bagay na bagay sa balingkinitan niyang katawan. Maikli at hapit na hapit ito sa kanya. Napaka sopistikada at elegante niya tignan habang suot niya ito. Napansin ko rin kanina na ang tangkad niya nasa may 5’8"’ siguro siya. Tamang-tama para sa mga modelong kagaya niya. Makinis ang maliit niyang mukha, bibilogin ang mata at maliit ang matangos niyang ilong, mahaba ang kanyang maalon na buhok at bagay na bagay sa kanya ang bangs niya. In short, sobrang ganda niya. Mukha siya tuloy manika pero kung siya si Barbie panigurado madadagdag sa mga hate list ko simula ngayon si Barbie charot. Mahal ko si barbie kahit plastic siya T.T
Napasimangot na lang ako nang maalala ko ulit ang tagpo namin kaninang dalawa. Remember? after their kissing scene? Di man ako na inform na ganon agad sasalubong sa akin pagkababa ko ng sasakyan hmp! Wrong move.
She was friendly when introducing herself to me. She introduced herself as Priscila Arden, ghash! sino bang hindi makakakilala sa kanya? Eh halos lahat ata ng madaanan kong billboard sa edsa kapag na daan ako doon eh mukha niya ang nakapaskil. Pati tv ad pinakyaw niya. Isa siya sa mga pinaka sikat na modelo sa mga panahon na ito. Naku kung nagkataon baka naging fan pa ako nito kung hindi ko nakita yung scene nila ni David.
David on the other hand introduced me as his employee, “Babe, she’s Ms. Nathalie Garcia, a financial manager at Bertareli's Corporation,” he said. Ang cute niya magpakilala nakakagigil! define na define ba naman kung ano lang ako sa kanya? Minus points ka sa akin David ko.
Patuloy lang ako sa paglilibang sa sarili ko sa paminsan-minsang pagtingin sa cellphone kong naubusan ng load at sa pagtanaw ng tanawin sa labas ng sasakyan. Sa sobrang inip ko ay binilang ko nalang ang mga sasakyang kulay puti na madadaanan namin para di ako masyadong ma bitter dito sa loob. Nang huminto kami sa isa sa mga restaurant na hawak ni David, La Castell. Bakit alam ko? sige, isipin niyo charot!
La Castell, this restaurant is a Micheline 3-star meaning ‘the cuisine here is exceptional’ what to expect with the supervision of a Bertareli diba? Lahat ata ng raket nito sa buhay walang pumapalya. Sana all.
When David managed to park his car on VIP's parking lot, pinakiramdaman ko muna ang galaw nilang dalawa bago ako kumilos at bumaba baka kasi mamaya di naman pala ako kasama no. Bago bumaba si Priscila ng sasakyan ay nilingon niya muna ako at nginitian sabay sabing “Let’s go Nathie, the food here is superb! You’ll definitely like it here.” Tinangoan ko lang si Priscila dahil di ko alam ang isasagot ko sakanya, yung ngiti ko sa kanya nag mukhang pilit na natatae na ewan dahil sumagi nanaman sa isip ko yung kaninang halikan scene nila, di na ata ako makaka move on sa ginawa niyang paghalik kay David.
Lumingon ako sa gawi ni David para makasigurado kung isasama ba talaga niya ako pero mga nakakunot lang na kilay niya ang sumalubong sa akin bago siya bumaba. Kaya’t dali-dali na lang din akong lumabas ng kotse at pasimpleng tumabi kay Priscila.
Mabait naman si Priscila hindi nangangagat gaya ni David charot.
Nang wala akong nakuhang pagtutol mula kay David ay sinundan ko si Priscila papunta sa entance ng La Castell.
Habang papasok kaming dalawa ni Priscila ay nagulat ako sa biglang pagpulupot ng kamay niya sa braso ko. Feeling close agad ah? Hinayaan ko na lamang siya kahit alam kong ang pangit ko tignan sa tabi niya.
She was smiling at everyone as we pass. Lahat ng tao dito napapatingin sa gawi namin dahil sa ganda ba naman nitong babaitang ito, mapapatitig ka talaga. At isa pa isang sikat na personalidad si Priscila kaya natural lang na maraming tititig at hahanga sa kanya. Though, it seems like she’s a regular here at La Castell because of the way she greet the crews, as well as kung gaano niya ipagmalaki ito kanina sa akin sa kotse was enough for me to confirm that she is indeed familiar here. Lagi kaya niyang kasama si David kumain dito?
Di na rin ako nagtakang may reserved seat na siya dito sa restaurant na ito dahil una sa lahat malaki ang shares na pagmamay-ari dito ng Bercorp, ang taong kasama naming mag d-dinner dito. Speaking of which di ko alam kung nakasunod na ba siya sa amin sa loob.
Pangalawa dahil sa regular na kainan ito ni Priscila. Malamang may favorite seat na siya dito.
“Ang tahimik mo naman Nathie,” biglang basag niya sa aking pag-oobserba sa paligid. Tumingin ako sa kanya at ang magandang ngiti niya ang sumalubong sa akin.
“Hahaha hindi no masyado lang akong namangha sa La Castell,” wika ko.
“Lagi ka dito ano?” tanong ko sa kanya. “Haha Ganoon ba ako ka halata?” she asked, “I love their food here and this place has a special meaning to me.” We arrived at the reserved table na sigurado kong lagi niyang pwesto tuwing na paparito siya. Di ako chismosa para tanongin kung bakit special sa kanya ang lugar na to ano.
“Can I ask the special meaning of this restaurant to you?” I asked. She smiled so wide to me and whispered “Because I met that man here for the first time,” she said pointing her lips at my back. Na hindi ko na kailangan pang lingonin dahil alam ko naman na kung sinong tinutukoy niyang 'man'. Yung man of my dreams na legit na pangarap na lang talaga. Sana pala di nalang ako nag apply sa Bercorp at tumambay nalang ako dito hanggang makilala ko si David no? Charot!
The table she reserved was good for two people but it's a releif that it was placed at the farthest side making it possible to add another chair for a third wheel like me to sit.
They were seated across each other while I was at the head of the table. Mukha tuluy akong mama nila sa hapag kainan.
"I'm sorry to have you seated in there, Nathie. I wasn't aware that we'll be having someone else," she said looking concerned.
"Oh,no it's okay," I said smiling. Ayos lang naman talaga eh.
Pero hindi na nung tumagal dahil habang naghihintay kami ng mga inorder na pagkain nila. Kanina pa sila masayang nag ku-kwentuhan ng mga ganap sa buhay ni Priscila . Sinasali rin naman ako ni Priscila sa usapan nila minsan but David kept shrugging me out of the conversation, bastusan lang mahal ko? Charot.
Kung itatanong niyo sa akin anong ginagawa ko dito ngayon at bakit mukhang third wheel ang peg ko kasama nitong dalawang ito ay hindi ko rin alam. I was on a roller coaster ride of emotion today literally. Kaninang umaga lang ang saya-saya ko pa hanggang sa nakilala kong may Priscila na pala sa buhay ni David. Sobra akong nagulat doon, tipong di ko na mapangalanan kung anong mararamdaman ko. Tapos isama mo pa kung anong sitwasyon ko ngayon. I was an audience mismo sa live na paglalampungan nila. I did excuse myself kanina pero David shrug my idea saying, “ I have something to talk to you about but after the dinner.” May pa-suspense pang nalalaman eh atat na atat na kong umuwi dito.
But at the second thought I think this is the best for me para naman maumpisahan ko ng marealized na wala naman talaga akong pag-asa kay David.
The food was served and I swear kakain talaga ako ngayon ng marami. This is a blessing. Favorite ko pa naman ang seafood. Inorder ata niya lahat ng nasa menu haha sobrang dami lang ng pagkain dito. I'm seeing a bunch of seafood dishes! pwede kayang mag take out? Charot.
When we finished our dinner. The dessert was served and it was a mint chocolate ice cream. Mukhang favorite ni Priscila ang mint dahil puro may pagka mint lahat ng gamit niya from her dress today to her bag, phone case and heels.
“As I was saying I have something for you to do,” David started the conversation. I look at him waiting for his next words, ghosh I swear! Kung walang Priscila ngayon dito baka napatitig na lang ako sa kanya dahil sa postura niya. I looked at Priscila na nakatingin din pala kay David tsaka ko ibinaling muli ang paningin ko kay David.
“You’ll be Priscila’s manager for the time being,“ he stated casually. My eyes grew bigger and looked at him asking through my eyes if he’s serious about what he just said. I, then looked at Priscila who’s grinning from ear to ear to me.
“I am still finding the most suitable manager for her, so for the mean time you’ll have to look out for her."