Chapter 1

2001 Words
Nasa kalahati na ng biyahe si Stacey nang maisipan niyang huminto sa isang cafeteria na nadaanan sa parte ng Tarlac. Umorder lang siya ng softdrinks at crackers habang ipinapahinga ang katawan mula sa apat na oras na biyahe. Kung wala siyang naabutang aksidente sa NLEX kanina ay dapat nasa lugar na siya ng pupuntahan, pero dahil naging sanhi iyon ng mahabang traffic ay tumagal ang biyahe niya. Kung tutuusin ay sanay naman siyang matagal sa manibela dahil isa siyang car racer; silang dalawa ni Zanya, na siyang naghikayat sa kanya sa ganoong sports. Kapag nasa practice sila sa race track ay inaabot din siya ng apat hanggang limang oras. Noong una'y kapritso lang ang pagkahilig niya sa sports na iyon, hanggang naging challenge sa kanya. Though she was nothing compared to her cousin Zanya, na nakikipaghabulan na yata kay Kamatayan kapag nasa kumpetisyon, hindi rin naman siya padadaig sa iba pang kalahok. At kung si Zanya ay ibinubuhos ang natural na talento sa larong iyon, siya'y iba ang dahilan ng pagsali - and that is to release her frustrations in life. Siya si Stacey Albano. Isa sa mga prinsesa ng angkan ng mga Albano na kilala bilang isa sa mga mayayamang angkan sa Pilipinas. Hindi man sila celebrity ng mga kapatid niya at mga pinsan, nakasunod sa kanila ang media dahil sa katanyagan ng mga magulang. Her parents and grandparents, Uncle and Aunts are well-know businessmen, some were even fashion models when they were younger. Dala nilang magpipinsan ang katanyagang iyon kahit saan sila magpunta. Despite all that, her life was not perfect. It was far from it, actually. At kaya siya nandito ngayon ay para ayusin ang buhay niya. Ang buhay nilang mag-ina. Kahapon lang nalaman ng mga magulang ang tungkol sa anak niya. For almost five years, she managed to hide that part of her life from everyone. Nagpanggap siyang maayos ang kalagayan sa harap ng mga magulang at kaibigan. But as the old saying goes, lahat ng itinatagong lihim at may hangganan. At she just came into that point now. Dead end. Kailangan niya nang aminin ang lahat. "Why did you have to hide your child?" tanong ng inang si Selena.  "I understand,  you were young and you were confused.  Kaya nga kami nandito ng Daddy at mga kapatid mo, hindi ba?" madamdamin pang wika nito na hindi niya napigilang umiyak.  The last thing she wanted is to see her mother cry.   Iniingatan nilang magkakapatid iyon that even her brother Jayzee was too cautious about his personal life dahil hindi nito gustong maging sanhi iyon ng disappointment ng ina. At ngayon ay umiiyak ito dahil sa ginawa niya; not because she got pregnant at a young age, but because she let her child hide in some isolated part of a province and let the child live everyday without her mother.   Without her. At sa tuwing naiisip niya ang pagkakamaling ginawa ay hindi niya mapigilang mapaluha. Wala siyang kwentang ina. She doesn't deserve to have a child. Pero tulad din ng sabi ng Mommy niya kahapon, hindi ibibigay ng Diyos kung hindi iyon para sa kanya. Her Dad didn't judge her after her confession. Nag-offer pa ito ng tulong na samahan siyang mabawi ang anak sa ama nito pero nakiusap siyang hayaan muna siyang ayusin niya ang sariling problema. Her brother also has a problem with his wife Anikka na siyang inaasikaso ng Daddy niya ngayon. Hindi niya na gustong dumagdag pa. At alam niyang hindi rin gugustuhin ni Marcus na dalhin niya ang angkan sa Pangasinan para siyang umayos sa sitwasyon nila. Hindi niya gustong dumagdag pa sa galit na dala-dala nito sa dibdib. Galit na siya ang may kagagawan. Marcus Silvana. Ang lalaking na-bully, nalait, at nasaktan niya ng paulit-ulit. He loved her to destruction. Pero dahil ito ang may kagagawan kung bakit siya nasuong sa ganitong problema ay kinamuhian niya ito. He didn't rape her. Pero sinamantala nito ang kahinaan at kalasingan niya. At nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing kahibangan nito sa kanya ay ipinangako naman niya sa sarili na hinding-hindi niya ito patatawarin. Napuno ng galit ang dibdib niya, dahilan para kahit ang sarili niyang anak at iniwan niya kay Marcus para siyang mag-alaga para makapamuhay pa rin siya nang normal. But she hasn't. Hindi naging normal ang takbo ng buhay niya sa nakalipas na limang taon. Sa karera niya ibinubuhos ang lahat ng inis at galit niya kay Marcus at pagbuntis nito sa kanya dahilan para iwanan siya ng boyfriend na si Leandro Ortiz na minahal niya nang matagal na panahon. If Leandro only offered her marriage and accept her child, masaya sana siya ngayon. But he didn't. Noong mga panahon na iyon ay nakikipagkalas ito sa kanya na nagkaroon ng mas matibay na dahilan nang mabuntis siya ni Marcus. Tuluyang nawala ang pag-asa niyang magkabalikan sila ni Leandro. Nagkaroon pa siya ng iba't ibang boyfriend pagkatapos niyang manganak at iwanan ang bata kay Marcus. Pero wala nang nagtagal. Something was missing in her life. She couldn't find contentment. Pero patuloy siya sa pakikipagrelasyon sa iba para lang patunayan kay Marcus na walang pag-asang magkaayos sila at mabuo bilang pamilya katulad ng gusto nitong mangyari. He offered her marriage many times. Ginagamit pa nito ang anak para mapalapit sila. Pero napuno ng galit at pride ang puso niya. At nitong dalawang bwan na ang nakararaan ay dinapuan ng sakit ang apat na taon nilang anak na si Athena. Marcus wanted her to come and take care of their daughter pero inuna niyang makipagkarera kaysa ang umuwi at alamin ang kalagayan ng anak. Hindi niya schedule noon ang dalawin ang anak na ginagawa niya minsan sa isang buwan. That made Marcus furious as hell and cursed that she will never see her daughter again. Nang umuwi siya noong nakaraang buwan ay saka niya nalaman na nanganib ang buhay ng anak niya kung hindi lang nasalinan kaagad ng dugo. Saka niya naramdaman ang sakit ng ginawa niyang pambabalewala. Marcus never talked to her the same way he did. Kahit ang anak ay hindi na nito gaanong pinalapit sa kanya. Athena adored her father so much that she couldn't sleep without Marcus by her side. Hindi na rin hiniling pa ni Marcus na siya ang tumabi sa anak para magkaroon sila ng bonding mag-ina. She became a complete stranger to her daughter and to the man who faithfully loved her. "I want to see my niece," wika ng Kuya Jayzee niya.  "Bring her here.  Dapat natin siyang kasama.  You are her mother, kung idadaan mo sa korte ay mananalo ka." dagdag pa nito. Alam niyang hindi sasama ang anak sa kanya kung hindi niya dadaanin sa legal na paraan. Pero manalo man siya sa korte ay talo pa rin siyang maituturing. Hindi niya kayang makita ang anak na mangungulila sa ama na siyang nag-alaga dito mula nang isilang niya ito sa mundo. Athena would hate her if she would do that, bukod pa sa galit ni Marcus na abot langit na ngayon. Kung bakit ngayon lang niya na-realize ang lahat ng pagkakamali niya ay hindi niya masagot. Marahil ay hindi niya alam na kayang mawala ang pagmamahal ni Marcus sa kanya na akala niya'y walang katapusan. At ngayon ay gusto niyang kapitan gaano man katiting ang pag-asang kanyang matatanaw. Dala ang mga laruang pinamili ng Mommy niya para kay Athena ay maaga siyang bumyahe papuntang Pangasinan. Alam niyang hindi matutuwa si Marcus kapag nakita nito kung gaano kadami ang dala niya para sa anak, pero hindi naman niya matanggihan ang mga magulang at mga kapatid sa mga ipinabibigay nito sa anak niya. Marcus didn't want any financial help from her, kahit ang gastos nito sa ospital nang magkasakit si Athena ay hindi nito pinabayaran sa kanya kahit kalahati. It seems that Marcus doesn't want anything from her anymore - not even her presence. Humugot siya ng malalim na hininga bago muling pinaandar ang kotse at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Kung walang magiging aberya ay makakarating siya sa pupuntahan ng ala una o alas dos ng hapon. Makalipas pa ang dalawang oras ay narating niya na ang gate ng pamilya Silvana. Mula sa gate ay uubos ka ng sampung minuto kung lalakarin para marating ang lumang bahay na napapalibutan ng puno ng mangga. The old house was owned by Marcus' grandfather. Lumayas ang ama nito na si Antonio kasama ang anak na si Marcus nang hindi nito makasundo ang bagong madrasta na inuwi sa bahay ng Lolo nito. Nang mamatay ang matandang Silvana ay bumalik ang mag-ama para bawiin ang mga naiwang ari-arian ng Lolo ni Marcus dahil hindi naman ito kasal sa madrasta ng ama nito. Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Marcus nang makita siyang paparating. Pero ikinagulat din niyang bukod sa mag-ama niya ay may isa pang taong naroon at karga pa ang anak niya. Caroline Benitez. Anak ng isa sa konsehala sa bayang iyon at matagal nang nagpapakita ng pagkagusto kay Marcus. Mabilis na nanibugho ang puso niya sa nakikitang kasiyahan sa mag-ama niya kasama ang babae hindi niya gustong makita anumang oras. Pero kailangan niyang magpakita ng huwad na ngiti sa harap ni Marcus kung hindi niya gustong mapalayas siya hindi pa man siya nakakababa ng sasakyan. "Naligaw ka?" walang emosyong wika ni Marcus na lumapit sa kanya mag-isa kung saan niya ipinark ang sasakyan. Si Athena ay naglalaro na kasama pa rin si Caroline sa hardin ng bahay na iyon. "I. . . decided to have a vacation for a while..." mahinahon niyang wika. Ang galit na nakikita niya kay Marcus ay nagpapahina ng tuhod niya para bumaba mula sa sasakyan. "Hindi ito bahay bakasyunan, Stacey," sarkastiko pa nitong wika. "At sa nakikita kong dala mong gamit ay mahabang bakasyon ang ibig mong ipahiwatig." "I want to be with my daughter," sagot niyang muli na ikinasingkit ng mga mata nito. Lumabas siya ng sasakyan para ibaba ang gamit. "Anong drama ito? Isa sa mga kapritso mo? Na kapag ayaw mo na aalis ka ulit at iiwan ang anak ko?" "Anak natin, Marcus," emosyonal niyang wika na nagpipigil na umiyak sa harap nito. "I want to make up for her. Ako pa rin naman ang ina niya, hindi ba?" tanong niya na dumako ang tingin kay Caroline na hawak pa rin ang anak niya. "Kapag nagtagal ka dito at inilapit mo ang sarili mo kay Athena ay masasaktan siya kapag umalis kang muli. Hindi ko gugustuhing saktan mo ang anak ko sa kahit anong paraan!" mahina pero madiin nitong wika. "Umalis ka na." "H-hindi mo ako palalayasin, Marcus!" pinatatag niya ang sarili para harapin ang galit nito. "Sinabi ko na sa'yo, gusto kong bumawi sa anak ko! Gusto kong punuan ang pagkukulang ko sa kanya!" "Maayos ang kalagayan niya kahit wala ka!" "I am still her mother! Kapag ipinilit mo pa ring umalis ako sa pamamahay mo ay sa korte tayo magtutuos, Marcus. Alam mong kaya kong bawiin ang anak ko sa legal na paraan." Nakita niya ang pag-aapoy ng mata nito sa galit. Humugot siya ng malalim na hininga saka muling nagpatuloy. "But I will not do that. Kaya ako nandito para gawin ang nararapat. Ang dapat na matagal ko nang ginawa. So, please. . ." Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya bago inutusan ang isang trabahador na ibaba ang mga gamit niya. Lumakad si Marcus patungo kay Caroline at kinausap ito, kung tungkol saan ay hindi niya alam. She looked like a fool. Pero kailangan niyang magpakumbaba kung gusto niyang maging maayos ang pagtanggap ni Marcus sa kanya sa pamamahay nito. Sinundan niya ang trabahador na nagdala ng mga gamit niya sa silid kung saan siya namamalagi kapag dumadalaw doon. Hindi sumunod si Marcus sa kanya, bagkus ay umalis ito kasama si Caroline na marahil ay ihahatid sa bahay ng babae. At kasama ng mga ito si Athena na hindi man lang sumalubong sa kanya. Pagkahatid ng trabahador sa huling gamit niya sa kwarto ay isinara niya ang pinto at umiyak ng umiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD