Chapter 3

1537 Words
"Marcus, pakihatid mo raw sa opisina ni Sir Zane ang salamin niya. Naiwan sa tokador kanina dahil sa pagmamadali," utos ng Tiyang Mely niya na inabot ang maliit na paperbag kung saan nakalagay ang salamin sa mata ni Zane Albano. Malayo ang opisina nito dahil sa Greenhills ang mansyon at sa Paranaque pa ang opisina ng Albano Corp. Minsan na siyang isinama sa opisina ng boss niya pero ngayon pa lang siya magda-drive mag-isa patungo doon. May kabang pinaandar niya ang sasakyan at maingat na nagmaneho. May ilang buwan na siyang nagda-drive mula nang matapos niya sng driving lesson at magkaroon siya ng lisensya. Akala niya noong una ay sisiw lang sa kanya ang pagmamaneho, pero nang masabak sa kalye at makipagsabayan sa malalaking trak ay sandali siyang kinain ng takot. Hindi bale sana kung ang dala niya ay ang lumang jeep ng Tatay niya sa bukid na hindi niya iindahin ang halaga masabit man ang anumang parte ng sasakyan. Pero ang sasakyang pag-aari ng mga Albano ay libo na ang halaga sa kaunting gasgas lang. Maingat niyang binaybay ang kahabaan ng EDSA at dahil tanghali na ay inabot siya ng mahigit dalawang oras dahil sa traffic. Hindi pa niya kabisado ang mga shortcuts kung meron man, umasa lang siya sa instruction ni waze na isang app sa cellphone na inirekomenda ni Tiyang Mely niya. Pagdating sa Albano Corp. ay kaagad naman siyang pinapunta sa twentieth floor kung saan nasa conference room na si Zane Albano kasama ang iba pang mga ka-meeting nito. Halos malula siya sa laki ng building ng opisina ng boss niya at nahirapan din siyang hanapin ang sinasabing conference room. Nang makabalik siya sa parking ay sumandal siya sandali at pinagmasdan ang paligid at ang matayog na gusali ng Albano Corp. So, this is the corporate world, aniya sa sarili. Ngayon niya nakikita ang totoong mundo ng mga propesyunal. Noon ay pinangarap niyang maging engineer at makapasok sa magarang opisina. Nabubuhay muli ang pangarap niya pagkakita sa opisina ng mga Albano. Gusto niyang magtrabaho sa ganitong environment. Gusto niyang makapagsuot ng coat and tie, black shoes, at makaupo sa swivel chair tulad ng mga tao sa conference room kanina. Pero hanggang ngayon ay nakatali pa rin ang mga paa niya bilang isang driver/hardinero ng isang mayamang angkan. Gusto rin niyang mapalago ang bukid nila sa probinsya. Hindi pa rin naman nawawala ang pagmamahal niya sa kinalakihang trabaho at lupang pag-aari ng pamilya. Pero bahagi ng pagkatao niya ang may kagustuhang maranasan ang corporate world. Kung binigyan man lang sana siya ng pagkakataong mamili ng Tatay niya. Pero tila naging bingi na ito sa mga pangarap niya. Pinaandar niyang muli ang sasakyan para bumalik sa mansyon ng mga Albano. Sandali niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin habang nakahinto sa intersection. Makapal ang buhok at alon-alon na nakakalimutan niyang pagupitan dahil nasa bahay lang naman siya, braces na hindi niya na nagawang ibalik sa dentista dahil bigla silang umalis sa San Fabian, at mga lumang damit na hindi niya pinagkaabalahang palitan ng bago. Hindi naman sila mahirap kung maituturing. Pero nanliliit siya ngayon sa kalagayan niya. Nang mag green ang signal ng traffic light ay muli niyang itinuloy ang pagmamaneho. Ilang sandali lang ang lumipas ay tumatawag nang muli sa kanya si Zane Albano. "Alam kong hindi ka pa nakakalayo, Marcus. I want you to pick-up Stacey right away," wika nito na agad nagpakabog sa dibdib niya. "Alas dose ang huling klase niya at nag-advice ang school na wala ang teacher niya ngayong hapon. Please pick her up and bring her home. I will send you the address." "Yes, sir," tanging nasabi niya saka ibinaba ang telepono. Napahugot sita ng malalim na hininga pero hindi pa rin nawawala ang kaba. Stacey Albano. Ang babaeng gumugulo sa isip niya at isa mga taong maging dahilan ng mga insecurities niya. Tuwing umaga ay nasanay na ang mga mata niyang nakikita ito sa hapagkainan na nakasuot ng unipormeng blue. Sa edad nitong trese anyos ay dalaga nang tingnan at mas lalo itong gumaganda sa pagdaan ng panahon. Alam niyang mali, pero hindi niya maiwasang magtago ng lihim na pagkagusto sa anak ng amo niya. At imposible din na magkagusto ito sa kanya kahit pa tumanda ito at pwede nang magkaroon ng kasintahan. Ang tulad niya'y walang puwang sa mundo ng mga Albano kung pag-ibig ang pag-uusapan. Iniliko niya ang sasakyan patungo sa eskwelahang pinapasukan ni Stacey at naghanap ng parking. Ang sabi ni Zane Albano ay alas dose pa ang out ng dalagita, may kinse minutos pa siya para maghintay. Marami na ang naglalabasan sa gate pero malamang ay mga college students na kaya't ipinikit niya muna ang mga mata para hindi makita ang mga mayayamang estudyanteng ang iba ay may sarili nang sasakyang dala. ---- "Let's stay for a while, Stacey," yaya ni Viena sa kanilang magkakaibigan pagkatapos ng huling klase nila sa araw na iyon. "As much as I want to, nagpadala na ng drivee si Dad," sagot niya. "Oh, c'mon. Just a little while. Panoorin lang natin sa gym ang laro nila Leandro. Makakapaghintay naman siguro ang driver niyo," sulsol naman ni Therese na halatang may gusto kay Leandro. Kahit siya ay gustong manood ng laro ng sikat na varsity player ng university. Sa iilang pagkakataon na nagkikita sila sa faculty at corridor ay palagi itong ngumingiti sa kanya. "Sige," sa huli ay napapapayag din siya. Nagtext siya sa Daddy niya na dadaan pa sa library ng trenta minutos. "Knowing your father, agad maniniwalang nasa library ka nga," natatawang wika ni Viena. "Sa sobrang hilig mo sa libro, sinong mag-aakalang nasa gym ka at panonoorin si Leandro?" "Excuse me! Sasama lang ako sa inyo dahil pinilit niyo ako," pangungumbinsi niya sa mga kaibigan. "Okay, fine!" Itinaas ni Therese ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Pero aminin mo na, may crush ka din kay Leandro di ba?" "Wala ah!" pagtanggi niya. "Uuwi na nga lang ako." Tumalikod siya at nagtangkang iwanan ang mga kaibigan nang agad ding hilahin ni Therese ang isang braso niya. "Sige na, wala na kung wala. Huwag ka ng KJ." "Bakit mo pa kasi ide-deny, lahat naman tayo dito may crush kay Leandro?" tanong naman ni Viena. "Mga bata pa tayo noh," sagot niya. Isa sa laging bilin ng Mommy't Daddy niya ay ang iwasan ang mga manliligaw dahil masyado pa siyang bata. Kahit ang Kuya Jayzee niya ay hindi pa pinapayagang mag-girlfriend sa edad nitong disenueve. Yun nga lang, sa dami nang nagkakagusto sa kuya niya'y kabi-kabila naman ang nali-link dito. Sa bandang unahan pa napili ng mga kaibigan na umupo kung saan kitang-kita sila ni Leandro. At kung bakit naman laging sa kanya ito sumusulyap bago mag-shoot sa ring ay hindi niya alam. Lalo tuloy nagtuksuhan ang mga ka-teammate nito na ikinamumula ng pisngi niya. Kahit si Viena at Therese ay walang tigil sa pambubuyo sa kanya na tapusin na ang laro nito na inabot ng isang oras. Pagkatapos ng practice game ay kinausap pa siya ni Leandro na hindi na siya nakatanggi. "Our team decided to get you as our muse. Next week na ang parade at sa Tuesday ang first game. Pwede ka ba?" tanong nito na nahirapan siyang tanggihan. "I'm sorry, Dad won't allow me," mahina niyang sagot. Gustuhin man niyang pumayag ay alam niyang hindi rin siya papayagan lalo at aabutin ng gabi ang parade at game na sinasabi nito. "Si Viena na lang!" suhestiyon ni Therese na ikinainis niya. "We'll surely be there," dagdag pa nito. "Are you available?" tanong naman ni Leandro kay Viena. Agad namang pumayag ang kaibigan. "I'll pick you up tomorrow para masukatan ka ng uniform," nakangiting wika ni Leandro na ikinakilig pa ni Viena. "Sure," sagot ng kaibigan. "I have to go," paalam niya sa mga kaibigan sa pagkadismaya niya. Tumalikod na siya at lumakad palayo. "Wait!" mabilis na wika ni Leandro saka sumunod sa kanya. "Ihahatid na kita, saan ka ba umuuwi?" "I'm sorry, the driver is waiting for me at the parking," sagot niya saka tumalikod muli. Sumabay naman si Leandro sa kanya habang naglalakad siya papunta sa parking. "I'm sorry if I offended you," paghingi nito ng paumanhin. "You did not, Leandro. It's fine. Pasensya na hindi kasi talaga papayag si Dad." "I understand. Wala na kasi kaming time maghanap pa ng ibang muse kaya pumayag na ako sa pagpresenta ni Viena. Can we go out sometime?" tanong naman nito sa kanya. Huminto siya sa harap ng sasakyan saka humarap kay Leandro. "I can't either," sagot niya. "I am not allowed to go out on a date. Ask Viena, she might want to go." Isang pekeng ngiti ang pinakawalan niya bago tuluyang sumakay sa kotse. Mula sa tinted na sasakyan ay pinagmasdan niya si Leandro na naiwang nakatayo sa parking lot habang nakatanaw sa papaalis na sasakyan nila. Gusto niyang bumalik at kausapin ito pero ipinasya niyang isandal na lang ang likod sa leather seat. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata nila ng driver sa salamin ng kotse. Isang irap ang pinakawalan niya dahil sa inis kay Viena, Therese at Leandro na nainbunton niya sa driver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD